Chapter2

1.3K 25 3
                                    

Dahil sa kaepalan ng kumplenirang authur kesyo bat pa pinapatagal ang pacing ng story na siyang dahilan ng pagsakit daw ng daliri nya sa kata-type

At sana siya na  dapat ang gaganap na Cinderella sa  storyang ito  dahil napaghahalataang head over stilettos siya kay prince charming.

Lol pakialalayan si authur baka matisod siya sa taas ng dream niya na kasing taas ng stiletto na maiiwan sa prince charming.

Sige pagbigyan na nga lang natin siya pangpalubag loob lang lol.

Kaya ito na ipa-fast forward na  natin.

  Ayon na nga its been 6months mula nung manyari ang kalokang insidenting iyon. Simula noon hindi na ako kinukulit  ni Yngrid na bitter ako dahil paniwalang-paniwala siya sa kasinungalingang ginawa ko at ang masaya pa.Siya mismo ang humingi ng paumanhin sakin ,

oh diba ang saya lang?.

Ilabas ang confitti at magbunyi..

Tungkol naman sa lalaking nagpanggap na fiancee ko  malaki ang pasasalamat ko na hanggang ngayon hindi pa nya ako naipapa- assassinate. Malaking tulong siguro ang ginagawa kong pag nonobena gabi-gabi. Oo nag nonobena ako,di  kAya birong makabangga ng ganun tao baka mamaya ipa-riding in tandem ako  non nu!!.

So ayon nga andito ako ngayon sa kwarto at nag-eempaki na ng gamit ko.Uuwi na kasi ako sa Pinas .Tumawag kasi ang Stepmom ko na pumanaw na daw ang papa ko.Masakit man ang ginawang pagtabuy  sakin ni Papa noong  buhay pa siya , gahit ganun mahal ko parin yun. Tanda ko pa nung 18 years old palang ako .Pagkatapos mamatay si Mama sa sakit na cancer mula noon nag iba na siya,naiintindihan ko naman  dahil nagluluksa nga sya  pero hindi man lang niya  inisip na meron pa ako,may na natitira pa sa kanya .Mas lalo siyang nag-bago ng makilala at pinakasalan nito si Tita Alicia na mayron naring dalawang anak  na babae.

Dahil sakim sa atensyon Ang Evil witch na Stepmom  ko gumawa siya ng paraan para  maging masama  ako sa paningin  ni Papa  kaya mula noon pinadala  ako ni papa  kay

Auntie Chona na kapatid ni Mama na naninirahan dito sa Florida

PHILIPPINES

Mula sa Airport dumiretso na ako sa Batanggas  ang lugar na aking sinilangan.Pero bago yun, sa kamalas-malasan  naranasan ko pa ang mahabang trapik kaya hapon na ako nakarating sa bahay.

Pagdating ko sa harap ng  gate napatinga ako sa bahay namin na May kalakihan din. Its been seven years narin pala nung huli akong nandito. Napansin ko marami ng nagbago.Ang mga dating mga alagang halaman ni mama wala na akong makita ni isa  .Sabagay sinu ba namang aasahan ko.Pagpasok ko sa gate nasumpungan ko na agad ang mga   sugarol na kumare ng Stepmom ko,nga pala hindi ko siya tinawag na Mama mas gusto nyang Tita nalang daw dahil hindi nya carry ang tawaging Mama pero sa mas bagay siyang tawaging Evil witch.

  "Oh ayan na pala ang balikbayan nyo Alicia.si Audrey naba yan abay pagkaganda-ganda pala ng anak ni Max "rinig kung sabi ng babaeng naglalaro ng madyong

Dumiretso na ako sa loob kung san nakalagay ang kabaong ni papa at doon ko na ibinuhos ang luha kung kanina pa pinipigilan.

Ngumawa ako ng ngumawa, Pakialam ko kung mabulahaw sa kabaong si Papa  at biglang gumising. Mabuti nga yun  ng matakot at magsialisan ang mga sugarol.

Kinabukasan


Kakatapos  lang ng libing at nagsialisan na ang mga tao sa sementeryo maliban sakin  .

"Papa sorry .Sorry kasi hindi man lang kita nakasama ng matagal.Sorry din kung mula nung umalis ako hindi na kita kinakausap ni sa tawag man lang..

Cinderella,Stilettos and the hot CeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon