Chapter 09 - Nightmare
--
"Ash! Ash! 'Lika dito." Narinig ko ang sigaw ni Aeson, napatingin naman ako kung nasaan sila.
Bakit parang ang ganda naman dito? Napakarefreshing at relaxing ng aura. Mga umaatikabong na bulaklak at damuhan na napakalinis. 'Tila hindi ito nadudumihan at isa pa may sapa sa may bandang gilid, nandoon sila.
"Wow! Ang ganda naman dito!" Manghang sigaw nila, kahit ang mga lalaki ay nagagandahan din sa tanawin.
"Sandali, kukunin ko lang 'yung mga pagkain."
"Sama na ako, Tash." Sabi ko at sumunod sa kaniya.
"Ang ganda dito, 'no?" Tumitingin tingin pa siya sa bawat nadadaanan namin na iba ibang klase ng mga bulaklak.
"Kaya nga 'e."
Nang makarating kami sa van ay kinuha namin ang mga pagkain. May mga titserya, juice, at may mga cooked meals na. Siguro umorder sila kanina.
Pagkabalik namin ay nakahubad na sila Aeson at ang mga lalaki. Napatingin naman aki kay Jazer. Omg. Nakatingin siya sa akin, at kinindatan pa ako. He's seducing me!
Kami namang girls ay inayos na ang picnic table at ang mga pagkain. May dala palang bubles itong si Wendy. Isip bata talaga 'to. Ayun, linalaro niya 'yung mga bubbles at hipan ng hipan. Kami naman ay nagkekwentuhan lamang at kumakain. Nang umahon ang boys ay kumuha sila ng towel at nakikain na din. Naalala ko na naiwan ko pala ang cellphone at money ko sa bag ko. Mahalaga 'yun, in case of emergency.
"Guys, balik muna ako sa van 'a? May kukunin lang ako." Pagpapaalam ko, tumango naman silang lahat kaya naglakad na ako.
Habang naglalakad ay parang biglang dumidilim pero nakakakita pa naman ako kahit madilim na.
Kinuha ko na ang bag ko at bumalik na sa picnic table namin. Kaso habang naglalakad ako ay unti-unting dumilim. As in sobrang dilim.
"Guys! Guys! Ba't ang tahimik niyo?" Kumakapa na lamang ako sa dilim. Sobrang tahimik at parang walang tao. Kinuha ko ang cellphone ko para gamitin sana ito bilang flashlight pero pilit kong binubuksan ang power button nito pero ayaw pa din bumukas. Naalala ko na lang bigla, lowbattery nga pala ako kanina.
Mukhang wala sila dito. Nakarinig naman ako ng tunog na parang may lumalangoy sa dagat kaya lininawan ko ang aking mga mata para makita ko kung sino 'yun.
Unti-unti at dahan dahan na nanlaki ang aking mga mata. 'Yung ahas na napakalaki or should I say anaconda sa mga panaginip ko. Nanlilisik ang malalaki nitong mata at ang kanyang kaliskis ay nagliliwanag sa dilim. Nakakatakot ang itsura niya na parang marami na siyang nakain sa laki niya.
Mabilis akong tumakbo ng tumakbo pabalik sa van namin pero nang makarating ako sa kinaroroonan nito kanina lang ay wala na ito. Tumakbo nalang ako ng tumakbo hanggang sa nakakita ako ng pamilyar na sasakyan. Ang van! Nakita ko na nasa likuran ko nalang banda ang anaconda kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Mamamatay ako kapag naabutan ako niyan! And ayaw ko pang mamatay. Nay liwanag sa may van pero habang tumatakbo ako papalapit dito ay parang lumalayo naman ito sa akin.
"Rawr! Rawr!" Nanlaki ang mata ko lalo ng marinig 'yun. Parang leon. Patay! Ang buhay ko malapit na mamatay!
"Ssssss! Sssssss! Sssssssss!" Naririnig ko ang umaalingawngaw na tunog ng anaconda. Malaki na nga malaki pa ang tunog kaya mas lalong nakakasindak.
Nang sa wakas ay nakalapit ako sa van ay hinawakan ko ang bukasan nito. Pero nasa labas palang ako at buhay na buhay pa ako ay parang namatay ako sa nakita ko.
YOU ARE READING
Dreams Into Reality [COMPLETE]
Mistério / Suspense[THIS IS A SHORT STORY.] (COMPLETE)