Dahil sa pagkahumaling ko sa maamong mukha ng binatang kaharap ko ay hindi ko nagawang makasagot ng maayos sa tinatanong nito."May masakit ba sayo? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" sambit nito.
Bakas ang pag-aalala sa mukha nito pero kahit na nakasimangot ito ay nanatili ang nakakasilaw na kagwapuhan nito sa paningin ko.
Pakiramdam ko nananaginip ako sa mga oras na iyon at para ba akong nakakita ng artista na nasa T.V. ko lang nakikita kaya imbis na sabihin na nasa maayos akong kalagayan ay wala akong malay na nagsambit ng bagay na nasa isip ko.
"Ang gwapo mo," sambit ko rito.
Sa sobrang bigla ng lalaking nasa harap ko sa narinig saakin ay ilang segundo rin itong nanahimik habang nakatingin saakin at biglang ngumiti na tila pinagkakatuwaan ako.
"Huh? Sa tingin ko ay ayos ka naman," sagot nito sabay bitaw saakin.
Unti-unti kong napagtanto na narinig niya ang mga nabulong ko at sa sobrang kahihiyan ay napatakip na lang ako ng bibig.
Halos manlamig ang katawan ko sa kaba, ito na yata ang pinaka nakakahiyang bagay na nagawa ko sa buhay ko.
"Patawad! Hindi ko sinasadya," natatarantang sambit ko rito habang yumuyuko sa harap nito.
Agad itong nagtaka sa naging reaksyon ko at nagtanong kung bakit ako humihingi ng tawad.
"Teka bakit ka humihingi ng tawad?" tanong nito.
Parang tinamaan ako ng kidlat na nanigas ng muli kong mapagtanto na mali ang mga nasasabi ko. Marahil sa sobrang kaba ko dahil sa presensya ng gwapong binatang kaharap ko.
Wala akong maisip na pwedeng sabihin sa mga sandali na yun at hindi ko na rin tinangkang magpaliwanag kung bakit ako humihingi ng tawad. Gayunpaman ay hindi ko nagawang itaas ang ulo ko upang harapin ito at sagutin dahil sa labis na kahihiyan.
Muli lang ngumiti ang binatang ito saakin at hinawakan nito ang ulo ko kasabay nang pagbibilin na ayusin ang sarili ko.
"Sa susunod maging maingat ka at alisto dahil kaakibat na ng mga salitang yan ang buhay natin bilang mga sundalo."
Pagkatapos ng kanyang mga sinabi ay humakbang na ito paalis sa lugar.
Hindi ko na naitaas ang ulo ko upang magpasalamat at hinintay na lang na umalis ito hanggang sa makalayo at makaakyat sa puting hagdan na inaakyatan ng mga miyembro ng Elite."Kung ganun miyembro pala sya ng Elite," bulong ko sa sarili.
"Pambihira, ang gwapo nga ng mga taga-Elite. Ilan pa kaya ang mga katulad niya ang makikilala ko."
Napagtanto ko sa mga sandaling iyon na magiging bahagi ako ng Elite class at maaaring maging mag-classmate kami ng gwapong nagligtas saakin sa kahihiyan ngayong umaga.
Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang mga maamong ngiti nito sa harap ko.
Masyado akong nabibighani sa kagwapuhan niya dahil hindi naman ako sanay makakita ng foreigner sa lugar namin. Karamihan ng mga lalaki saamin ay kagaya kong maiitim at hindi katangkaran kaya siguro ganun na lamang ang naging reaksyon ko.
Napahawak na lang ako sa aking pisngi habang sinasariwa sa isip ko ang mala-romantikong pelikulang sandali naming dalawa. Bihira ang pangyayaring iyon sa katulad ko dahil sa itsura ko na hindi naman kagandahan kaya hindi ko masisisi ang sarili ko na kiligin.
Sa mga sandaling iyon ay narinig ko sa mga babaeng nagbubulungan sa paligid ko ang pangalan ng binatang kausap ko.
Ito ay si Akihiko Yuuda, isang siyang Japanese na may dugong samurai at kilala bilang isang maginoo at mabait na tao na kinahuhumalingan sa kanya ng mga tao.Habang patuloy akong nagpapantasya sa kawalan ay muling tumalbog si pearl at derektang tumama sa ulo ko na agad na nagpagising sa pagpapantasya ko.
"Ughhh!!"
Napakasakit ng ginawa niya at pakiramdam ko mabibiyak ang ulo ko kaya naman hindi ko napigilan na magalit sa kanya.
"Aray ko, bakit mo ginawa yun?" sigaw ko rito at muling nakipagtalo.
Dahil sa ginawa ni Pearl ay bumalik ako sa ulirat at dito ko na napagtanto na nasa gitna ako ng napakaraming tao at napansin na kanina pa ako nagiging sentro ng atensyon at patuloy na pinagbubulungan ng mga tao sa paligid ko lalo na dahil nakikipag away ako sa isang bola ng perlas.
Sa sobrang taranta ko ay tumakbo ako papunta sa loob ng gusali kasabay ng ibang estudyante imbis na demeretso sa puting hagdan sa harap ko upang takasan ang kahihiyan.
Hindi ko na binalak humakbang sa hagdan upang sabayan si Akihiko sa pag akyat at mas pinili na gumamit ng normal na hagdan sa loob ng gusali kahit na alam ko na matatagalan akong makarating sa tuktok ng gusali.
END OF POV.
Ilang minuto pa ang lumipas, sa pag akyat ni Akihiko sa tuktok ng puting hagdan ay makikita niya ang isang matangkad na lalaking nakasandal sa gilid ng elevator.
Ang singkit na lalaking ito na may itim na nakatirintas na buhok sa likod ay si Xiuan Zi, isang mahusay na martial artist na nagmula pa sa bansang China.
Isa rin siyang miyembro ng Elite kagaya ni Akihiko. Tinagurian Dragon Snake at Pinuno ng Red Dragon Unit na isa sa pinakamaraming miyembro sa boung eskwelahan.
Isang seryosong tao si Xiuan at pinaka ayaw nya ay ang pagkakamali sa kanyang grupo at sa kanyang paligid lalo na pagdating sa usapin ng pagiging miyembro ng Elite.
Napakaraming aktibidad na ibinibigay at pagsusulit ang kailangan tapusin ng isang nominadong estudyante kahit gaano pa ito kahusay bago maging myembro ng Elite at isa na rito ang entrance exam ng eskwelahan kung saan nanguna ang binatang si Xiuan sa pinakamataas na nakuha.
Sinala at sinisigurado ng mga miyembro ng Council ng eskwelahan ang kanilang kakahayan at abilidad na halos pinag handaan nila ng dalawang taon.
Kaya naman laking gulat ng lahat ng miyembro ng elite lalo na si Xiuan ang biglaang paglipat ng isang estudyante na nagmula sa pinakamababang section na Class Z papunta sa Elite Class.
"Anong ginagawa mo d'yan ?" sambit ni Akihito.
"Magtataboy ng ligaw na pusa." masungit na sagot nito.
Napakunot ang noo ni Akihito sa narinig dito dahil sa binabalak nitong masama laban sa transferee pero hindi na ito kinibo ng binata at dumeretso na lang papasok sa elevator.
"Hindi ko hahayaan na mabahiran ng kahinaan ang Elite dahil lang sa isang maliit na basura," sambit nito habang nagagalit ang mga pulang mga mata na tila apoy
BINABASA MO ANG
LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipina
RomanceTITLE: LOVE IS WAR : BATTLE FOR THE HEART OF YOUNG FILIPINA GENRE: Romance, Comedy, Military,Action AUTHOR: ALAB NG APOY PROOFREADER : Belladonna Nightingale PLOT Sa prestilyosong paaralan ng International Spirit Art Academy kung saan nililinang ang...