Chapter 6

701 40 8
                                    

Chapter 6

Bestfriend or Bestlovers

*Ding dong*

Lumabas ako ng bahay para tignan kung sino yung nagdoorbell.

"Hi ate Yessa! Ano pong kelangan nyo?"

"Ahh..Louisse pwede bang maiwan ko muna si Khyle dito? Papunta kasi ako sa Ospital e. Dadalawin ko si mommy. Don't worry babalikan ko rin sya mamayang hapon."

Nakakahiya naman kung tanggihan ko si Ate yessa. Kapitbahay namin sya at naging close din naman kami. May anak sya ,si Khyle 4 years old. Di nga halata na may anak e ang sexy parin kahit may anak na.

"Opo, ayos lang." Binigay nya sakin si Khyle. cute cute talaga nitong batang to haha sarap panggigilan hahaha.

"Baby khyle, behave ka lang ha! Wag mong papahirapan ang ate Louisse mo. Babalik din si Mommy mamaya, wag makulit ha! wag maglilikot. "

Kiniss na ni ate yessa si Khyle. Awww so cuuute. Kinuha ko na yung mga gamit ni Khyle at pumasok na kami sa loob.

"Ate Louisse..Im starving i wanna eat! i wanna eat!"

Grabe tong batang to kakapasok palang gutom na agad !

"Okay. Dito kalang ha wait mo si ate Louisse dito kukuha lang ako ng food mo. Dyan kalang ha!Wag ka gagalaw hahaha"

Nagpunta ko sa kitchen para maghanap ng ipapakain kay baby Khyle.

Ice cream kaya? Ahhh diko alam! Wala kasi silang lahat ngayon .Lahat may lakad tsk daya nga eh ako lang naiwan dito.

Kinuha ko nalang yung cake ni Sydney sa ref. kumakain naman siguro yung batang yun ng cake.

Pag punta ko sa salas. Wala si Khyle...

"Khyyyyle! Khyle? " Hinanap ko na sya sa buong bahay pero wala. Lumabas nako at ayon naiwan ko palang bukas yung gate.

"Ugh. Khyle naman..Lagot ako sa mommy mo nito!" Kinakabahan nako pano kung may nagkidnap sakanya lagot ako nito! Di lang pala lagot! Patay ako kay ate yessa.

"KHYLE WHERE ARE YOU?" "KHYYYYLE!"

Nakarating ako sa park dito sa subdivision namin. Aa naiiyak nako.

"Kuya pogi i want cotton candy! Can you please buy me one? Please?"

Nakahinga ako ng maluwag.

"Khyle! Andito ka lang pala! Grabe kang bata ka! pinakaba mo ko!"

At ang bata tinignan lang ako!

"Khyle halika na uuwi na tayo!" Kinapitan ko yung braso ni Khyle.

"Waaah i dont like you! Ayaw ayaw!"

"No! Uuwi na tayo!"

"Miss naman ayaw nung bata oh"

"Sino ka ba ha? Di mo ba alaam na kidnapping ang ginagawa mo?"

"Miss nakita ko yang batang yan na umiiyak. Kasalanan ko bang pabaya ang nag-aalaga dito?Tsaka isa pa sya ang kusang lumapit sakin"

Diko na sya sinagot. Tama naman sya eh, ako yung pabaya.

"Khyle uuwi na tayo ha?"

Binigay na nung manong vendor yung cottoncandy kay Khyle.

"Halika na khyle"

"No! I'll go with my kuya pogi!" Aba at dinilaan pa ako! Lokong bata to.

"Sige hatid ko na kayo. San ba bahay nyo?"

"Dyan lang, sundan mo nalang ako"

Nakasakay si Khyle sa batok nung kuya pogi daw nya. Gets nyo ba? Yung nasa magkabilang balikat nung lalaki nakaupo si khyle. Basta yun nayon!

"Ang cute naman nung family oh. Kaso parang ang babata pa nung parents nung bata pero ang cute paren" Naririnig kong pinaguusapan nung mga nadadaanan namin. Di ko nalang pinansin.

"Dito nalang kami."

"No! Magple-play kami ni kuya pogi!"

No choice ako. Pinapasok ko na yung kuya pogi sa bahay. Muka namang mabait eh tsaka gwapo naman hahaha landee

"khyle cake oh. Gusto mo?Masarap to."

waley ! Dedma ang beauty ko! Di manlang ako pinansin nung dalawa .Patuloy lang sila sa paglalaro.

Umupo ako sa malapit sa tabi nung lalaki. Ang cute ni Khyle maglaro.

Lumapit ako dun sa kuya pogi ni Khyle.

"Magkakilala ba kayo ni Khyle?"

"Kanina lang."

"Bat parang close na close agad kayo?"

"Di ko din alam. Ano nga palang pangalan mo?"

"Louisse. ikaw?"

"Jared"

"Ahh..ano. J-jared sorry dun sa kanina ha. Sinabihan pa kita ng kidnapper haha. Ako naman talaga yung pabaya eh. Sorry talaga"

Nakita ko sya na nag-smile ng konti haha parang nakakadala yung ngiti nya. Lamnyo yon? Yung tipong mapapangiti karen.

"Hinde. Ayos lang haha. Ang ganda mo pala."

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa muka ko.

"H-ha? Ahh thanks. Ikaw den... i mean. Gwapo ka " Yumuko ako pagkatapos kong sabihin yon taeee ano ba tong sinasabi ko?

"Hahaha sige mag-bolahan pa tayo"

Ayon nagkwentuhan lang kami about random things . Diko namalayan na nakatulog na pala si Khyle.

"Tulog na pala si Khyle. Hahaha diko namalayan hapon na pala. Sige alis nako. Bye Louisse. See you around."

Hinatid ko sya hanggang sa gate namen then Nagbye nako sakanya. Nilock ko na yung gate baka makawala nanaman si Khyle eh.

Thankyou for reading!

Vote and comment

Bestfriends? or Bestlovers?  [FINISHED]Where stories live. Discover now