Exchange
Never ko talaga na-imagine na paglalabahin talaga ako ng walang kwentang si Ino. Sino ba namang kasi tatawag ng gabi para lang iremind ang uniform niya.
Oo, may number niya ako dahil bago kami umuwi, pinagpilitan pa niyang mag-exchange kami ng number para daw maalala ko ang uniform niya. Wala na sigurong lalagpas pa sa kanya sa ka-angasan.
Pagdating ko sa room ay nakita ko agad siya na nakayuko sa desk niya. Dahan dahan akong lumapit para tignan kung tulog nga siya o may ginagawa lang. Sa sobrang curious ko, talagang lumapit pa ako sa nakatagilid niya mukha. Mahaba ang kanyang pilik mata at matangos ang ilong, may konting maliit na tigyawat pero dahil maputi ang mukha niya, hindi iyo masyadong halata. All in all gwapo talaga siya. Nasa kalagitnaan ako ng paghanga ng biglang nagmulat siya ng mata at nagsalita.
"Wag mong sabihin ngayon ka lang nakakita ng taong natutulog." wika niya habang inaayos ang kanyang pagkaka upo.
"Sorry, ito na nga pala ang uniform mo." paumanhin ko sabay abot ng paperbag na naglalaman ng bomba. Joke! Uniform niya talaga ang dala ko pero kung pwede lang ang bomba baka nilagyan ko na din ito.
Bilang kapalit ng uniform niya ibinalik din niya ang jacket ko. Amoy na amoy ang pabango niya sa jacket ko. Para bang buong gabi niya iyong suot at kumapit ang amoy. Hindi ko maipaliwanag ang amoy ang alam ko lang mabango ito at panlalaki pero hindi masakit sa ilong.
Naputol ang pag iisip ko ng dumating ang mga kaklase ko at mga kaibigan na nagyakag magpunta muna sa canteen dahil maaga pa naman para sa unang klase.
Naisip ko na bakit nga ba hindi man lang siya nagpasalamat, napakahambog talaga. Well it's not like inaantay ko pero sa case ni Ino, mukhang kahit anong mangyari ay di niya gagawin yun.
Pagbalik namin ay saktong pagdating din ng aming math teacher. Kahit na di pa man kami halos nagdi-discuss ay nagbigay na agad siya ng exam.
"Si Ma'am naman may pagbibigay ng exam wala namang tinuro." bulong ko sa sarili ko
Ang mas nakakainis pa, itong katabi ko na akala mo di nag aaral ng mabuti ang unang nakatapos ng exam kaysa sa akin. Tapos tumingin pa sa akin nang nakakaloko. Ang kapal akala mo naman tama lahat ang sagot. Maka-kuha ka sana ng zero!
"Okay class finish or not finish exchange your papers!" sabi ni Ma'am kaya no choice ako kahit di ko pa nasasagutan lahat ay binigay ko na yung papel ko sa kanya.
Nang matapos kami mag check ng kanya kanyang papel ay mas lalo lang akong nainis. Bakit perfect ang score niya samantalang ako hindi pa umabot sa kalahati!
"Paano ba yan Mimi bagsak ka" wika niya sa nakakainis na tono.
"Wala kang pake! Unang exam palang naman!" sagot ko. Nakakagigil talaga. Kung pwede lang talaga magpalipat ng upuan. Baka ginawa ko na kasi nai-imagine ko na, kung isang taon na ganito, baka mabaliw ako!
Natapos ang mga araw na tila aso at pusa kami ng katabi ko. I guess never kaming magkakasundo talaga ng lalaking ito. Kahit ata anong gawin niya ay maiinis ako.
BINABASA MO ANG
Time With You
Teen FictionIn a world of different definition of love, how will you give love meaning for yourself?