Prologue

555 12 1
                                        

PROLOGUE

            Malakas na boses ang nagpagising kang Eva mula sa pagkakahimbing. Wala sa sariling bumangon siya at ganoon na lang ang pagkagimbal niya ng mapagtantong wala siyang suot. Doon niya naalala ang ginawa niya kagabi.

            Bigla siyang namutla ng makita ang kuya niya na nasa loob ng silid at si Ethan na nasa sahig naka-boxers lang at sapo ang dumudugong ilong. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng kuya niya pero may idea na siyang hindi maganda ang mangyayari.

            Akmang susugurin ng kuya niya si Ethan kaya naman agad niyang pinulupot ang kumot sa katawan niya at humarang sa mga ito.

            “Kuya tama na. Magpapaliwanag ako,” samo ko sa kuya ko.

            “Anong kailangan mong ipaliwanag!? Malinaw na sa akin na ginalaw ka ng hayop kong kaibigan,” bulyaw nito sa kanya.

            Dinuro pa nito si Ethan. “Tangna pare pinagkatiwalaan kita pero ano itong ginawa mo!? Pinatos mo ang nag-iisa kong kapatid,” wika nito at muling sinuntok ang hindi lumalabang si Ethan.

            Muli nitong sinuntok ang kaibigan. Kaya naman niyakap niya na lang si Ethan para hindi na ito masaktan ng kuya niya.

            “Tama na kuya please,” umiiyak na niyang pagmamakaawa dito.

            Nagpipigil sa galit na ibinaba na nito ang nag-aambang kamao. Dinuro nito ang kaibigan.

            “Magbihis kayong dalawa at mag-uusap tayo sa labas! Hindi pwedeng hindi mo panagutan ang kapatid ko.”

            Lumabas na ito sa silid niya at ibinalibag pa ang pinto. Naiwan naman sila doon ni Ethan na tahimik ng nagbibihis.

            “Ethan,” tawag niya ditto.

            Matalim ang tingin na nilingon siya nito. “Plinano mo ba ang lahat ng ito?”

            Napayuko siya sa sinabi nito. Hindi niya maamin na talagang plinano niyang pikotin ang binata para siya na lang ang pakasalan nito.

            “Talaga bang plinano mo ang lahat ng ito?” Mataas na ang boses na tanong nito sa kanya ng hindi pa rin siya umiimik.

            Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito at alam niyang galit na galit na ito sa kanya. Tahimik na umiiyak na lang siya.

            “Sabi ko na nga ba. Huwag kang mag-alala hindi kita tatakbuhan. Papakasalan kita kahit hindi ikaw ang mahal ko. Pero tatandaan mo Eva, gagawin kong miserable ang buhay mo,” wika nito.

            Para hinihiwa ang puso niya sa mga sinabi nito. Oo nagawa niyang siya ang pakasalan ng binata pero masakit na marinig na hindi ka pala mahal ng taong mahal mo.

            “Mahal kita Ethan,” aniya at diretsong tiningnan ito sa mata.

            “Mahal? Huwag mo akong patawanin. Hindi pagmamahal ang pilitin ang isang taong pakasalan siya. Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan at magbihis ka na,” matalim na sabi nito.

            Tuluyan na itong lumabas sa silid niya at naiwan siyang umiiyak doon. Ano ba itong nagawa niya? Akala niya magiging masaya siya kapag pinakasalan siya ng binata pero maling-mali pala siya. Nang dahil sa ginawa niya mas lalo niyang pinalalayo ang loob ng binata sa kanya. Ngayon hindi lang siya ang nasasaktan. Pati ang lalaking pinakamamamhal niya nasaktan na din niya.

            

_______________________________________________

Author's Note:

Pasensiya na kung matagal kong na-update ang story na ito. marami kasing nangyari at sa dami hindi ko na iisa-isahin pa iyon. =D balak ko sanang hindi na ituloy ang story na ito pero I'm gonna try to finish it kapag may nagbasa.

So enjoy reading it guys and don't forget to vote or comment para naman malaman ko kung worth bang ipagpatuloy ang story na ito..

Thanks guys and ciao!!

My Unwilling GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon