Poot
I
Hindi na tama ang mga nangyayari
Marahil ay dapat nang ihanda ang mga tali
Upang sa isang lugar ay mapanatili
Ang problema mong sari-sariII
Bakit patuloy silang walang kilos
Habang ang marami ay naghihikahos?
Saka mo lamang ba didiligan ang puno
Kung mapansing ang lupa ay tuyo?III
Bakit hindi pantay ang trato ng langit
Sa mga namamangha sa dulot ng pait
Ang kahirapang nakadudulot ng pagkabaliw
Nagsisilbing pansamantalang aliwIV
Bakit hindi ka nila maintindihan
Kung konsensiya mo’y nakaharang sa daan
“Utos ng hari ay dapat nating pagbigyan”
Sino ba ang dapat na pakinggan?V
Bakit hindi lahat ay may pagkakataon
Na pairalin ang utak ng mahinahon
“Maaari ba nating buksan ang kahon?”
Ano kaya ang sagot ni Solomon?VI
Bakit hindi tayo magkasinglaki?
Bakit ako ay itim at ikaw ay puti?
Ano na nga ba ang depinisyon ng normal,
Kung lahat naman tayo ay espesyal?VII
Bakit ang ilan ay hindi marunong mainggit?
At nakakangiti kahit hindi pilit
Masdan mo’t sapat na sa paru-paro
Ang mababang lipad di gaya ng mga tusoVIII
Dapat bang may lugar ang poot sa puso?
Sapagkat sa iyo’y namamahay na ito
Isa kang namumukadkad na bulaklak
At iyong ganda ay nasa bawat halakhakIX
Sa paglipas ng panahon,
isa, dalawa o tatlong taon
pakiusap nakaraan ay iyo nang ibaon
upang sa hinaharap tumungo ang iyong tuon
(at bumagsak ang barya sa balon)
BINABASA MO ANG
Dearth
PoetryHindi ka malaya at hindi ka rin marangya. Naisulat itong mga tula sapagkat nais kong iparating, sa aking mga mambabasa, ang sakit, problema, at damdamin mula sa mga nangangailangan sa atin. Bulag ka man o bingi, alam kong ika'y nakakaintindi.