13: Party

4 0 0
                                    


M A R I A

Ilang linggo na ang lumipas mula ng maconfine ang dalaga at noong nakaraan araw lang ay tuluyan na nga itong nakalabas. Hanggang ngayon ay nasa isip pa rin niya ang araw ng pag bisita sakanya ng binata sa hospital. It felt surreal for her sapagkat hanggang tingin lamang siya rito noon. Nang malaman ito ni Cray ay hindi ito natuwa ngunit wala rin naman itong nagawa dahil nangyari na. 



Matapos ang pag bisita sakanya ng binata ay hindi rin nagtapos ang paguusap nila tuwing gabi at tila ba hindi sila nauubusan ng mga paguusapan. Nakwento nga rin ng binata ang balak niyang surpresa para sakanyang nililigawan. Nais niya ng makamit ang matamis na oo ni Anika.



Masaya namang nagbigay ng advice ang dalaga para sa surpresa ng binata. Ngunit masaya nga ba siya? Bakit kahit ilang beses niyang ipilit na ingiti ang sakit na kanyang tinatago ay pilit naman siyang trinatraydor ng kanyang mga luha na naguunahang rumagasa sakanya mga mata gabi-gabi tuwing natatapos ang kanilang paguusap.



"What's with you ate girl? Kumain ka nga, kagagaling mo lang sa sakit. Gusto mo bang magkasakit ulit?" Bungad sakanya ni Keisha. Nasa canteen sila ngayon at pinaglalaruan lamang ni Maria ang kanyang pagkain tila wala itong ganang kumain marahil hindi maganda ang pakiramdam niya marahil ngayon balak tanungin ni Zachary si Anika at gustuhin niya mang maging masaya para sa dalawa ay hindi niya magawa.



"Oh no! Mamsh, you can't be sick! It's my birthday today, remember? And you can't ditch my party 'cause you promise me." Hysterical naman na saad ng isa niya pang kaibigan na si Riley.



"I won't ditch your party, I promise." Sagot naman ng dalaga habang may tipid na ngiti sakanyang mga labi. Tila naman na relief ang kanyang kaibigan sakanyang sinabi kaya natawa nalang sila sa tinuran nito.



"B-by the way, is A-Anika going?" 



"Yes, of course. She wouldn't miss my birthday duh! Ayon pa? Alam mo namang mahilig sa party yon." Agad namang kinabahan ang dalaga marahil naiisip niya na maaaring doon magtanong si Zachary. Parang hindi niya ata kakayaning masaksihan iyon.



Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa umabot na sa takdang panahon para ganapin ang party ni Riley. Dali-daling umalis ang mag pinsan patungo sa venue ng party ni Riley. At ng makarating si Maria sa venue ay tila naman nalula ito sa nakitang mga alak nahanda para sa ibang bisita ng kanyang kaibigan. Naisip kasi ng kanyang kaibigan na ganapin ang kanyang birthday sa bar tutal ay mahilig naman itong pumarty kagaya ni Anika. 

The Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon