* Angel's POV
"Anne?" Nangingig na boses ang napakawalan ko, nagpipigil ng luha.
Sabay silang lumingon sa gawi ko kasabay non ang pag talikod ko sa kanila, ang sakit! Alam kong wala akong karapatan, pero kasi may nararamdaman ako para kay Jungkook e, at yun ang mas lalong nakapag paiyak sa akin.
"Angel!" Hindi man ako lumingon pero alam ko, si Jungkook yon. Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa, binalewala ko kagaya ng pagbalewala ko sa mga taong nakasalubong ko.
Tumakbo ako hanggang mangawit ang paa ko, tumakbo ako hanggang mamanhid ang talampakan ko. Hindi ko namalayan na malayo na pala ang narating ko, nasa harap ko ngayon ang burol, sa tuktok nyon ay kita kong madaming puno kaya napag pasyahan kong lakadin hanggang tuktok nyon. Nang makarating ako'y agad akong namangha sa ganda ng tanawin. Saglit kong nakalimutan ang sakit na nararandaman ko, ngunit kagaya nga ng sinabi ko'y saglit lamang iyon ng naramdaman kong dumampi ang malamig na hangin sa aking katawan, agad kong niyakap ang aking sarili, hinayaang umiyak dahil sa nararamdaman, ngayon ay lalo kong napagtantong nag iisa ako.
Hindi nagtagal ay nagpasya akong umalis na doon, tutal ay papalubog na din naman ang araw.
Ng makarating ako sa amin ay agad akong pumasok sa kwarto at inihiga ang sarili sa higaan, hinayaan kong tumulong muli ang lahat ng luha ko, gusto kong maubos ang luhang nang gagaling sa aking mga mata, kasabay ng pag ubos, pag limot, pag said at pag piga sa lahat lahat ng nararamdaman ko para kay Jungkook, kasabay niyon ay ang pag lamig ng aking nararamdaman.
Kinaumagahan ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lalim ng pag iisip, agad akong bumangon para maghanda sa aking pag pasok sa araw na iyon, pumasok ako sa CR para maligo, hinayaan kong dumaloy ang tubig sa aking mukha papunta sa katawan. Muli ko na namang naramdaman ang lungkot, ang pag iisa. Ngunit agad kong inalis iyon sa aking isipan. Nakapag desisyon na akong kalimutan ang nangyari, pati sya ay kalimutan na din.
Papasok ako ng namataan ang grupo ni Aemie na papalapit sa akin. Huwag lang sanang gumawa ng eksena dahil wala pa ako sa hulog ngayon.
"Oh, look who's here, kamusta? May pag walk out pa samantalang wala namang paki sa kanya, oh well." Nakangising aniya
"I've no time for this, please excuse me." Malamig na sabi ko
"Bakit? Broken hearted? HAHAHA. Paano ba naman kasi, iyang si Anne kunwari pang santa, e malandi din naman." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Galit ako, oo. Pero hindi sa puntong kamumuhian ko si Anne.
"What did you say?" Ani ko.
"Alin ba? Yun bang broken hearted ka? O yung malandi yang panget mong bestfriend? Nakangising sabi nya
* PAAAAAAK! "
Sinampal ko sya ng hindi na nag aalinlangan. Wala na, sira na ang buong maghapon ko.
"You dont have the right para sabihan si Anne ng ganyan. You dont even f*cking know her! " gitil na talagang sabi ko.
"How dare you slap me!" Nang gigitil din na aniya, nanlalaki pa ang butas ng ilong sa galit.
"HOW.DARE.YOU! Call Anne like that, shut your filthy mouth! You deserve it anyway!" Pagkuway umalis ako agad ng hindi na humaba pa ang diskusyon. Nakaka inis talaga, sira na ang maghapon ko neto.
Tanghali ng natapos ang pang umagang klase, agad kong niligpit ang aking mga gamit para makapunta na sa Canteen.
Papasok palang ako ng Canteen ay natanawan ko kaagad ang grupo ni Jungkook, nagtatawanan sila, mukhang masayang masaya. At kung iyon ang makakapag pasaya sa kanya ay hahayaan ko na. Dumiretso nalang ako sa pila para umorder, nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Jungkook pero hindi ko iyon pinahalata. Besides wala naman na akong pake kung anong gawin nya.Pagka abot ng inorder ko ay akma na akong kukuha ng pera sa aking wallet ngunit pinigilan ako ni Jungkook.
"Ako na ang magbabayad" aniya
"Wag na, may pera naman ako so don't bother" malamig na sabi ko
"No, i insist."
"No, i insist too, may pera ako." Agad kong ibinigay ang aking bayad para dina makapalag pa. Bwiset!
Ilang bwan na simula noong nakita ko si Anne at Jungkook, ilang bwan na din ng napag desisyonan ko na tumutok nalang sa aking pag aaral, hinayaan ko na sila kung san sila masaya, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kung kelan ako umiiwas kay Jungkook ay saka naman sya lapit ng lapit nag papapansin at kung minsa'y nakikita ko pang nakatitig, hindi ko iyon pinapansin. Araw araw din akong pumapasok ng maayos yung walang ibang pinapansin, walang ibang kinakausap, walang ibang ginagawa kundi mag aral. And im used to it. I made myself like this, nag build ng wall sa puso ko para walang makapanakit. He made me like this....
To be continued..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Short StoryA Jeon Jungkook and Angel Alcantara unexpected love story. Curious? Read more 😘 -Author Charm