One Sided Love

44 16 0
                                    

Ako si Ylona, 16 years old. Grade 10 student sa pasukan. Ilang araw na lang pasukan na namin. Wala akong ginagawa sa bahay, nabuburyo lang ako. Gusto kong pumasok pero parang ayaw ko, magulo diba? Well ganon naman ang buhay magulo, ang buhay parang life.

Mabuti na lang at may basketball at hindi ako nababagot kaya lang laglag na agad ang Ginebra ko kaya medyo hindi ko gusto ang laro.

Nandito na ko sa school at pasukan na kaya lang mukhang late ako. Pagkaakyat ko sa room namin may mga lalaki sa labas, kaklase ko ata, hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na. Nakita ko ang mga kaklase ko dati na grade 8.

"Ate Faye!" sigaw ko, napalingon tuloy yung iba kong kaklase.

Naglilinis lang sila at wala pa atang teacher or baka dumating na at inutusan sila.

"Ylona! Dito ka ren?" tanong niya sakin kahit na obvious naman.

"Oo Ate magkaklase uli tayo."

Nakita ko rin sila Christine at Kathleen. Mabuti na lang kaklase ko uli sila dahil wala kong kakilala na iba dito.

"Hi Christine! Hi Kathleen!" bati ko sa kanila.

"Uy Ylona, ang saya naman magkakaklase uli tayo."

Naglinis kami saglit at nagsimula na ang klase. Nung uwian sabay sabay kaming umuwi dahil pare-pareho kami ng dadaanan. Puro kami kwentuhan at tawanan, namiss namin ang isa't isa.

Nakilala pa namin sila Anna at Angge. Pareho rin namin ng trip kaya nakasundo agad namin sila.

Natutuwa ako ngayon sa section ko or should I say ngayong grade na to. Nageenjoy ako sa mga kaibigan ko.

Tatlong linggo na kong pumapasok at wala pa kong absent. Natatawa ako sa mga kaklase ko, tuwing nagdidiscuss ang mga teacher ko e bumabanat din naman ng mga jokes ang kaklase ko kaya tawang tawa ako.

"Ylona may dumi sa mukha mo." sabi bigla sakin ni Anna.

"Saan? Pahiram nga ko salamin." inabot niya sakin yung salamin.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at tinanggal ang dumi sa mukha ko. Hindi naman dumi to e, nunal ko iyon e. Kahit kelan to si Anna papansin.

Tinignan ko na lang den ang itsura ko sa salamin tutal hawak ko naman na. Habang nakatingin ako sa salamin napansin ko si Marvin, yung gwapo naming kaklase actually siya rin yung escort namin. Tinititigan ko siya gamit yung salamin. Shet sobrang gwapo niya, bat ngayon ko lang napansin to?

"Anna! Ang pogi ni Marvin tignan mo."

"Saan?" pinakita ko sa kanya yung salamin kung saan natatanaw si Marvin.

"Hindi naman, hindi ako napopogian, mukha siyang palaka."

"Oy grabe ka pogi kaya niya. Crush ko na siya." kinikilig ko pang sabi.

Ewan ko ba gwapong-gwapo sa kaniya, pinagsisigawan ko pa na crush ko siya pero ayokong malaman niya, nahihiya ako e. Sa tuwing malapit siya sakin kinakabahan ako at nangangatog ang tuhod ko at feeling ko kinakapos ako ng hininga. Normal ba yun pag may gusto ko sa isang tao?

One time nga nakatabi ko siya sa pila ng flag ceremony. Kabadong-kabado at nanginginig yung mga kamay ko kaya ginawa ko pumuwesto ako sa likod para makalayo sa kaniya.

Nakikikinig ako ngayon ng discussion at panay ang daldal sakin ng katabi kong bakla na si Dan at natatawa ako sa sinasabi niya. Napansin kami ni Mam at pinatayo kaming dalawa.

Hiyang-hiya ako non dahil nakatingin lahat ng kaklase namin. Bwiset kasing bakla to e.

"Marvin tumayo ka rin rito sa harap, puro kayo daldal."

One Shot Stories Where stories live. Discover now