Chapter 1

5 1 0
                                    

Requested by : Angel Alcantara
Leading man : Jeon Jungkook

* Angel's POV

"Kyaaaaaaaah! Ano ba! Ang gwapo mo Jungkookshiiiii. Notice me senpaiiiiiiii! Omygod omygod tumingin sya saken. Guys tumingin sya saken shet ano ba! Jusko huhu pakasalan mo ako! Panagutan mo akooooo!"

Kasalukuyan kaming nasa court at nanunuod nang laro ng aking pinakamamahal na prinsipe. Hihi kinikilig ako mygod 😹

"Ano ba Angel, nakakahiya ka naman, ang daming tao oh?"

"Ano ba Anne. Wala silang paki, kung gusto nila edi gumaya sila, ts"

Si Anne, ang aking ever beloved bestfriend slash mortal kakontra sa lahat ng bagay patungkol kay Jungkook myloves, ewan ko ba. Sa lahat naman ng bagay ay magkasundo kami, hindi ko lang talaga maintindihan sa isang 'to na kapag dating kay Jungkook ay laging kontra. Pero mahal na mahal ko pa din yang bestfriend ko na yan.

"Nakakahiya ka besh, lahat na sila nakatingin sa atin"

"Hayaan mo na sila. Basta ako isusupport ko ang aking myloves"

"Nakakahiya naman ang isang 'to"

"Mukhang pinapantasya pa ata ang ating prince Jungkook"

"Oo nga, e hindi naman sya papansinin non. HAHAHAHA"

Hindi ko nalang pinansin ang mga nag papangitan kong mga classmate dahil mukha naman silang mga paa. Hay nako, whateved they say. Im so inlooooove, hanggang sa natapos ang game.. Edi syempre panalo ang team nang aking prince Jungkook.

"Ahm, jungkook ito ang tubig oh? Hehe kakabili ko lang nan fresh from tindahan. Inumin mo na mukhang pagod na pagod ka myloves" sabi ko habang winawagayway pa ang bote nang tubig sa mukha nya

"Uyy Jungkook tubig daw oh bigay ng myloves mo HAHAHAHA" Sabi ni Jimin na kateamate ni Jungkook at may pinaka malakas tumawa sa lahat.

Taka naman na napatitig sa akin si Jungkook at saka ako tinalikuran.

"Huy ano ba myloves, hindi mo manlang ba naappreciate yung effort ko? Minadali ko pa man din si Aling Bebang dahil ayaw ko ng nauuhaw ka" habol ko sa kanya.

"Will you please shut the f*ck up? You're so noisy" ani ni Jungkook na nakakunot pa ang nagkakapalan nyang mga kilay.

"Ano ka ba, e kung kinukuha mo na lang 'to diba? Edi sana okay na? Arte mo pa kasi. Gusto mo din naman hehe" napapahiyang sabi ko pa.

"Who told you that i want that cheap bottle of water from you?" Seryosong usal nya pa.

"Taray mo naman, nag effort na nga e!" Nakangusong sumbat ko naman.

"Walang nagsabing mag effort ka. Cut that crap." Sabay talikod at mabilis na lakad nya.

Hahabulin ko pa sana sya ng biglang may mga asungot na humarang sa akin.

"Oh poor little Angel, kawawa ka naman? HAHAHA. Tigilan mo na kasi ang pag papantasya jan kay Prince Jungkook" naka pamewang na sabi ni Aimee, isa sa mga mean girls dito sa school.

"Akala nya yata ay mapapansin sya ni Jungkook e HAHAHA" Sabi nang mukhang clown na alagad ni Aimee.

"Tsa! At sino ka naman para sundin ko?" Nakapamewang na sabi ko din.

"Ako? Ako lang naman ang future girlfriend nya, angal ka? Wag kanang mag pantasya. Masasaktan ka lang HAHAHA" Maarteng sabi pa nya.

"Talaga ba? Oh whatever. Mukha ka ngang make up na tinubuan ng mukha e. Asang asa ka din na magustuhan ni Jungkook no? Eh buhusan kaya kita ng malamig na tubig ngayon? Bukod sa mahimasmasan kana, tanggal pa lahat yang make up mo!" Maangas na sabi ko.

"Duh! You're so creepy! Alis na tayo girls. Namamaho na dito dahil sa squater na ugali neto" maarteng turo pa sa akin.

"Mas mabaho yang ugali mo" pahabol na sigaw ko pa.

Hay nako. Sa dami ng nakakaaway ko nang dahil kay Jungkook, yang si Aimee lang talaga ang palag ng palag e. Mukha naman pulbura ts.

To be continued..

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon