Chapter 1

567 9 3
                                    

Chapter 1 - How does it all started.

"Deal,"pilit na sangayon ni Aljur sa mga kaibigan niya.

Iniiisip ngayon ni Aj kung panong diskarte ang gagawin niya sa new student sa school nila. Paano sina Mark, Rocco and Benj may gustong pag-tripan, yung new student. Sabi nila para naman yun dun sa girl ewan ko ba dun sa mga kolokoy na yun. Kanina nga napag usapan nila tungkol doon.

"Pare, ayun oh. Yan yung pinaguusapan kanina na bagong student dito,"sabi ni Rocco na umakbay pa kay Aljur pagkaturo sa babae na mag-isang kumakain sa cafeteria ng school na pagmamay-ari ng pamilya nila ang, Abrenica University.

"Oo nga Aj! Gandang chicks!" sangayon naman ni Benj.

"Kayo talaga! Kung ano-ano pinag-iisip!"Iritang sagot ni Aj sa mga kaibigan nya. Ano nga ba kasi ang gagawin nya doon sa new student.

"Edi ano pa ba. Ligawan mo."excited pang sagot nang dalawa.

"Ang gagaling nyo rin no! Bakit sakin nyo ipapasa yang kalokohan nyo?"takang sagot ni Aj.

"Eh kasi may bago akong pinopormahan, si Mark naman may Jen na kaya ikaw nalang talaga," sagot ni Rocco.

"Eh si Benj?" Aj.

"Hindi pwede. Running for honors ako. F - O - C - U - S, focus ang kaylangan ko sa studies ko,"sabat naman ni Benj.

"Bakit ako ba hindi ba running for valedictorian pa nga ako, at tsaka lahat nalang nang girls gusto nyo paligaw sakin kaya nagiging babaero ang image ko, tsaka kawawa naman yung babae"pag-tanggi pa rin ni Aj.

"Eh kasi nga balita din namin eh crush ka nun!"di na napigilan ni Mark na magsalita.

"Kayo talaga mga chismoso kayo, kalalaki nyong tao,"tawang sagot ni Aljur. Sabagay pwede rin yun sa gwapo nya bang ganun. Matalino, member pa ng varsity team ng school, matanggkad, mayaman at GWAPO. (A/N: Wag nang kumontra)

"So, ako na nga lang ayaw naman ni Aj eh," pa effect na sabi ni Rocco, "next time na lang yung popormahan ko panandalian lang naman to eh. Sayang rin yung 5k."

"Hanep kayo ah! Pinagplanuhan na agad may 5k-5k na kayong napagusapan,"kunwaring nagtampo si Aj. Pero nakaramdam siya nang awa dun sa babae. Si Rocco pa number 1 babaero sa grupo nila. At saka sabi nga ni Rocco pero panandalian lang naman. Kaso masasaktan din yung girl. Ano ba kasing pumasok sa isipan nitong mga mokong na to.

"Hoy ano na!"tapik ni Mark kay Aj,"Matutulungan pa nga natin yung babae dahil crush ka nun, may partner pa sya sa dance event malapit na rin yun. At magiging boyfriend nya pa yung sikat na sikat na lalaki dito sa campus."

"Ang lalakas talaga ng trip nitong mga kaibigan kong loko-loko. Lalo na to si Mark may benefits pang nalalaman. Pero pagdating kay Jen serious yan. Nakakainis rin paano nga ba sya napunta sa hot seat ngayon." Sa-isip-isip ni Aj

"Tsaka kung si Rocco yan kawawa yung babae, ano na?"singit ni Benj.

Sabagay. hmmmmm. Hingang malamin Aj.

"Deal,"pilit na sangayon ni Aljur sa mga kaibigan niya.

"Aljur!"sigaw nang teacher ni Aj.

"P-p-po?"

"Kanina pa kita tinatawag ano ba yang iniisip mo? Alam mo naman na kahit ikaw..." (teacher)

"...kayo ang may ari nang school hindi ka pu-pwedeng gaganyan ganyan, running for valedictorian ka pa naman,"sinasabayan ni Aj sa isip nya yung teacher nya. Lagi namang ganun. Pag natutulala sya kung minsan kaya nakabisado nya na,"sorry Miss. May naalala lang po ako."

"Okay sa susunod wag kang ganyan. Anyway, class some of you ay alam na na may new student dito,"maraming gulat sa sinabi ni Miss meron rin namang wala lang pero ang magbabarkada ay MASAYA! Kasi mas mapapalapit pa si Aj sa new student except kay Aj na mas naiinis dahil mas lalo syang mapipilitan gawin yun at baka kantyawan pa siya ng barkada,"Hija, pasok ka at ikaw na ang mag introduce sa sarili mo."

"Hi, I am Kristine Ann Bernal, you can call me Kris, 16 years old. Kahapon pumasok na ko dito sa school but not in this class. Mahiyain sa umpisa but sa katagalan jolly din. Sana maging friends tayo," may pagkamahiya na sabi ni Kris.

"Psst, Aj! Hoy!"siko ni Rocco kay Aj,"Natulala ka pare."

"Maganda nga sya pero di ko siya type,"pagbawi nya.

"Weeeeh! Eh bakit ka natulala?"singit ni Mark.

"Ikaw talaga, Mark! At ikaw naman Aj ang ganda nya kaya. Nakilala ko na sya kahapon and naging friends na rin kami," komento ni Jen.

"Ahm, okay Kris you can take your seat, dun ka umupo sa tabi ni Aljur since alphabetical order naman eh. Pasaway lang yung iba at ayaw makinig. Kaya Mr. Nacino balik ka na sa upuan mo,"sabi ni Miss.

Biglang nagtawanan ang mag kakaibigan sa dalawang rason dahil napagalitan si Rocco at MAGKATABI sina Aj at Kris.

"Mr. Nacino, Mr. Herras at Mr. Alves, ano ang nakakatawa?"tanong ni Miss.

"Wala po, Miss. Sorry po," sabay-sabay na sagot nang tatlo.

"Kris pagpasensyahan mo na sila. At syanga pala Jen ikaw ang inaassign kong "buddy" for Kris i-tour mo sa sya sa school at para may kaibigan na rin siya,"sabi ni Miss.

"Okay po, Miss,"pag sangayon ni Jen,"Hi Kris, ako si Jen friends ko sila sama ka saamin after this lunch time itu-tour din kita, and nagkita na tayo kahapon diba?"

"Oo, thank you, Jen ha." yun nalang ang nasabi ni Kris dahil nahihiya pa sya kay Jen lalo na kay Aj na kaibigan pa pala nito. Cute nga, siya kaso mukhang suplado. Crush ko na nga sya tapos nalaman ko pa kay Jen na running for valedictorian siya. Hay! Crush lang naman pag bigyan na. =)

*ring*

"Okay class, thank you. See you'll tomorrow,"sabi ni Miss.

____________

Done Chapter 1. Hahaha. Ano kumusta? Magulo ba or what? Tuloy ko pa? Ito na talaga yung first REAL fictional story ko. Hahaha. Sana maayos naman. Bahala na kung may magbasa. Kung maymagbasa man sana mag-comment, i-vote :P . Hahahah. :))) Papagandahin ko yung story hanggat sa makakaya ko. *wink Pasensya na rin kung may typo wala nang time para i-reread. :)

Masakit Umasa - Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon