Chapter 3: Promise

41 4 0
                                    

Shayn's PoV

KKKRRRRRIIIIINNNNGGGGG

          Yes! Hello and Good Morning World! Ahhhh... Ang sarap ng tulog ko ngayon and its been a long time na mahaba at maganda ang tulog ko. I'm sure na good mood ako nito pagdating sa school. Hmmm... I wonder kung magiging okay na kami ni Cielo. Uwaaaah! Ayaw ko pa naman na mag-aaway kami. Oh my! Please Lord,sana maging okay na kami ngayon ni Cielo. Please?

Uwaaaahhh!! Male-late na ako sa school!!!

_____________________________________________________________

Pagdating ko sa school,going na sana ako sa classroom ng nakita ko si Cielo. Gusto ko sanang lumapit at mag sorry sa kanya pero hindi gumagalaw ang katawan ko. Nakatayo lang ako sa harapan ni Cielo samantalang si Cielo ay malungkot na nakatingin sa akin.

"Malungkot? Ba't parang ngayon ko lang ata nakita si Cielo na malungkot? Weird."sabi ko sa sarili ko.

Sa sobrang busy ko nakipag-usap sa utak ko ay hindi ko namalayan na lumapit pala sa akin si Cielo at niyakap niya ako. Nagulat ako nung ginawa niya iyon kaya tinanong ko nalang siya.

"May problema ba,Cielo?"tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Sorry."mahinang sabi ni Cielo.

"Eh!? Ba't ka nagso-sorry sa akin?"nalilitong tanong ko sa kanya.

"Sorry dahil sa ginawa ko kahapon,imbis na tulungan dapat kita as a friend ay tinalikuran lamang kita kahapon. I-I'm really sorry."sabi niya habang umiiyak.

"Alam mo Cielo,hindi mo kailangang mag-sorry sa akin dahil kasalanan ko naman din kung bakit ka nainis sa akin."sabi ko sa kanya.

"P-pero..."sabi niya.

"Hmmm... Alam mo, kalimutan nalang natin yung nangyari kahapon tutal hindi naman masyadong importante iyon basta ang mahalaga ay bestfriends parin tayi diba? Normal lang sa mga bestfriends ang mag-away pero ang pinakaimportante ay dapat marunong din tayong magpatawad sa isa't-isa diba?"sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Hmm.. Yeah."mahinang sagot niya.

"Ahahaha! It means ok na tayo ha? So,tara na at baka ma-late pa tayo sa klase. Dali na!"masayang sabi ko sa kanya bago kami tumakbo papuntang classroom.

______________________________________________________________________________________________

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa canteen para kumain at syempre kasama ko ang mga bestfriends ko. Nang pumasok na kami sa canteen ay nakita namin ang grupo ni Tyler sa pinakalikuran at dahil sa mukhang minamalas ata ako ay ang vacant table na naiwan ay katabi sa table nina Tyler.

"Ah! Tama pala Shayn."biglang sabi ni Cielo.

"Sabi ni Tyler ay sorry daw kahapon"bulong ni Cielo sa akin.

Nang marinig ko iyon ay feeling ko na namumula ang buong mukha ko dahil sa narinig ko.

"W-weh!? Binibiro mo na naman ako."nauutal na sagot ko.

"Tsk! Bahala ka kung maniwala ka man o hindi ,basta sigurado ako na nag-sorry siya sayo dahil malamang gusto niya ipasabi ko sa iyo.

"Ermm.. Mahirap kasi paniwalaan eh!? Hehe. Pero ok,fine. Naniniwala na ako sa sinabi mo dahil alam ko namang trusted ka niya."sabi ko kay Cielo.

"Hn."sabi ni Cielo.

"Dali na! Kain na tayo guys."sabi ko sa mga bestfriends ko habang lumalakad papunta sa vacant table.

"Oy Tyler! Andito na sina Miss Pikon ,o?"sabi ni Jake.

"Tsk! Pabayaan mo yan siya tol baka puputok yang tainga mo kapag sisigawan ka niyan."sabi ni Tyler.

"Ahahahaha!!!"sabay-sabay na tawa ng mga kaibigan ni Tyler.

"Iniinsulto mo na naman ba ako Tyler!?"naiiritang sabi ko kay Tyler.

"See? Maingay siya."sabi ni Tyler.

"Tarantado tong Tyler nato ah!? "Sabi ko sa isipan ko.

"Oy! Cielo,sigurado ka ba na nag-sorry si Tyler sa akin?"bulong ko kay Cielo.

"Yep! Siguradong-sigurado pero hindi halata no?"bulong ni Cielo sa akin.

"Tsk! Sobra pa sa hindi halata."sabi ko kay Cielo.

"Pikon! Pwede ba tayong mag-usap."seryosong sabi ni Tyler.

"O-ok?"hindi siguradong sagot ko.

"Guys! May pag-uusapan lang kami ni Tyler ha!? Aalis muna kami."sabi ko sa mga kasamahan ko bago umalis kasama si Tyler.

Nang lumabas na kami sa canteen ay dinala niya ako garden at umupo sa bench at nag-usap kami.

"So? Tungkol saan ang pag-uusapan natin?"tanong ko kay Tyler.

"Ok na ba kayo ni Cielo?"tanong niya sa akin bigla.

"Syempre! Kami pa?"sabi ko sa kanya.

"Okay,good. Then,maaari ba kitang mapagkatiwalaan na hindi mo pababayaan si Cielo kapag wala ako? I mean,hindi mo siya sasaktan o ta-traydorin?"sabi niya sa akin.

"Bakit? May pupuntahan ka ba? Aalis ka ba?"tanong ko sa kanya.

"Tanga! Gusto ko lang sabihin iyon sayo na huwag niyong pababayaan si Cielo o sasaktan. So,pangako mo sakin?"seryosong sabi ni Tyler.

"Syempre! Pangako na hindi ko pababayaan si Cielo tutal bestfriend ko naman siya so bakit ko namang pababayaan na masaktan siya? Duh!?"sabi ko kay Tyler na parang halata na.

"Okay. Then,pinagkakatiwalaan kita kay Cielo."sabi niya habang naglalakad paalis.

"Wait! Aalis ka ba?or pupunta ka ba ng ibang lugar?"tanong ko sa kanya.

"Nope. Hindi ako aalis,gusto ko lang makasiguro na magiging ok lang si Cielo. Then, bye!"sabi niya bago siya umalis.

"Syempre! Tutuparin ka iyon dahil importanteng kaibigan siya para sa akin."sabi ko sa isipan ko.

"Pangako ko iyon..."

_________________________________________________________________________________________________

Tyler's PoV

Pagkatapos naming mag-usap ni Shayn ay bumalik na ako sa canteen at umupo balik sa kinauupuan ko.

"Bro,saan kayo galing?at saan si Miss Pikon?"tanong ni Terrence.

"May problema ba Tyler?"tanong ni Cielo.

"Ah! Wala akong problema. Medyo pagod lang siguro. Then,bye. Pupunta lang ako sa clinic."sabi ko sa kanila para hindi sila mag-alala.

"Pagkakatiwalaan kitang tuparin mo ang pangako mo sa akin,Shayn Lorrayne Padilla."

Sorry guys! Late upload.

Alam kong matagal akong naka-update uli pero sana maintindihan niyo po na mahina po ang internet at masama po ang pakiramdam ko.

Kaya suuupppeeerrr sorry guys!!!

See ya in the next chapter...

Thank you!

The Boy Back Then(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon