Closer
Hindi pumasok sa isip ko kailangan man makipag compete sa classroom. Pero dahil hinahamon ako nitong si Ino. Wala akong choice kung hindi i-prove ang sarili sa kanya.
Kaya naman ng mga sumunod na araw nagreview talaga ako para sa exam namin ngayon. Hinding hindi ako papayag na mataasan na naman niya ako.
Nagreview bago matulog at maaga ako pumasok ngayon para hindi ako malate sa first class ko. Dahil pangalawang klase pa naman ang may exam may time pa ako magrecall. Ganyan ako kaseryoso na makapasa na.
Nasa malalim akong pagiisip ng dumating na ang taong ayoko na talaga kausapin.
"Good Morning Mi" bati niya habang nakatingin sa librong binabasa ko.
"Actually maganda naman ang umaga kanina e bago ka dumating" sagot ko habang patuloy na nagbabasa.
Hindi ko na nga maintindihan ang nasa libro, dumagdag pa itong si Ino na walang ibang ginawa kundi asarin ako.
"Ano ba yang binabasa mo?" sagot niya na tila ba hindi narinig ang una kong sinabi. Umupo na siya sa tabi ko.
Nang di na ako sumagot ay humarap siya sa akin at pinilit kuhanin ang libro na hawak ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata o sa mga galaw niya bakit natigil ako ng sobrang lapit niya na sa mukha ko.
Nawalan ako ng chance na itago pa ang libro na hawak ko na dahilan na tuluyan na niyang nakuha ito sa mga kamay ko.
"Ito lang pala ang pinag aaralan mo. Gusto mo turuan kita?" wika niya na tila ba di man lang naapektuhan sa pagkakalapit namin.
Hindi na ako nakasagot dahil nagdatingan na ang mga kaibigan ko at tulad dati pumunta kami sa canteen para mag almusal.
Mabilis natapos ang unang klase namin at naghahanda na ako para sa exam namin nang biglang dumating ang class president ng kabilang room at sinabing hindi makakapasok ng teacher namin ngayon dahil namatayan ito.
Hindi ko alam pero nalungkot ako dahil nagreview pa naman ako ng todo tapos hindi lang matutuloy ang test. Pero okay na din siguro dahil madagdagan pa ang oras ko para mag review.
"Nakakalungkot naman para kay Ma'am na namatayan siya." sabi ni Anne habang nagliligpit ng mga libro niya
Dahil nga wala kaming teacher ay nagsilabasan ang mga kaklase ko para magpuntang canteen o kaya library.
Dahil pati mga kaibigan ko ay nagpunta din ng library. Naiwan ako at mga ilan sa kaklase ko. Di rin umalis sa room itong si Ino.
"Tara punta tayong rooftop" yakag niya sa akin.
"Bakit naman ako sasama sayo?" sagot ko sa kanya
Hindi siya sumagot at hinila lang ako palabas ng classroom. Dala din niya ang mga libro niya sa kabilang kamay.
"Don tayo mag aaral. Walang istorbo." sabi niya habang naglalakad.
Naglakad kami hanggang makarating sa rooftop ng building namin kung saan tahimik nga.
"Madalas kaba dito?" tanong ko sa kanya
"Oo kapag kasama ko ang mga kaibigan ko." simpleng sagot niya habang nag bubuklat ng libro
Hindi ko alam na may mga kaibigan pala siya dito. Ang akala ko ay transferee lang talaga siya.
Saka hindi ko din siya nakikitang may mga kaibigan na kasama."May mga kaibigan ka dito?" tanong ko sa kanya. Nakatingin pa din ako sa trucking field ng school. Kitang kita ang kabuuan nito mula dito sa rooftop.
"Oo, nasa higher section sila. Sila lang naman ang gusto na dito na din ako mag aral." sagot niya
Hindi na ako nag usisa dahil masyado namang magmumukha akong chismosa.
Umupo kami sa lapag at nagsimula na siyang magpaliwanag sa libro na dala niya. Hindi ko alam pero dahil sa sobrang lapit namin lalo ata akong walang natutunan.
"Nakikinig kaba Mi?" tanong niya sa akin habang nagbubuklat ng pages ng libro na pinag aaralan namin.
Tumango nalang ako bilang pagsagot kahit nanwala akong naintindihan. Mas mahirap ata mag-aral kapag ganito kalapit siya sa akin.
Mahigit isang oraa na kaming nag aaral ng nagdesisyon kaming bumaba para pumasok sa susunod na klase namin.
Pagdating namin sa classroom ay agad akong sinalubong ni Rose at tinanong saan kami galing.
Sinabi ko nalang na nagpaturo lang ako sa isang topic. Tulad ng dati mas nabully tuloy nila ako dahil sa unang pagkakataon napalapit ako sa lalaki naming kaklase.
Dahil sa alam nilang galit ako sa mga lalaki. I mean dahil ayoko sa kanila. Actually lahat sila.
BINABASA MO ANG
Time With You
Teen FictionIn a world of different definition of love, how will you give love meaning for yourself?