CHAPTER 1

1 0 0
                                    

HOY, BABAENG HINDI NAMAN MAGANDA! GUMISING KANA! MAY PASOK KA PA!

HOY, BABAENG HINDI NAMAN MAGANDA! GUMISING KANA! MAY PASOK KAPA!

HOY, BABAENG HINDI NAMAN MAGANDA! GUMISING KANA! MAY PASOK KAPA!

"SHUT THE FUCK UP!"

I annoyingly turned of my phone alarm. Damn it! Bakit nga ba palagi kong nakakalimutan palitan yung tone 'non?

I dialled Beau's number.

"Fuck you, Beau!" I spat out when he answered the phone and ended the call before he can say anything.

Beaumont Hayes Montereal, my jerk bestfriend, set himself my alarm tone. Boses niya 'rin 'yun kaya mas lalong nakakairita. Everytime na sumasama ang gising ko, tinatawagan ko siya at minumura. Imagine, for a week akong binubwisit ng pesteng alarm na 'yan.

Pumasok nalang ako sa banyo at agad na naligo. After kong magbihis at gawin ang personal rituals ko ay kinuha ko na yung bag ko at bumaba para kumain ng breakfast.

"Good morning, princess," salubong ni Mommy pagkababa ko ng hagdan. "How's your sleep?"

"Morning, 'My." I kissed her cheeks," My sleep was fine, not until B-"

"GOOD MORNING, TITA!" Beau screams from our main door, intentionally cutting my rants about him.

"Good morning, Beau." My mom smiled sweetly at him, he too at my mom, that make my eyes roll automatically. "Nag-breakfast kana ba, hijo?"

He shook his head, "Hindi pa po. Sinadya ko po kasi gusto ko pong matikman ulit yung luto mo, Tita. Nami-miss ko na po, eh."

"Pabibo." I whispered, making faces, enough para marinig niya.

"Bolero ka talaga," tumawa si Mommy.

Iniwan niya muna kami ni Beau para maghanda ng pagkain.

"Oh, bakit ang sama ata ng gising mo?" Said Beau, then smirked.

"Gago ka, Montereal. Palitan mo nga yung tone ng phone alarm ko!"

"Ayoko." He childishly sticked out his tongue. "Effective na pang-gising 'diba?" Humalakhak siya saka niya ako inakbayan at kinaladkad papunta sa kusina.

***

"As for the reporting, mamili kayo ng partner niyo na makakasama niyo. Take note, by pair lang. That's all for today, class dismissed!" Sabi nung lecturer namin sa Philosophy.

Nagpangalumbaba ako sa lamesa. Hindi ko na kailangan mamili dahil expected na kung sino ang partner ko.

"Kami na ni Bethany, ha! Umayos kayo!" Sigaw ni Beau mula sa upuan niya. Medyo malapit lang siya sa akin kasi in alphabetical order naman ang seat plan namin. Pero kahit na, nakakahiya pa'rin ang pagsigaw-sigaw niya. Parang gago lang.

Inirapan ko siya.

Naghagikhikan naman ang mga classmates namin. Inaasar na naman nila kami. They're always like that for almost three years already. Hindi sila nakakaintindi ng salitang 'platonic', eh.

The class went well hanggang sa nag-lunch time na. Tinatamad pa akong lumabas dahil inaantok ako. I slept three o'clock for pete's sake tapos ginising ako ng lecheng alarm ko ng five am.

I don't know where Beau is, pero mabuti na 'yun kasi hindi niya ako makukulit ngayon. I can peacefully take a nap.

After maybe an hour of taking some sleep, nakaramdam ako ng pagkailang. Feeling ko may nakatingin sa akin, kaya naman automatic kong itinaas ang ulo ko.

Just Friends #Wattys2019Where stories live. Discover now