CHAPTER 20 " Heart of lutos" Part 1

64 6 0
                                    

Chapter 20 part 1

"Heart of lutos "

Brigette's POV.

Hindi madali maunawaan ng maraming tao ang nararamdaman ng mga katulad ko na may diperensya sa paningin,

Dahil sa experimento na ginawa saakin nung bata ako ay hindi ko na muli nasilayan ang liwanag at ganda ng mundo. Punong puno ng kadiliman at kalungkutan ang buong buhay ko lalo na nung mapunta ako sa isang military facility upang mabuhay.

Mula pagkabata ay inaruga na ako ng mga sundalo na itinuring akong kasamahan. Sinanay at tinuruan ako ng mga bagay na dapat kong malaman. Sinasabi nila saakin na isa akong espesyal na tao at maraming pwedeng maililigtas na buhay at magagawa higit pa sa mga taong nakakakita.

Ngunit kahit itinuturing nila akong espesyal higit kanino man ay hindi naging madali saakin ang mabuhay bilang sundalo ng bansa lalo pa itinuturing nila akong tila isa akong buhay na sandata at hindi isang normal na taong may nararamdaman.

Hanggang sa isinabak ako sa mga training sa ibat ibang lugar sa mundo at doon marami akong nakilalang katulad kong may espesyal na abilidad ngunit gayumpaman hindi nagbago ang katotohanang naiiba pa rin ako sa kanila dahil sa kondisyon ko.

Habang lumilipas ang mga taon ay unti unti kong nararamdaman ang kalungkutan sa kadiliman at kahit na maraming tao sa paligid ko ay pakiramdam ko nag iisa ako.
Gusto kong tanggapin ako at irespeto katumbas ng isang normal na tao. Mabuhay na may karapatan at igalang bilang babaeng may emosyong nararamdaman.

Papatunayan ko na kahit hindi ako nakakakita ay hindi ako naiiba sa kanila at marami akong kayang gawin.

Sa kasalukuyan, Hinaharap ko sa isang laban ang isa sa mga nakakainis na taong nakilala ko. Ang chinong si Xiuan Li na kinikilala bilang pinakamahusay na Spirit Artisan sa makabagong henerasyon.

Walang duda yun dahil minsan ko na syang nakalaban noon nung isinali ako bilang partisipasyon ng bansa ko sa pandaigdigang torneryo. Kinailangan kong sumuko sa laban noon dahil sa tindi ng kanyang kakayahan.

Hindi ko kinaya noon ang mga pag atake ng Serpent Dragon at alam ko na hindi ko parin ito kakayanin kung magagawa nyang pakawalan ito.

Pinagpatuloy ko ang Black Lotus teknik ko na ngayon nagpapahirap dito. Umaabot na ng halos isang minuto ang paghampas nito na para bang laruan na itinatapon sa ibat ibang parte ng teretoryo ko

Ang abilidad ko ay manikulahin ang gravity sa loob ng teretoryo ko at ang black lutos teknik ang pinaka matindi kong atake kung saan inalalagay ko ang isang marka ng spell sa kalaban at magpapakalat ng sa black lotus mark sa paligid.

Dahil sa paraan na iyon ay naililipat ko ang paghatak ng gravity sa kalaban ko papunta sa mga black lotus mark.

Epektibo ito sa pakikipaglaban ko at maraming beses na akong dinala sa tagumpay ng teknik na ito tuwing lalaban ako. Isang perpektong teknik ang tinataglay ko at iilan pa lang tao ang nakita kong nakatagal sa black lutos at isa rito ay si Xiuan.

Kinaya nya noon makatagal sa halos dalawang minuto paglaban sa teknik ko at hindi lang yun nagawa nya pang tawagin ang serpent dragon at makontrol ito na para bang bale wala ang ginawa ko sa kanyang pinsala.

Limang taon na ang lumipas nung nagharap kami noon kaya alam ko na mas lumakas pa sya ngayon kesa noon, hindi ako  pwedeng magpabaya sa laban na ito.

Kung nakatagal ka noon sa dalawang minutong pagsalang sa Black lotus pwes, tikman mo ang mas pinalakas na teknik ko.

" Tignan natin kung makatagal ka sa black lotus teknik na tatagal ng limang minuto." Sigaw ko.

Sa paglipas ng mga segundo ay patuloy kong nararamdaman ang malakas na presensya nya na nangangahulugan na may malay parin sya. Hindi ako nakakakita ngunit kaya kong makaramdam ng presensya at enerhiya ng tao.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon