02. Agaw

12 1 0
                                    

Hers

"Unti na lang..." bulong ko habang nilalaro ang stuffed toy machine.

Well... alam ko na ang iniisip niyo kaya uunahan ko na kayo.

Nagkakamali kayo. Mali lahat ng inaakala niyo patungkol sa akin dahil kahit kailan ay hindi 'yan mangyayari! Charot!

Bata pa nga po kasi ako kaya hindi ako isip bata tulad ng inaakala niyo kasi nga bata pa ako. Gets niyo? Basta, isip bata ako kasi natural lang 'yon sa mga bata hindi yung damulag na isip bata. Haha!

"Oh shit! Makuha ka naman please. . ." Para na akong timang dito kakamura and of showing tantrums here. Kainis naman kasi yang machine, kuha na sana kaso dumulas pa! Pang-ilang ulit ko na kaya 'to.

Iilan na lang ang nalalabing token na hawak ko. From 50 tokens to 19 tokens! Oh, well. Ginastos ko na pala ito kanina sa may Teken.

Worth it naman ang pagte-teken ko kasi victory naman. Kaso dito sa pangalawang game na 'to, mukhang mauubos na lang ang token ko pero 'di ko parin siya ma-reach. BOOM PANES! Joke lang.

So gaya nga ng sabi ko, mauubos na lang 'tong tokens ko pero hanggang ngayon ang inaasam-asam kong stuffed toy ay 'di ko pa rin mak---

"Yes!" Nakuha ko na rin sawakas! Hohoho.

Kala ko wala nang pag-asa pang maging kami--- este makuha ko 'to. Hohoho!

My next goal is to rich at least 200 tickets para mai-exchange ko sa Stitch stuffed toy here.

Alam ko namang afford kong bumili ng stuffed toys pero kasi iba ang pakiramdam pag--- alam mo 'yun? Pag-sariling sikap ang ginawa mo maabot lang ang gusto mo? Well ganyan ang feel ko kaya ang next na game na lalaruin ko ay ang SLAM A WINNER.

Nasa'n kaya 'yun naka-pwesto ?

"Ah! Ayun!" Masiglang bulong ko kay myself.

Dali-dali naman akong pumunta 'don kasi syempre may goal ako!

Nang tuluyan na akong nakalapit, mabilisan ko namang inilabas ang token mula sa lagayan nito.

Kumuha ako ng at least five pieces. I slid one token from my palm to the end of my fingertips at ihuhulog ko na sana ng biglang may kamay na naunahan akong mag-hulog ng token.

"Sino ba 'tong palak---" Woah!

Mukhang umurong ang dila ko sa pagbulong ng masilayan ko ang makinis na balat niya, ang maninipis niyang labi, ang matangos niyang ilong, ang mga kulay asul niyang mga mata at ang kanyang makapal na kila--- Oh my gosh! What the fudge is happenning to me? Did I just checked him out? No way! May atraso pa siya sakin! Grrr.

Binigyan ko nga ng 'Ikinagwapo-mo-na-ba-ang-pang-aagaw-mo-kuyang-estranghero?' look pero ang walang'ya! Tinapunan niya lang ako ng tingin then back to game ulit na para bang walang nangyari! Grrr!

Nakakainis talaga siya! Sirang-sira na ang araw ko! Nandito nga ako para mag-palipas ng oras pero iba ang nangyari!

Take a deep breathe then exhale it. Okay, relax lang. Masisira ang beauty ko niyan eh.

"Maka-alis na nga lang!" padabog akong tumalikod sa kaniya at nag-hanap na lang ng ibang game. Kainis talaga!

"Hmm. . .ano kayang game ang magandang laruin? Ah! 'Yun na lang!" Para na talaga akong bata dito sa ginagawa ko, promise!

Thanks goodness dahil wala namang masyadong tao banda rito.

Ilang minuto rin ay natapos ko nang laruin at ubusin ang natitirang tokens na hawak ko kanina pa.

The Taken Heart [On hold]Where stories live. Discover now