Chapter 05 " Kaibigan" Part 2

235 19 1
                                    


PHILIAs Point of view (POV)

Sa gitna ng pag-uusap namin tungkol sa aking pagkatao ay hindi ko napigilan aminin kina Maya at Thalia ang katotohanan na hindi ako kagaya nila na hinasa at dumaan sa mga pagsasanay para maging sundalo.

Binanggit ko rin na hindi ako katulad nila na mula sa pamilya ng mga sundalo kundi sa pamilya ng mangingisda sa maliit na bayan sa Pilipinas.

Kagaya ng inaasahan ay labis nila itong ikinabigla at alam kong hindi nila ito ikinatutuwa dahil mataas ang pagtingin nila sa Guardian at sa pamunuan nito.

Pero sa totoo lang ay wala akong alam tungkol sa eskwelahan na ito at sa sinasabi nilang organisasyon. Basta ang alam ko lang ay papasok ako sa isang military school kasama ni Pearl.

"Kung ganun bakit ka pumasok dito kung wala kang kaalam-alam sa eskwelahan na ito?" Tanong ni Maya.

Ewan ko kung dapat ko pa bang ituloy na sabihin sa kanila ang katotohanan pero siguro hindi ko na lang babanggitin na nasilaw lang ako sa malaking pera na inalok sa pamilya ko kapalit ng pagpayag ko na mag-aral dito.

Binanggit ko na lang sa dalawa ang tungkol kay Mr. Coco na syang nagdala saakin sa ilang tao para ipasok ako dito. Siya yung parehong tao na nasalubong namin ni Pearl noon at binigyan kami ng pagkakataon na makapag-aral dito.

Hindi ko alam kong sino siya pero mukhang maimpluwensya syang tao dahil sinusunod siya ng maraming tao at sa itsura niya ay mukha syang arabo dahil sa suot nyang balabal sa katawan.

"Nasisiraan ka na, mabuti pa mag quit ka na," Sambit ni Thalia.

Sa pagkakataon na iyon ay nag-panik bigla ako sa naging pagtataray ni Thalia saakin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat-dapat mapabilang sa kanilang hanay pero wala naman akong magagawa sa bagay na iyon dahil hindi ko kontrolado ang mga tao sa Council kung saan nila ako ilalagay.

Hindi rin nila mauunawaan na kailangan ko ng pera para magbago ang buhay ng pamilya ko kaya ako nandoon dahil nagmula sila sa mayamang pamilya at tradisyon na nila ang maging sundalo ng Guardian.

"Hindi ako galit sayo tungkol sa pagpasok mo sa Elite pero ako na ang nagsasabi sayo na hindi mo kakayanin tumagal dito."

"Tama si Thalia, hindi biro ang pinapasok mo. Maraming tao ang namamatay sa training ng Elite, sabat ni Maya.

Lalo akong kinabahan sa mga nasabi nila pero siguro naman hindi ganun kapanganib iyon kagaya ng sinasabi nila dahil nasubukan ko na magsanay at mag exam noong nasa class Z ako at puro lang iyon pagtakbo, pagtalon at paggulong sa field.

Aaminin ko na bumagsak ako doon pero siguro naman makukuha ko rin matapos iyon kung magsasanay pa ako.

Buong pagmamalaki ko pang pinuri ang sarili ko na madaling matuto at matatag kung pagiigihan ko ang pag-aaral pero hindi yun nakatulong para suportahan ako ng dalawa.

Dito ay biglang kinontra ng dalawa ang mga sinasabi ko tungkol sa mga pagsasanay at ipinaliwanag na iba ang mga pagsasanay na ibinibigay sa Elite kesa sa ibang klase.

"Nakakapagtaka at hindi mo alam ang tungkol sa Elite gayong higit isang buwan ka na pumapasok dito."

Napakamot na lang ako ng ulo sa pagpuna nila ng kamangmangan ko sa ilang bagay. Masyado kasi akong stressed nitong mga nakaraan para paghandaan ang mga pagsusulit kaya wala akong pakialam sa ibang bagay.

Sa mga sandaling iyon ay ipinaliwanag ng dalawa ang tungkol sa Elite at sa ekwelahan.

Ang eskwelahan ay naghahanap sa iba't ibang bansa ng mga mahuhusay na Spirit Artisan na sasanayin upang maging miyembro ng Guardian.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon