Chapter 8

19.7K 468 11
                                        

CHAPTER 8 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Kahit papaano'y naging madali naman para kay Gail ang umiwas kay Yi Jeong sa tulong na rin ng kaibigang si Jandi. Naging madalas din ang pagsundu-sundo ni Dino sa kanya. Sa tantiya niya'y nagpaparamdam na naman itong balikan siya. Pero hindi na siya handa sa ganoong posibilidad. Tama na rin sa kanya ang minsan niya itong nasubukan. Hanggang kaibigan na lamang ang gusto niya dito. 

Kasalukuyan siyang naglalakad noon sa football field patawid sa kabilang building nang mamataan niya si Yi Jeong na palapit sa kanya! Iiwas sana ulit siya pero agad din siyang nakahon nito. 

"Gail, please..." Sumamo pa nito sabay hawak nang mahigpit ang kamay nito. 

"Bitiwan mo ako!" matigas pa niyang sabi. 

"Not until you talk to me."  

"Bakit?" Kunot-noo naman siya. Bahagyang natigilan nang mapagmasdan ang hitsura nito. Tila kasi napabayaan nito ang sarili at nagkaroon ito ng bigote sa mukha.  Pero ganoon pa man, walang nabago sa taglay nitong kagwapuhan. "Ano pa bang dapat pag-usapan nating dalawa?"  

"About us..."  

"Ano naman ang tungkol sa atin? Wala naman diba?" 

"That's not true." Mabilis din namang tanggi niya. "I-i..." Magsasalita na sana siya pero hindi niya nagawang ituloy dahil may biglang sumuntok dito. 

"Yi Jeong!" Gulantang siya sa nakitang pagbagsak ng lalaki. 

Sunod sunod ang suntok at tadyak na natanggap ni Yi Jeong sa hindi nakikilalang lalaki. 

"Gago kang hayop ka! Pipiliin mo ang susulutan mo ng girlfriend!" Sabi pa ng lalaki habang patuloy na inuulan nito nang suntok ang nakahiga ng lalaki. 

"Alwyn, stop it!" Pigil naman ng babaeng humahangos palapit dito. 

Panandaliang natulala si Gail sa nasaksikan pero agad ding nagising nang makitang duguan na si Yi Jeong na hindi man lang lumaban.  

"Tarantado ka!" Isang malakas na bigwas pa ang pinawalan nito na tumama sa labi ng nakabulagta ng lalaki. 

"Yi Jeong!" Noon na siya sumaklolo dito. Agad na niyakap at tinakpan ito sa kamay nung lalaki. "Tama na!" Pigil pa niya sa nag-aapoy sa galit pa ring lalaki. 

"Lumayas ka d'yan!" Pagtataboy pa sa kanya ng lalaki. 

"Tama na! pakiusap naman!" Sumamo pa niya dito. 

"Sinabi nang lumayas ka e!" Buong pwersa nitong dinaklot si Gail sa braso at itinulak palayo sa lalaki. At dahil sa lakas nito ay halos mapangungod siya sa pagbagsak. Bagay na agad din namang nasaksihan ni Yi Jeong.  

"Gail!" Pinilit niya ang sariling makatayo kahit nahihilo at gumanti nang suntok sa lalaki. "You stupid asshole sasaktan mo pa ang fiancée ko!" Siya naman ang sumuntok nang sumuntok dito. "'Yang girlfriend mo ang pigilan mo at 'wag ako!" Hindi siya lumubay nang suntok hanggang sa mapagtanto niyang 'di na rin nito magagawang makatayo nang maayos.  Nang masiguro niyang hilo na ito ay tsaka niya nilapitan si Gail na noo'y bahagyang nagasgasan sa tuhod. 

"Gail, are you alright?" Alalang-alala pa ito.  

"Oo, okay ka lang ba?" Alala din naman niyang tanong dito at tila agad lumambot ang puso niya nang makita ang duguang mukha nito. Wala pa sa sariling pinunasan niya ng panyo ang mukha nito. 

"I'm okay." Bahagya pa siyang napangiwi nang maramdaman ang tila nabugbog na tagiliran. 

"Demonyo ka!" Sigaw pa ni Alwyn matapos maka-recover din sa hilo. "Oras na lapitan mo ulit ang girlfriend ko, hindi lang iyan ang aabutin mo!" 

HEAVEN WILL ONLY KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon