Pagbalik
I
Walang kapantay ang nakaraan
At mahusay siyang sandigan
Kaya iyong binabalik-balikan
At patuloy na pinagmamasdanII
Naaalala mo pa ba ang duyan sa bakod?
Noong bata ka pa’t tila hindi napapagod
Napigtas ang tali kaya ika’y nahulog
Mula noo’y mas nahumaling ka na sa pagtulogIII
Naaalala mo pa ba ang iyong mga kalaro?
Si Neneng na magaling sa piko
Si Junjun na laging taya sa sipa
At kung paanong ngayo’y ‘di na kayo nagkikitaIV
Naaalala mo pa ba ang ilog malapit sa bukid?
Doon ka napalapit sa mga pinsan at natutong sumisid
Maputik na ito at puno ng basura
At silang mga pinsan ngayo’y ‘di mo na kilalaV
Napakasaya nitong mga ala-ala?
Lalo tuwing naiisip mo ang mga una
Unang pakikipagkilala o pakikipagkamay
Unang pagsisinungaling at pakikipag-awayVI
Pero naaalala mo pa ba?
Sana’y naaalala mo pa
Nang iyong ina ay napaluha
Sapagkat ‘di ka na pumapasok sa eskwelaVII
Noong nagsinungaling ka’t kaibiga’y nasaktan
Nagnakaw ka’t ibang tao ang napagbintangan
Bagong laruan ng kaklase ay itinapon sa basurahan
Sigaw ng konsensya mong hindi pinakingganVIII
Noong hindi tinanggap ng guro ang iyong pinaghirapan
Sapagkat isang linggo na mula noong pasahan
Noong iniwan ka ng iyong kasintahan
Dahil minu-minuto mo siyang sinasaktanIX
Ang segundo ngayon ay iba sa segundo mamaya
Gaya ng iba ka ngayon kumpara sa ikaw kanina
Sapagkat hinihiling kong sa pagbasa mo nitong tula
Maisip mong maaari ka pang magpakilala
Ng bagong ikaw, sa sarili at madla
Alalahin mong buhay ka pa
BINABASA MO ANG
Dearth
PoetryHindi ka malaya at hindi ka rin marangya. Naisulat itong mga tula sapagkat nais kong iparating, sa aking mga mambabasa, ang sakit, problema, at damdamin mula sa mga nangangailangan sa atin. Bulag ka man o bingi, alam kong ika'y nakakaintindi.