15: Cohen

3 0 0
                                    


Z A C H A R Y

Halo-halo ang nararamdaman ni Zachary ngayon, pero sigurado siyang saya ang pinaka nangingibabaw sakanya ngayon. Finally, sila na ng pinakamamahal niyang si Anika. Balak nilang lumabas ng kanyang nobya ngayon kaya, ito siya ngayon sa kanilang unibersidad. At bilang ito ang unang araw nila bilang mag nobya ay pinaghandaan niya ito. 



He prepared a picnic date, he even prepared every food he brought for this date. Habang naghihintay ito ay nasulyapan niya si Maria papalabas kasama ang isang matipunong lalaki. Napakunot naman ang kanyang noo. 'Sino yun? Bakit mugtong-mugto ang mata ni Maria? Umiyak ba siya?' Tanong nito sa sarili. Balak niya na sana itong lapitan ng biglang may humila sakanyang kamay. 



"Hey, babe!" Masayang bati sakanya ng girlfriend. Agad namang napunta rito ang atensyon niya kaya hindi niya na nakita ang pagalis ng dalaga kasama ng isang hindi pamilyar na lalaki. "Hey, my lost star." Masaya niya ring bati kaya Anika habang yakap yakap ito. 



"Oh my gosh! I told I don't like that endearment it's so baduy. Sino ba nagturo niyan sayo? He's such a loser." Irap ng dalaga na nagpailing na lamang sa binata. Niyaya niya na itong umalis upang makapunta na sila sa park na nais niyang pag ganapan ng picnic date nila. 



Habang paalis ang dalawa ay hindi nila napansin na may matang nakamasid sakanila at paulit-ulit na sinasaktan ang sarili. 



"W-What are we doing here? Don't tell me we're going to eat street food for our freaking first date as a couple? Oh my gosh, I really can't even with you." Hysterical na reklamo ni Anika kay Zachary ng tumigil ito sa tapat ng park. Alam naman ni Zachary na may pagka maarte talaga ang dalaga ngunit pinagsasawalang bahala niya na lamang ang mga reklamo nito dahil ayaw niyang pagawayan pa nila ito. 



"No, babe... Relax. I planned a picnic date for us. You know enjoying the scenery and maybe stargazing." 



"No way! We're going to have our date in here? Look at those people. Nakakahiya. Can't we just  have a normal date?" Masungit na reklamo nanaman ni Anika sakanya. Agad namang nanlumo si Zachary marahil naisip niya na magugustuhan ito ng dalaga ngunit hindi pala sayang lamang ang effort ni Zachary sa mga pagkaing siya mismo ang naghanda para sakanilang. Isa pa naman ito sa mga tips na nakuha niya mula kay Maria. Akala niya pa man din matutuwa rito si Anika. Napabuntong hininga na lamang ang binata at tinanong ang kanyang girlfriend kung saan nito nais mag date. 



"Hmm, how 'bout The Bernard Restaurant." Masayang turan ng dalaga. Tumango na lamang si Zachary at nag drive ito papunta rito. The Bernard Restaurant is a four star extravagant restaurant which means mamahalin ang mga pagkain dito. Wala namang problema ang binata pagdating sa pera ngunit ayaw niya lang sa lahat ay yong gagastos siya sa isang pagkaing hindi naman nakakapag pasaya sakanya. Simple lamang ang binata, hindi mapili. 



Nang makarating sila dito'y hindi sila pinapapasok marahil kailangan pa ng reservation upang makakain rito. Dahil dito ay hindi na napigilang ni Anika magreklamo tila tinatakot pa ang mga empleyado ng restaurant, ngunit wala rin naman itong napala. Pero mukhang napalakas ang pagrereklamo ng dalaga at halos naririnig na siya ng iba pang mga customer. Isa na nga sa mga nakuhang atensyon ni Anika ay ang isang binatang matipuno. 

The Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon