Chap 6

972 22 1
                                    

In Time Chapter 6

Ara's PoV

Ako: pinagbigyan lang kita okay?

Ang kulit talaga ni Jessey. Kanina ko pa sya kausap sa cellphone.

Jessey: talaga lang ha. Kaya pala ilang beses ko nablock mga tira mo.

Naalala ko naman yong pinky nito.

Ako: kamusta yong pinky mo?

Ewan ko ba. Nag-aalala ako rito. Alam kong nasaktan ang pinky nito sa huling block na ginawa nito sa spike ko non. At malapit na rin yong schedule ng match namin against them para sa round 2.

Jessey: ito maayos na. Kailangan na lang e bandage sa next game para di na mapano pa.

Ako: I'm sorry Jess.

Jessey: Ano ka ba ayos lang yon. Kapalit naman non natalo namin ang defending champion. Hahaha!

Tyaka ito tumawa. Ang saya nya naman ata. Nakakatuwa. Naaaliw akong kausap sya.

Jessey: Loser next time uli. May plate pa akong gagawin.

Pagpapaalam na nito. Actually gusto ko pa syang kausap. Pero ayaw ko namang ma-compromise ang mga plates na gagawin nito. Studies first.

Ako: yah sure. Galingan mo yan ha.

Jessey: Hahaha! Tulungan mo kaya ako?

Pagbibiro pa nito. Next time na lang daw pero humirit pa ng pagbibiro.

Ako: kung marunong lang ba ako, bakit hindi.

Jess: hahaha! Dalhan mo kong foods. Pwede ng tulong yon.

Hindi ko alam kung nagbibiro ito. Pero bakit hindi diba? Kakatapos lang din naman ng training namin at wala naman akong gagawin.

Ako: di ba ako nakakaistorbo pagpumunta ako dyan?

Gusto kong makasigurado na okay lang rito na pumunta ako ron. Na di ako makakaistorbo. Mamaya pagdating ko sa dorm nila bigla akong paalisin nito, nakakahiya yon.

Mika's PoV

Sino nanaman kayang kausap nitong isa at mukhang ang saya naman ata nito? Kanina pa ito ah. Mag-iisang oras na itong nakababad sa phone nya. Di ba umiinit taenga nito? Ngingiti, tatawa ata parang tangang napapakamot sa batok nya as if naman makikita sya ng kausap nya.

Ara: talaga? Baka mamaya di pa ako nakakatungtong ng pinto nyo e pinaalis na ako.

Yan nanaman. Tatawa nanaman ito. Sarap batukan e. Parang abnormal. May balak pa atang umalis.

Ara: Sige na I'll hangup na. Sleep over? Subukan kong magpaalam. Wala naman kaming game bukas e.

Aba't makikitulog pa? Wala nga kaming game bukas pero may training kami sa hapon.

Ara: Bye Stick. See you in a while.

Stick? Si BF kausap nito? Makikitulog sa sa USTe? Aba't walang nababanggit ang BF kong yon na lagi pala silang nag-uusap ng bansot na 'to.

Saktong pagbaba nito ng phone nya ang pagbukas naman ng pinto ng kwarto namin. Yah, andito lang kami sa dorm. Kakatapos lang din kasi ng training namin.

Kim: Miks nasa baba si Kristian.

Yes, may lakad rin ako ngayon. Nakapagbihis na rin ako kanina pa. Inaantay ko lang talaga ang pagdating nito.

Ara: consistent.

Ito nanaman po sila. Akala nilang lahat nanliligaw si Kristian sa akin. Hangout lang naman kasi. Matagal na rin naman kaming magkakilala ni Kristian.

In Time. Our Time (Mika Reyes - Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon