Chap 9

742 26 8
                                    

In Time Chapter 9

Ara's PoV

Patay kung patay yong training namin ngayon. Ateneo nanaman ang makakaharap namin sa Finals kaya hanggat maaari binibigay na namin ang lahat dahil sigurado kaming mas pinaghahandaan nila kami ngayon. Sana palarin kami at makuha ang three peat.

Naalala ko nanaman ito, kung paano itong tiwala na makukuha namin ang three peat pati na rin ang pagiging MVP ko. Ganun sya ka tiwala sa kakayanan ko. She never fails to motivate me hanggang ngayon.

Lagi na rin kaming nag-uusap uli. Gaya ngayon magkikita kami after ng training.

Nandun pa rin yong sakit at yong longing na sana di kami naghiwalay. Na sana di agad sya sumuko. Pero hanggang dito na lang talaga siguro kami. Wala naman kaming ilangan, actually parang normal lang. Good friends. Tinutukso na rin ako nito kay Mika dahil sa mga tweets na nababasa nito at pati na yong tinweet ko.

Nadako naman ang tingin ko kay Mika na nasa kabilang side ng court, di naman ito nagalit o kahit nainis man lang. Parang wala nga lang dito kahit na nababasa nya na yong mga tweets na ginagawa kaming love team.

Siguro naman okay lang rito na isama ko sya mamaya sa lakad namin.

Naputol lang ako sa pag-iisip ko ng nagbigay ng water break si coach. Agad naman akong pumunta sa mga gamit ko at hinanap ang tumbler ko ng tubig.

Mika: daks pagod na ako.

Saad nito bago umupo sa tapat ko. Inalok ko na rito ang tubig ko dahil mukhang wala nanamang dalang tumbler. Makakalimutin lang talaga minsan.

Mika's PoV

Ara: tubig oh.

Alok nito ng tumbler nya ng tubig ng magreklamo ako ritong pagod na ako.. We've been sharing tumbler for almost a year now. Wala naman kaming rabis, nakalimutan ko rin kasi ang lagayan ko ng tubig sa dorm.

Ako: konti na lang.

Reklamo ko rito. Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Eh sa konti naman talaga ang laman. Mag-aalok na lang di pa makakapatid ng uhaw.

Ara: aray!

Reklamo nito ng batuhin ko ng face towel ko.

Ako: tama na daks please! Hahah- daks- hahaha! Tama hahah- na..

Awat ko sa ginagawa nya sa akin. Bigla ba naman akong kilitiin. Pagod na nga ako, tapos kikilitiin pa ako.

Kim: hoi kayong dalawa tama ng lampungan yan.

Pigil naman sa amin ni Ate Kim. Achus! Masaya lang 'to e.

Ako: tigil tigilan mo kami sa pagiging Mother shipper mo ng KaRa Fajardo, pagbubuhol-buhulin ko kayo ni mela.

Pagbabanta ko rito. Lalo lang tuloy dumarami yong tumutukso sa amin ni Ara dahil sa kanya e. Buti na lang di kami nagiging awkward ni Daks.

Ara: Oo nga naman Wafs!

Sabay bato nito ng towel sa pagmumukha ni Ate Kim. Na inabot ko naman agad. Towel ko 'to e.

Ara: Training na uli.

Sigaw pa nito. Nasa gitna na agad ito nong court. Para syang ibang tao pag nasa loob nang court. Ibang-iba pag normal na araw lang namin. Pero both side? Ang sarap nyang kasama.

Kim: Matunaw naman kakatitig mo.

Puna sa akin ni Ate Kim, andito pa rin kasi kami sa tabi. Samantalang yong iba naghahanda pa para magresume ng training.

Ako: Sira!

Nakangiti kong sagot rito. Naalala ko nanaman yong tweet nitong "My Girl" after non walang humpay na yong mga shippers namin na naglabasan. Bawat picture naming lumalabas may caption silang nilalagay at kung paano nila naiexpress na kinikilig sila sa amin. Instant love team tuloy kami. Ayos lang naman sa akin. Di naman ganun ka big deal. Kung tutuusin natutuwa pa nga ako.

Kim: Kilig ka lang e.

Panunukso pa nito. Ayaw talagang paawat.

Ako: kilig mo mukha mo. Dyan ka na nga.

Sabay bato ko uli ng towel sa pagmumukha nito na parehong towel na binato sa kanya ni daks.

Kim: bastos! Anong akala nyo sa mukha ko batuhan ng towel!

Sigaw nito. Pang-asar na tawa naman ang sinagot ko rito.

Ara: ano nanaman ginawa mo?

Pagbibintang nitong tanong sa akin. Sa halip na sagutin ito binigyan ko lang ito ng ngiting di gumawa ng mabuti.

Ara: bully mo talaga daks.

Natatawa nitong saad.

Ako: Ako bully? Ang bait ko kaya.

Maang-maangan ko rito.

Ara: Oo na lang ako. May gagawin ka after?

Tanong nito habang namumulot kami ng bola na pinapalo ng seniors namin.

Ako: Bakit?

Nagtataka at the same time medyo kabado kong tanong sa kanya. What the! Ba't naman bumilis ang tibok ng puso ko at anong kinakabahan? Ba't naman ako kakabahan e si Ara lang 'to?

Ara: wala naman. Baka gusto mo lang lumabas. Wala rin kasi akong pasok.

Pag-aaya nito. Ba't parang ang pormal naman nito? Di naman ganito 'to mag-aya dati.

Mika: sure. Sinong kasama?

Mabilis kong pagpayag. Bihira lang mag-aya 'to kaya lulubusin ko na. Di na rin kami nakakalabas ng madalas gawa ng training namin.

Ara: Si Tin.

*****

Short updates lagi para sa KaRa. ^___^

In Time. Our Time (Mika Reyes - Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon