"How are my baby? Inaantok ka na ba? Hindi pa tumatawag ang Daddy mong asungot, eh." Natatawa kong sabi sa panda bear.
Para na siguro ako ditong baliw dahil kinakausap ko itong panda bear. Anyway, I named it Yuane Hayes. Yup. Galing sa second names namin ni Beau. Wala lang. Naisip ko lang dahil siya ang bumili, kunwari siya nalang ang Daddy ni Yuane. Tapos ako ang Mommy...?
My cheeks felt hot red with the thought.
What the hell are you thinking, Bethany?
Naputol ang pagsaway ko sa sarili ko nung pumasok sa kwarto ko si Mommy. "What are you doing, 'Nak?"
"Wala po, 'My. Nag-aaral. Malapit na po kasi midterms."
Hinarap ko na ulit yung notes, hand-outs, at libro ko. I need to focus. I shouldn't fail the exam.
Nilapag niya sa harap ko ang isang basong gatas.
"Thank you, 'My."
"Kumusta naman ang anak ko?" She asked.
"Okay naman po. Madalas pa'rin bwisitin ni Beau." Natatawang sabi ko.
"Okay sa akin si Beau, anak."
Napalingon ako sa kanya, "We're just friends, 'My. Nothing more. Nothing less."
Humigop ako sa gatas ko.
"Hindi mo naman 'yan masasabi. Don't underestimate the power of love. Malay mo 'diba?" She said.
"E, 'My? Si Daddy? Bakit niya tayo iniwan? Ayaw niya ba sa atin? Sa akin?" Naluluha kong tanong.
Mukhang nagulat siya sa tanong ko pero agad 'din siyang nakabawi.
"No, anak. Mahal ka ng Daddy mo. Alam ko 'yun. Sobrang saya niya nung sinabi ko sa kanyang buntis ako. He took care of me." Naluluha na 'rin siya pero pilit niyang iniinda 'yun. Mahal na mahal niya si Daddy. 'Yun ang sigurado ako.
"Bakit siya umalis?"
Umiwas siya sa akin ng tingin. "Kasi hindi ako sapat sa kanya."
"Why, 'My? Anong hindi sapat?" Naguguluhang tanong ko.
She shook her head. "Wala, baby. Matulog ka na. Bukas kana ulit mag-review. You should sleep well."
Napabuntong-hininga ako. Gusto ko pa sana magtanong kaso baka sensitive pa'rin yung alaala. May susunod pa naman para magtanong.
"Okay, Mommy. Goodnight."
She kissed my cheeks and bid me goodnight. Lumabas 'din siya ng kwarto ko pagkaubos ko ng gatas ko.
***
"Assets minus liabilities equals owner's equity. Cash is the blood flow of the business. Expenses, and revenues..." Basa ko sa mga terminologies ko sa hand-outs.
Ayoko na! Mababaliw na ako!
"Oh, kumain ka muna nga." Ani Beau, sabay lapag ng sunkist at cheesecake sa desk ko.
"Okay, mamaya."
Tinuloy ko na ulit magkabisado.
"Cash flow. Inventories. Accounts Recievable. Accounts Payable--Teka, Beau!"
Inagaw ni Beau yung mga hand-outs ko.
"Tama na muna nga kasi. Three hours ka ng nagbabasa. Plano mo bang lagpasan yung talino ni Einstein?" Kunot-noong sabi ni Beau.
"Einstein's into Science, Beau. Not business." Inirapan ko siya.
"Stop--" I cut him off.
"Yeah. Stop nagging, Beau. I'll eat."
Binuksan ko yung cheesecake at kinagatan. Umupo naman siya sa tabi ko at nilagyan ng straw yung sunkist.
"May UCSP mamaya?" Tanong ko.
"Wala. Review lang."
Inabot na niya sa akin yung sunkist, saka ko 'yun ininom.
Tumango nalang ako at inubos yung cheesecake.
Maya-maya ay bumalik na'rin siya sa upuan niya at nag-review.
As if naman mag-review 'yon. Akala niya naman hindi ko alam na pang-front lang niya yung libro tapos ang hawak niya talaga ay cellphone."Uy, Bethany!" Tawag ni Kendrall sa akin, sabay upo sa katabi kong upuan.
"Ikaw pala, Kendrall." Nginitian ko siya. "Bakit pala?"
"Wala naman. Kumusta pagre-review?"
"Hay, nako! Nakakaloka na! Ang daming terms na kailangang tandaan sa Fundamentals of Accounting I. Tapos ang dami 'rin na equations ang kailangan kabisaduhin sa Business Mathematics!"
Natawa siya, "We just have the same struggles, girl. Ako nga hininto ko muna ang pagre-review. Literal na kasing sumasakit ang ulo ko. In your case, sisiw lang 'yan sayo 'no."
"Hindi, ah! Mahirap talaga. Kinakabahan nga ako. These days, ang hirap mag-concentrate."
"Alam mo ang sweet niyo ni Hayes kanina." Kinikilig na saad niya.
Napabuntong-hininga ako, "Mag-bestfriend nga lang kami."
Binaling ko nalang ang tingin ko sa binabasa ko. Sa totoo lang, wala na akong maintindihan sa mga nire-review ko.
"Totoo nga." Ani Kendrall. "Ang sweet niyo. Alam mo ang dami ngang naiinggit sayo, e. Kasi ikaw lang ang kinakausap niyan ni Hayes."
"Iba ang gusto niya, okay?" Sabi ko nalang.
"Si Serenity ba?"
Tumango ako.
"Hindi ko pa nakitang ganyan ka-sweet si Hayes kay Serenity." Sabi niya.
"E, kasi hindi naman sila magkaklase gaya namin. Kaya madalas kaming magkasama."
"Kahit na 'no!" Giit niya.
"Naalala mo nung nag-post ako sa IG ng picture namin ni Beau na nasa SM kami? Nandoon 'din sila Serenity at Henry. Nakita nilang binigyan ako ni Beau ng bear--"
"Oo nga! 'Yun pa pala! Nakakakilig yung effort niya 'non para makuha yung bear." Pagpuputol niya sa kinukwento ko.
Inirapan ko nalang siya. "So, ayun na nga. Nung sinabi ni Henry na ang sweet daw ni Beau sa akin, biglang nagpaalam si Serenity na magsi-CR. Tapos nung kumakain na kami ng dinner, feeling ko ang lakas nung awkward force sa pagitan ni Beau at Serenity. Halos kami nga lang ni Henry ang nag-uusap. Akala ko nga nagde-date kaming dalawa 'non." Sabi ko sabay tawa.
"Siguro kasi type mo si Henry?"
"Hoy! Hindi, ah! Magkaibigan lang 'din kami!" Tanggi ko.
"Eto pa, feeling ko 'rin, at malakas ang kutob ko na bet ka ni Henry." Bulong niya.
"Ano ba, Kendrall! Ma-issue ka. Bumalik kana nga doon." Pagtataboy ko sa kanya.
Tinawanan niya ako. "Napaka-inosente mo! Hindi mo ba talaga kayang i-observe yung mga nasa paligid mo? Hindi healthy 'yang pagiging manhid-manhidan mo, ah!"
"Hindi naman ako nagmamanhid-manhidan. Hindi ko lang talaga ugaling mag-assume, okay? Remember the Accounting Rule? Never expect unless otherwise stated." I said as a matter of fact.
Natawa ako sa sarili ko. Feeling ko ang genius ko kapag nakakapagbigay ako ng words of wisdom.
"Ewan ko sayo, girl. Basta ang masasabi ko lang, yung mga hindi nga close kay Hayes, nagkakandarapa sa kanya. Imposibleng hindi ka magkagusto sa kanya, lalo na sa sweetness niya sayo at closeness niyong dalawa. Darating ang panahon na mahuhulog ka 'rin sa kanya. Hindi man ngayon, baka mamaya." She joked. "Truth to be told, it's either you are still not inlove with him or you are just in denial with your feelings toward him." Litanya niya, at agad na 'rin umalis sa tabi ko.
'It's either you are still not inlove with him or you are just in denial with your feelings toward him.'
Whatever the truth is, I would still choose not to fall in love with him.
Not now, not tomorrow, and definitely not in my next life.
YOU ARE READING
Just Friends #Wattys2019
DiversosThe story of Bethany Yuane Sarmiento and Beaumont Hayes Montereal.