Prologue.

34 2 0
                                    


Ngayon ang alis ni Mommy papuntang London para business trip niya. Halos hindi ako natulog kagabi kakaiyak. This is the first time kasi na maghihiwalay kami ni ng ganitong katagal. She'll be gone for 3 years. Kailangan kasi siya ni Dad sa business namin in London. Nawalan na ko ng daddy, mawawalan na rin ako ng mommy.

Pag-bangon agad akong naligo at nag-ayos. Pasalamt nalang talaga ako at naimbento ang concealer. Sinubukan kong itago ang pamamaga ng mata ko, baka kasi pag nakita ni mommy na umiyak ako eh magiyakan na kami magdamag.

"Good Morning anak." Bati niya nang makita ako. Lumapit naman ako para i-kiss siya sa cheek. "Kumain muna tayo bago umalis."

Pagpasok ko ng dining area eh nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko. Naisip ko kasi na eto na ang huling beses na kakain kami ulit. Ang oa ko ba? Pero kasi masyadong mahaba ang tatlong taon.

"Always remember to pick up my calls okay? I'll always call every 9pm PH time. If you dont answer anak, baka atakihin ako sa puso sa pag-alala." One out of more than 15 na bilin niya sakin. I nodded and smiled. Ramdam mo kasi ang lambot sa boses niya. I can feel her pure love din.

"No worries ma. I will always answer. If you dont call, baka ako naman ang mamatay sa pag-alala ha." I said. Lagi siyang nagbibilin para sa kaligtasan ko, it's my turn na bilinan siya.

She held my hand and smiled.

"Good morning tita." Pumasok siya at bineso si mommy.

"Good Morning rin. Halina't kumain na." Pag-aya niya dito. Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa tapat ko. I didn't bother to look at him, I just continued eating my food.

"By the way Ry, you are going to eat here parin ha. I don't want you to eat delivery food. Kahit na aalis ako binilin ko na kay Asha na dito ka parin kakain." Bilin ni mommy sakanya.

I didnt look pero ramdam kong napatingin siya sakin.

"Thank you tita. Pero baka po kasi maistorbo si Asha." Napatingin ako sakanya.

She held his hands kagaya ng ginawa niya sakin. "No Ry. Binilin ka ng parents mo sakin and it hurts for me to leave you din. Plus, napagusapan na namin ni Asha yun. Right anak?" They both looked at me.

I looked at them back and nodded.

"Hay, kung may license lang si Asha hindi na sana kita aabalahin to drive me sa airport." She said to Ryonne.

Naka-leave kasi ng 3 months ang driver namin at ang asawa niya na maid din namin dito, kaya naman nagpresenta si Ryon na siya na ang maghahatid.

"Nako ikaw pa ba tita? Kung kaya ko lang din magpalipad ng eroplano hanggang London ihahatid kita." Biro niya kay mommy reason para matawa siya. I looked at him and he's laughing at his own joke rin.

He really knows how to make my mom laugh.

"Wait lang po, kukunin ko lang po ang kotse." He said at dumerecho sa garahe nila.

Nagpark ang black na kotse sa tapat ng bahay namin, bumaba siya at tinulungan ako sa paglagay ng baggages ni mommy sa likod ng kotse. It's not his car, it's his dad's. Hindi kasi kakayanin ng kotse niya ang dami ng dalang gamit ni Mommy.

Pumasok na si mommy sa passenger seat at umambang susunod na rin sakanya nang pigilan niya ako.

"Anak dun ka sa harap. Nakakahiya naman kay Ryon baka isipin ginawa pa natin siyang driver." Ani niya.

Mom? Araw araw nga siyang nakikikain saatin nahiya ba siya?!

Pero syempre di ko sinabi yon.

nang dahil sa pangakoWhere stories live. Discover now