Chapter twelve.

11 0 0
                                    

Madilim na ng maka rating kami ng bahay ni eric..

"Maa. Inaantok na po ako."

Sabi ni jonas. Habang nag kukusot ng mata..

"O sige baby aakyat na tayo"

"Sige na pumasok na kayo..i papark ko lang to"

"Sige."

Pumasok kami sa loob ng bahay.

(Clap clap clap!)

Si celine? Nandito parin sya? Hayss buti nalang umuwi kami.

"Ang galing! Aalis tapos mag papasundo? Wow!.. ikaw na. Ang galing mi umarte... haha "

"Celine! Inaano ba kita? Wag mo nga kami pakelaman."

"Ohh haha what did you say? Haha ang kapal talaga ng mukha mo..
Sana di kana bumalik.para   sakin na ulit si eric tss"

" well sorry ka! Dahil habang nandito ako hindi mangyayari yun! "

I smirk! At tyaka tuluyang umakyat ng hagdan.

"Tss"

huling narinig ko sa knya.

Hmp kala nya ha! Hindi nya ako malalamangan!.

Hiniga ko agad si jonas sa kama at agad ding lumabas ng kwarto.

Napasilip ako sa baba.

"Eric? Bat pinabalik mo pa sila dito?
Ano kaba! Nababaliw kana ba? Alam mo patay ka kay tita pag naka rating to sa kanya!"

"Dont you dare!.. dahil pag ginawa mo yun. Ako mismo ang kakaladkad sayu palabas ng bahay na to!."

Hmp! Buti nga sayu!
Lumakad na paakyat si eric at dali dali akong pumasok ng kwarto.

Ilang minuto pay narinig ko ang pag bukas ng pinto.. ipinikit ko ang mata ko at hindi gumalaw para akalain nyang tulog ako.
Dahan dahan ang pag hakbang nito at
Humakbang sa gilid ng kama..

"Ahhhhh!!!"

Teka! Boses ng babae yun ah!.
Agad akong napa mulat at napa iwas sa
Kutsilyong hawak nya na pilit nyang ibinabaon sa akin!. Nag agawan kami ng kutsilyo pero sa lakas nya'y naidiin nya ang kutsilyo sa gilid ng balikat ko!.

"Ahhhh!!! Eriiccc!! Tulongggg!!"

Sigaw ko ..

"Celine!!? "

Tumakbo si eric papunta kay celine at niyakap ito palayo sakin! At tyaka inagaw ang kutsilyo! .

"What the f*ck!! Celine!! Ano bang problema mo!!? "

"You!! At yang mga ampon mo!! "

"Bakit ba hindi ka nalang umuwi sa inyo!!?
Bakit pinag sisiksikan mo ang sarili mo sakin!!? Cant you see? Pamilya ko sila! Kahit hindi sa dugo! Yun ang turing ko sa kanila!!"

"Hmp!! Makakarating to kay tita!! I swear !"

"Celine!! "

"No!! Makakarating to! "

Lumakad na sya palabas ng bahay at sumakay sa taxi.

Mabuti naman at umalis na sya!.

"Ahh!"
Napa iling ako ng kumirot ang balikat ko na natusok ng kutsilyo..

"Diann? Are you ok? Malalim ba?"

"Medyo.. pero ok lang ako .. gagamutin ko nalang "

"Are you sure? Dalhin na kita sa hospital-"

"Wag na sugat lang naman to. Wag kang oa.."

"Hayy.. nababaliw na sya. Pati ikas gusto nang patayin!? Hmp!. "

"Siguro nag seselos lang sakin yun. Hayaan mona ang maganda ay hindi natuloy kaya pag bigyan mona."

Sagot ko..

"Sige. Pero pag inulit nya pa ito ipapahuli ko na sya!."

KINABUKASAN!.

mumukat mukat akong bumangon sa kama!. Lambot na lambot ako..

Narinig kong nasa banyo si eric.

(Criiingggggg)

May tumatawag sa phone nya..
Narinig ko ang pag patay ng gripo at lumabas nga ito ng pinto ng banyo..

Naka twalya lang sya bewang hanggang baba ng tuhod lang ang may takip kaya naman expose na expose ang mga abs nya! Shockkkss!.

"Yes mom? .. what??.. papunta ka dito? .. ahh ok sige !.. mag papa prepare ako ng paborito mo.. ok ingat mom. "

Agad nyang ibinaba ang cellphone nya at agad na hinanap ang mga damit nya.

"Bakit?" Tanong ko dito..

"Pupunta dito si mommy!."

"Ha? Paano kami? Baka magalit si maam flora pag nakita kami ?"

"Hmn here! Isuot mo ito.. pretend na isa kang maid dito ako nang bahala sa kwento.. makinig ka ng ayos para di tyo mag kamali.."

"Ok sige "

Dali dali kong kinuha yung damit ng maid at hinubad ang damit ko .. nagulat nalang ako ng maalalang kaharap ko nga pala sya!. Napa tingin ako sa kanya!.

Omy goddd... naka ngisi sya habang naka tingin sakin!. Ehhhhhh...

"Ano ba! Wag kangang tumingin "

Pinaltok ko sya ng kumot.. at dali daling sinuot ang damit..tyaka tuluyang lumabas.

Habang bumababa ako ng hagdan ay nay nag door bell..

Patayyyy... ayan na yata si maam..

Pinag buksan ito ng pinto ng maid.at agad kaming nag ka titigan!.

"Diann?? What are you doing here? "

"Mommy!... i miss you! Tara na sa kitchen.. may ibibigay ako sayo.."

"Ahh ok.. "

Lumakad na sila palayo at dumaretso sa kusina.. hayy..naka hinga ako ng maluwag..

*********

YOUR PLACE MY PLACE!!.Where stories live. Discover now