0.2

8 2 0
                                    

<Guy Seatmate’s POV>

                                      Tsh! Nakakainis naman!! Bakit ba ang gara ng babaeng ito?! Nakakakabans siya ha? Kanina ako yung kumakausap sa kanya ayaw akong pansinin ngayon.. itong panget na ito.. aba! Kinakausap! Tsh! Papansin kang babae ka. Ayaw mo kasi akong tingan hindi mo tuloy makita na mas pogi ako ng di hamak sa ngayong lalaking iyon kinakausap. Tsh! Nako!!

<Girl’s POV>

                                     Ang gwapo talaga ng nilalang na akin ngayon ay kaharap.. hindi katulad nitong katabi ko .. amoy palang hindi mo na gustong makita ang pagmumukha. Tsh! So.. dito na lang ako sa nilalang sa aking harapan. Pwede na ? hahah! Pagpasensyahan ang aking kalandian .. masyadong lumalabas ang aking angking kaharutan! Kaso.. siguro.. talagang dumadating ang hantungan. Tumigil na ang tren at gwapong nilalang sa aking harapan ngayon ay palabas na nitong nasabing sasakyan. Pero ang nakakatuwa lang ay pati ang nilalang sa aking tabi ay bumaba na din. Eksaktong pagtayo niya ay nagflip ako ng hair ko. Duh! I don’t want to see his face baka masira uli yung maganda ay! Yung sobra na maganda na maganda kong araw nang dahil sa lalaki sa aking tapat. At simula ng lumabas sila sa pintuan ng tren.. hindi ko na muli nakita yung lalaking iyon.

<Guy Seatmate’s POV>

                                  Nakakabanas naman itong katabi at katapat ko. Ang daldal!!!!! Ang ingay-ingay !!! Nasa loob ng tren ka-ingay-ingay! Ang sarap paghiwalayin ng dalawang nilalang na ito. Badtrip! Ang gara talaga ng babaeng ito! Hindi niya lang alam na talagang sobra akong mas gwapo sa nilalang na ito. Tsh! Ang pangte pa nga nitong lalaki na ito! Tsk! Eto namang lalaki na ito talagang ang lakas makapuntos sa babae sa tabi ko. Badtrip! Ako yung katabi pero ako yung hindi kinakausap.. samantalang itong nilalang na katapat niya lang .. aba! Todo kausap ha? Akala mo talagang matagal na silang magkakilala. Nako! Lord, sorry po ano? Pero.. pwedeng humiling ? sana po bumaba na ang lalaki sa harap ko o yung babae sa tabi ko.. basta! Hindi sila magkasabay! Para matigil na itong kaingayan nila loob ng tren. Pinapainit nila ang gwapo kong ulo e. Nakakabadtrip! Huminto ang tren.. ay! Tofu! Baba na din pala ako. Nako sayang naman. Pero.. natuwa ako nang biglang tumayo yung lalaki sa tapat ko! Nako! Yes Lord! Thank You Po! Bwahahahah!!! Nakita ko namang nagflip ng hair niya yung babaeng nakaupo sa tabi ko, dahilan para hindi niya makita ang pagkagwapo-gwapo kong mayamang Mukha! OO! Mayaman at gwapo ako! Ano ? Angal kayo ? Thank you talaga!! ^__^ Isang malakas na halakhak para sa aking matamis na tagumpay! Bwahah!

<Girl’s POV>

                                      Hay! Boring na. -___- wala na akong makausap… Pwede na din akong umayos ng upo, wala na yung mabaho kong katabi! Hehe! Malapit na rin akong bumaba.. malapit na rin yung dulo ng istasyon.. So, malapit na rin akong bumaba. Sa ngayon, kailangan ko na lang talaga munang maghintay at muling magpagtugtog sa aking cellphone with my headset….

MALING AKALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon