Chapter 6

19.2K 455 12
                                    

CHAPTER 6 

Kinabukasan nga ay hirap na hirap na bumangon si Gail mula sa pagkakahiga. Ang tagal kasi bago siya nakatulog. Hindi mawala sa isip niya si Yi Jeong. Hindi tuloy niya maintindihan ang sarili. Parang gusto na niyang sumuko na ewan. Mag-aalas diyes na noon nang makarating siya sa school. Alas-onse pa naman ang start ng kanyang klase kaya nagpasya na lamang na puntahan si Yi Jeong sa building nito. Sa pagkakaalam niya'y 11:30 pa din ang klase nito. Wala na rin naman ito sa mansion kanina kaya sigurado siyang nand'un na din ito. At hindi nga siya nagkamali nang makita niya ito sa may bandang sulok sa ilalim ng isang malaking puno. Doon niya kasi madalas na makitang tumatambay ang lalaki. 

"Hi..."  Alanganin pa niyang bati dito. 

"Hey..." Bahagya lang itong lumingon sa kanya at muling ibinaling ang tingin sa binabasang libro. 

"What time ka na nakauwi kagabi?" Masaya pa niyang panimula. 

"Around 3:00 a.m." Walang kagatul-gatol pang sagot nito. 

"Ha?" Mangha pa siyang napalunok. Napakatagal na oras iyon at maraming pupuwedeng mangyari. 

"Was there any problem?" Kunot-noo pa siya nang makitang tulala ang babae. 

Umiling lang siya bilang sagot sabay kuha nang niluto niyang pagkain para dito.  

"Hindi ka pa raw kumakain sabi ng nanay," Inihain pa niya sa harap nito ang baked macaroni na siya mismo ang nagluto. "Kaya ipinagluto kita.  Sana magustuhan mo..." 

"Thanks but I am full." Hinimas pa nito ang tiyan at mapaklang ngumiti. 

Dismayado naman si Gail sa sagot nito. 

"Sige na, kahit tikman mo man lang." Sumamo pa niya dito. Pinaghirapan pa naman niya ang pagluluto niyon. 

"I said I am full." Matigas pang ulit nito. Tipong ayaw pakulit. "Thank you." 

Hindi naman na namilit si Gail at sa halip ay malungkot na itinago na lang ulit ang pagkain. Sayang naman kasi kung iiwan niyang nakabuyangyang iyon. Ang daming tao ang nagugutom. 

Lakas loob pa siyang tumabi sa lalaki na busing busy pa rin sa pagbabasa ng libro. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito at mahigpit na ipinulupot ang kamay sa braso nito. 

"What are you doing?" Taka pa itong tinitigan ang babae. 

"Diba ganito ang gusto mo?" Mapait pa siyang ngumiti at ipinikit ang mga mata. "Ganito kasi ang nakikita kong ginagawa ng ibang girlfriend mo sa'yo." 

"Umayos ka na." Malumanay pang utos niya dito. 

"Huwag muna.  Kahit saglit lang naman..." Pakiusap pa niya. Ni hindi niya namalayan na muli na namang tumulo ang luha niya. Papaano kasi'y sa pakiwari niya ay nagiging ibang tao siya sa kanyang ginagawa. Nagpipilit siyang mahalin nito gayong alam niyang wala itong pagtingin sa kanya. 

Hindi rin naman nakagalaw si Yi Jeong. Gustong-gusto niyang yakapin ito nang mahigpit. Pero ang unang pag-ibig niya ay sapat na upang mawalan na ng tiwala sa tunay na pagmamahal. 

"Gail, please..." Inalis pa niya ang pagkakahawak nito sa braso niya. Pilit na nagpaka-kaswal. 

Hindi naman nagawa pang mag-react ni Gail. Para kasing pinandidirihan siya ng lalaki na di niya mawari. Hindi pa man sila nagtatagal sa gayong posisyon nang may lumapit na babae sa kanila. Ang babaeng lumapit sa kanila kahapon sa labas ng auditorium. 

"Hi baby!" Muli ay nag-ukyabit ito sa lalaki. "I missed you..." Walang pakundangang hinalikan nito ang lalaki sa harap niya. 

Para na naman tuloy tinarak sa puso si Gail. Hindi niya tuloy maintindihan kung ano na naman ba ang dapat gawin. 

HEAVEN WILL ONLY KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon