Finding 4:

162 5 3
                                    

Next Day:


"Uyyyy! Sorry na!" Alam niyo na kung sino to.

Hindi ko siya pinansin, ngpatuloy lang ako sapagtu-twitter ko. Nako. Trending kaya ang KathNiel. Hayyyy. Manigas siya.

"Sige na. Gusto mo gawin ko ulit yung kay Chichay?!" tanong niya naman sa akin.


"It won't work" bulong ko naman.

"O di naman maglalambitin ako? Sige na Xienna, patawarin mo na ako!!!" sabi niya habanh kinakalabit ako.

"ANO BA KELAN KA BA TITIGIL? OO NA, PINAPATAWAD NA KITA. KAYA PLEASE LANG, MAY GINAGAWA PA AKO EH!!!" sigaw ko. Opo. Sigaw. Eh sa nakakainis na eh.

"Ah sige. Alis muna ako..." malungkot niyang sabi. Nako! Nagdrama ang loko.

"Susssss!!! Tampurorot! Umayos ka nga!" sabi ko sa kanya.


"Bati na talaga tayo?" eto na naman tayo sa paulit-ulit na tanong. Kainis.


"Oo nga! Kainis! Kulit mo!!!" sabi ko sa kanya.


"Eh bakit ka naiinis?!"


"Eh bakit ininiis mo ako?!"


"Eh bakit ba kasi ang kulit-kulit mo?!"


"Eh bakit kinikulit mo ako?!"


"Eh bakit ba kasi ang sweet niyo?!" Ooooops! Hindi na kami yan ah! Yung isa kong kaklase na si Crea.

"Oo nga! Ikaw bebe girl ha?! Akala ko ba KathNiel Fanboy ang hanap mo? Eh KathNiel Hater yang si Sky diba?" dugtong naman ni Aphrodite.

"Uyyyyyy! Nagbago ka na ha?! Umiba na yung ideal man mo!!!"


Ayon! Puro kantyaw ang inabot namin sa mga kaklase ko.

"ANO BA KAYO!!! SERIOUSLY? AKO NAGBAGO NANG IDEAL MAN? SUS! KATHNIEL FANBOY PA DIN ANG GUSTO KO! KAPAG SI SKY YANG MAKAKATULUYAN KO, GIYERA LANG YUNG AABUTIN NAMIN!!!" sigaw ko ulit! Letse! Namamalat na yung boses ko sa kakasigaw.

"Tama si Xienna..." sabi ni Sky....


Teka?


Bakit???

Bakit parang umiba ang aura niya?

Sus! Nagha-hallucinate lang ako.

"Bebe girl! Napapatulala ka!"

"Huh! Wala! Tapos na ako dito, punta tayo sa mgabooths! Sky, sama ka?" tanong ko sa kanya na para bang nagbago talaga ang mood niya after... Hay nako!

"Hindi na, uuwi na muna ako. Sige una na ako" sabi niya. Hindi man lang siya tumingin sa akin... diretso lang siyang lumakad paalis nang room namin.

"Uyyy. Bebe girl! Anyare kay Sky?" biglang sulpot nang kaklase kong si Patricia.


"Oo nga, mukhang nag-iba mood nun nung sinabi mong KathNiel fanboy pa din gusto mo... Alam mo, halatang gusto ka nun!" dugtong naman ni Athena.

"Sus! Siya? Magkakagusto sa akin? Nagpapatawa ba kayo?" sagot ko naman, pero deep inside parang may nafeel nga ako na something.

"Alam mo, kung gusto mo naman si Sky, huwag mong pigilan yang nararamdaman mo sa kanya, hindi dahil KathNiel hater siya, hindi mo na siya pwedeng magustuhan." sabi naman ni Polly.

FINDING MY FANBOY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon