First
Isang masayang pagbati ang sumalubong sa mga estudyante ng dean ng school na pinapasukan ko. Sa loob ng apat na taon ko dito ngayon lang ata ako umabot sa opening speech niya. Madalas ba naman ay lagi akong late dahil sa hirap mag byahe sa unang araw ng pasukan.
Sa pamamalagi ko school nagkaroon din ako ng mga kaibigan pero dahil sa hindi ako talaga palakwento, ilan ilan lang ang naging totoong kaibigan ko. Kaya naman nagtataka ako bakit di ko pa sila nakikita gayong magsisimula na ang aming first class.
Dahil sa dami ng estudyante na lumalabas sa auditorium ay nagdecide nalang ako na magpahuli. Mas mahihirapan lang naman ako makipagsiksikan sa paglabas kapag sumabay pa ako.
Nang maubos ba ang mga estyudante sa auditorium ay nagdesisyon akong tumayo na sa upuan ko ng may makita akong kamay na nakalabas mula sa dulong upuan sa aming hilera.
Lalagpasan ko nalang sana ang lugar kung saan may nakita ako pero mahihirapan akong umikot kaya nagdecide nalang akong hakbangan ang kung sino man ang nasa upuan na iyon ng biglang may maramdaman ako sa paa kong pumigil makahakbang kaya ko kinagulat.
"Tapos na pala?" wika ng lalaki na di ko maintindihan kung bagong studyante dahil naka casual na damit naman. Napatango nalang ako bilang sagot sa kanya.
Lumabas agad ako dahil di ko alam kung anong trip ng lalaking iyon. Nakakatakot pa naan ang panahon ngayon, madaming nga di mabuting tao sa paligid. At baka mahuli din ako sa aking first class.
Pagdating ko sa classrom ay andito na din ang mga kaibigan ko. Tinawag nila ako para maupo sa tabi nila. At tinanong pa ako kung bakit ngayon lang ako. Naikwento ko nga ang nangyari sa Auditorium kaya tinukso pa ako na baka siya na ang destiny ko.
Natigil lang tuksuhan ng dumating ang aming teacher. Sa gulat ko ay kasama ang lalaki sa auditorium na ngayon ay di pa rin naka uniform.
Sinabihan siya ng aming teacher na magpakilala ngunit dahil sa sobrang tamad siguro niya magsalita ay tanging pangalan lang niya ang sinabi niya. Ino. Yun lang.
At dahil nga walang nakaupo sa tabi ko ay dun siya pinaupo. Kaya't lalong nagtuksuhan ang aking mga kaibigan ng umupo na siya sa tabi ko.
Hiniling ko nalang talaga na mapabilis ang oras at mag lunch break na. Ngunit bago matapos ang klase ay nagpa-groupings si mam para sa unang project. Kapag sinu-swerte ka nga naman, katabi ko pa kapartner ko!
BINABASA MO ANG
Time With You
Teen FictionIn a world of different definition of love, how will you give love meaning for yourself?