CM's POV
"At kung 'di ka makita 🎶🎶
Makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin 🎶
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang"
🎶🎶Napatigil ako sa pags-strum ng gitara nang may narinig akong pumalakpak. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko.
"Besh! Ang ganda talaga ng boses mo. Wala ka pa ring kupas." sigaw ng bestfriend kong si Tina habang nakaupo sa bintana ng kwarto niya.
Siya pala yung pumalakpak.
"Ikaw lang pala yan. Akala ko kung sino na."
Nagtataka ba kayo kung paano kami nakakapag usap gayong nasa kwarto niya siya?
Actually narito ako sa kwarto ko ngayon habang nakaupo sa tapat ng bintana. Magkatabi lang ang bahay namin ni besh at magkatapat ang bawat kwarto namin.
"Bakit besh? May inaasahan ka pa bang ibang tao?" nakangisi niyang tanong sakin.
Inilingan ko na lang siya at nagstrum na lang muli ako ng gitara ko.
Tahimik lang kami pareho habang nilalanghap ang simoy ng hangin.
"Besh, nasabi mo na ba kay Tita Kia yung about sa pagpapabarangay sayo ni Aling Ne--"
"Sssssssh! Besh wag kang maingay. Di pa nila alam yung about dun." natataranta kong pigil sa kanya.
Napakamot tuloy siya sa ulo niya.
"Ano ka ba naman CM! Sabihin mo na agad kay Tita bago pa sa ibang tao niya malaman."
Tumango tango na lang ako sa kanya.
Actually, hindi naman ako natatakot kay Mama kung sasabihin ko sa kanya na pinababarangay ako ni Aling Nena. Mas natatakot ako sa gagawin sakin ng tatlo kong kuya pag nalaman nila na gumawa na naman ako ng gulo.
Well, yung sinasabi lang naman ni besh ay yung about dun sa anak ni Aling Nena na si Niño. Sinapak ko lang naman yung walang kwentang lalaking yun sa mukha. Bulls eye. Meron tuloy siyang black eye sa magkabilang mata.
Pero don't get me wrong huh, di naman ako nananakit ng tao kung hindi naman niya deserve ang ginawa ko.
Actually si Niño kasi ay isang typical badboy dito sa ating lipunan. Bad boy. Bad na ang itsura, bad pa ang ugali. Napakawalang kwenta talaga. Nakita ko lang naman siyang sinasaktan yung girlfriend niya. Nag eskandalo pa sa tindahan. Aba! eh dahil sa ako si Clea Monique Domingo na ayaw na ayaw nakakakita ng lalaking nagpapaiyak ng babae eh nakatikim siya ng sapak sakin.
Napag alaman ko tuloy na Mama's boy pala itong si Niño at nagsumbong pa sa nanay niya. Buti na lang wala ako sa bahay namin nung sinugod ako ni Aling Nena at sinabing ipapabarangay daw ako.
Kaya ito ang ending ko ngayon. Tatago muna ako kay Aling Nena.
"Alam mo besh, sa halip na magmukmok ka dyan sa kwarto mo bakit kaya di ka na lang maghanda para bukas."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit ko naman kailangan maghanda para bukas. Birthday ng Mommy mo bukas, hindi dapat ako ang maghahanda, kayo dapat na pamilya niya noh."
May pag irap pa ako sa kanya pero inarapan niya rin ako.
"I mean maghanda ka para sa pagdating ng kakambal ko. Duh!" maarteng sabi pa niya na parang pinapahiwatig niya na ako ang pinakadense na taong nakilala niya.
BINABASA MO ANG
2 WORDS 6 LETTERS
Fiksi RemajaA girl who still waiting for his broken promises. And a Boy who already keeps a new promise to someone else. Together, they will make us realize how love causes pain, and how pain changes everything. ------- Find out the deep meaning of 2 words 6 le...