Clumsy
Hindi ko alam paano natapos ang unang araw ng pasukan. Basta ang alam ko malaking problema kapag hindi kami nagkasundo ni Ino para gawin ang mga projects namin.
Madaling natapos ang flag ceremony kaya nagpunta na kami sa aming classroom. Nakita ko agad si Ino na nakaupo na sa loob. Kaya pala hindi ko siya nakita sa pila. Napakadaya hindi man lang pumila!
Umupo ako sa tabi niya at nagbuklat ng sariling libro. Hindi nagtagal ay dumating na aming teacher at nagsimula na kami mag-aral. Ni hindi man lang ako tinignan ng katabi ko ng magsimula na kaming magpasa ng sinagutan naming papel.
Mabuti nalang natatandaan ko pa ang lesson namin kanina. Madaling natapos ang pang umaga naming klase kaya nagpunta na kami ng mga kaibigan ko sa canteen para kumain.
Dahil halos lahat ng mga estudyante ay kakain na din sobrang haba na ng pila para sa pagbili ng pagkain. Pumila kami ng mga kaibigan ko habang pinag uusapan ang gagawin namin sa susunod na linggo dahil birthday na ni Rose.
"Mabuti pa mag-karaoke nalang tayo" suhestyon ni Anne.
Nagkasundo na lang kaming mag mall sa birthday niya para mas maenjoy namin ang araw dahil wala naman pasok sa susunod na araw. Sakto naman na kami ng ang mag oorder ng pagkain.
Nakabili na sila ng pagkain pero dahil nasa dulo ako ng pila, ako ang huling umorder ng pagkain. Dahil sa pagmamadali ko ay di ko na napansin na may tao palang nakatayo sa harap ko kaya nabunggo tuloy siya. Natapon ang dala kong pagkain sa harap niya.
"You really know how to pissed me off." anang ng lalaki sa harap ko.
Feeling ko talaga maiiyak ako sa kahihiyan kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao sa canteen. Humingi nalang ako ng sorry kay Ino dahil hindi ko naman sinasadya pero laking gulat ko nalang ng hinubad niya ang kanyang uniform at binigay sa akin.
"Kung talaga nagso-sorry ka, labhan mo yan at dalhin mo bukas." mariin niyang sabi sabay abot sa akin ng kamay niya na para bang may hinihingi.
"Akin na yang jacket mo, wala akong ibang damit bukod sa uniform ko."
Dahil wala naman akong choice kung hindi ibigay ang jacket ginawa ko nalang. Dali dali akong naglakad papunta sa upuan nang mga kaibigan ko para kumain. Pero dahil nga kanin nalang ang natira sa dala ko humingi nalang ako ng ulam sa kanila.
"Napakayabang talaga ng lalaking yon!Paglabahin ba naman ako ng uniform niya!" galit na wika ko pagkaupo sa lamesa ng mga kaibigan ko
"Ano ka ba Mi, kung ako nga matalsikan lang ng konti naiinis na. Yun pa kaya, sobrang natapunan mo talaga." pagtatanggol naman ni Cristy
"Baka naman Mi, ito na." tukso nila sa akin lahat
Lalo tuloy nila akong tinukso dahil sa nangyari. Hindi ko naman pinatulan dahil nga naiinis talaga ako kay Ino. Bakit ba naman kasi sa tuwing nalang magkakasabay kami ni Ino nagkakaproblema ako.
Siguro dapat iwasan ko ang pagkakamali kapag nagkikita kami. Sa lahat ba naman kasi ng kamalasan ko bakit sa harap pa ni Ino.
BINABASA MO ANG
Time With You
Teen FictionIn a world of different definition of love, how will you give love meaning for yourself?