"BWISIT KA TALAGA, BEAUMONT HAYES MONTEREAL!"
Tumakbo ako pababa sa hagdan. He's still running. Nang makita niya si Mommy ay nagtago ito sa likod niya.
"STOP CHASING ME, YOU UGLY!" Humalakhak siya, nakitawa na'rin si Mommy.
"I'M NOT CHASING YOU, BASTARD!" Sinugod ko siya sa likod ni Mommy at tumakbo ulit siya palayo.
"Ang cute niyo. No wonder kung kayo ang magkatuluyan."
Napahinto kami ni Beau sa sinabi ni Mommy.
"NO WAY!"
"YUCK, TITA!" Sabay pa na angal namin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Maka-'NO WAY' ka naman. Akala mo luging-lugi kapa." He smirks.
"Ikaw nga, kung maka-'YUCK' ka diyan. Sobrang swerte mo nga 'pag nagkataon." I rebutted.
Tumawa lang si Mommy sa aming dalawa. Balak pa sana niyang sumagot nang makarinig kami ng busina mula sa labas ng bahay.
"Nandyan na ata si Henry." Sabi ko.
Buti nalang talaga pumayag siyang maging date ko. Kinausap ko siya kahapon after naming mag-lunch ni Beau. Sinadya ko kasing pabilhin si Beau ng chocolate frappe sa Starbucks. Bigla kasi akong nag-crave, e. Para na'rin hindi niya ako maunahan sa pagkausap kay Henry. Hitting two birds with one stone.
Nang makita ko si Henry ay agad ko siyang tinawag.
"Yes, Bethany?" He smiled.
"Actually kasi may kasalanan ako sa'yo..."
"Ano ba 'yun?"
"E, kasi..." I sighed, "sabi ko kay Beau, niyaya mo akong maging date para sa Aquaintance Party. Nakokonsensya siya na wala akong makaka-date, kaya naman sinabi ko na date na kita para mapanatag siya."
Ine-expect ko nang magagalit siya, pero hindi. He just smiled.
"Okay lang. Who am I to reject a beautiful girl? Don't worry, I was about to invite you too as my date. Nabanggit kasi ni Hayes sakin kahapon na niyaya niya yung pinsan ko na si Serenity sa Party. Naisip agad kita, kaya naman ang sabi ko, tayo na ang magka-date. Kakausapin na nga 'rin sana kita. Inunahan mo lang ako." Tumawa siya pagkatapos.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya, "Thank you, Henry!"
"Hoy! Ingatan mo bestfriend ko, Henry!" Beau warned Henry.
"Makakaasa ka, pare!"
Nag-handshake pa sila. I'm not familiar with it. Siguro ay pang kanila lang 'yon magto-tropa.
"Goodbye, sweetie. Enjoy the night." She hugged me and kissed my cheeks.
Sumakay na ako sa kotse ni Henry. Ofcourse dahil gentleman siya, inalalayan niya ako. Magkatabi kami sa likod. May kasama kasi kaming driver kasi he's still not allowed to drive kahit na may student's license na siya.
"You look so gorgeous, Bethany."
I smiled, "Thank you, Henry. You look dashing too."
"Wala, e. In born." He said playfully.
Natawa kaming pareho dahil sa kahanginan niya.
"Napaka-protective talaga sayo ni Hayes," Henry said as he turns his gaze to me.
I smiled, "Yeah. He's really like that. Parang kuya ko na nga 'yan. Alam mo na, perks of being an only child. Buti na nga lang nakilala ko siya, kasi kahit papaano naging mas colorful ang buhay ko."
YOU ARE READING
Just Friends #Wattys2019
De TodoThe story of Bethany Yuane Sarmiento and Beaumont Hayes Montereal.