Chapter9

844 18 1
                                    

   "Talaga bang hindi na magbabago ang isip niyo?Unoccupied yung master bedroom pwede niyung gamitin. Bukas nalang kayo umuwi.Isa pa masyadong malalim na ang gabi delikado na ang bumyahe."pamimilit ng mama ni Greg.

   "No way mom.Gusto kung masolo ang asawa ko,yung kami lang dalawa and besides may usapan na kaming bibinyagan na namin yung bagong bed namin mamaya, ikaw narin nagsabi na madaliin na namin ang paggawa ng babies.Right hon"baling sakin  ni Greg.

  "Tama po siya ma super excited na nga rin ako don sa binyagan na yan.Kaya pasenya na talaga ma kung mapilit na kaming umuwi"sabi ko naman saka ngumiti pa ako yung ngiting makapunit labi

Natawa si tita este mama.Sabagay matatawa naman talaga siya sa ngiti ko kasi ang ang ngiting makapunit labi.

Sa totoo lang kasi mas gustong-gusto kong umuwi nalang kesa dito makitulog dahil alam ko namang iisa ang kwartong ang ipapagamit samin.Malamang mag asawa nga kami diba?di naman ako papayag nun.Kaya ayun tuloy sumi-second the motion ako kay Greg kahit di alam ang koneksyon ng binyag sa bagong bed.Meron na pala yun ngayon .Sosyal!!

  "Hay naku kayo talagang mga bata kayo oo .O siya sige mag iingat kayo ha."

Pinanoud ko munang magyakapan ang mag ina.Tapos ako naman ang niyakap ng mama niya.Iwan ko ba kung bat ang bait bait ni Tita este mama na pala at kaydali nila ako tinanggap sa pamilya nila,balewala sa kanila yung background ko,malay nila baka may ulteriormotive  ako diba?e sa meron naman.Hmp basta ang bait kaya medyo nagiguilty ako.

  Nakakabinging katahimikan ang naganap habang kasalukuyan kaming bumabyahe.Feeling ko nga papanisin na laway ko.Ito namang katabi ko ang seryuso ng ekpresiyon habang nagdadrive.Anyway mabalik tayo sa scene kanina.Ngayon lang nag sink sa utak ko yung meaning ng bibinyagan.Shit ang lagay para akong sabik na sabik na gawin yun.Gawd!

Bwesit kasing lalaking to sa dami ba naman ng idadahilan e yung kama pa.Napapalatak pa ako nang biglang nagpreno tong sasakyan.

  "Aray ko naman!!Mag dahan dahan ka naman!ba kung gusto mong masiplang mamatay wag mo kung isama"pagalit na sabi ko dito.Bastos e biglang magpreno ba naman buti nakaseatbelt pa ako kung hindi baka ma deform tong ilong sa pagkakasobsub.

Hindi man lang sumagot ang hudas.Tumingin ako sa gawing tinitignan nito.Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang mga armadong kalalakihan nagsisibaba sa itim na van na nakatigil at nakaharang  sa gitna ng kalsada.Maya maya kumatok ang isang lalaking nakabonnet at may hawak na baril

  "Bababa ako dito ka lang"ani Gred.Napahawak ako sa braso niya sa takot.

  "Wag kang aaalis baka saktan ka ng mga yan.".Malakas na kumatok muli ang lalaki kaya napilitan ng lumabas si Greg.

  Nag usap ang mga to.Nanlaki ang mata ko ng tutukan nila ng baril si Greg.Ito naman walang nagawa kundi nagtaas nalang ng kamay mga kamay aktong sumusuko .Sabagay wala itong armas kahit pa sabihin malaki ang katawan nito e marami ang kalaban .

May  lalaki na lumapit at binuksan ang pinto sa may driverseat at tinutukan ako ng baril.

  "Miss baba"dahil sa panginginig ko hindi agad ako makahuma "Baba sabi e gusto mo bang iputok ko to sa bungo mo!"nagkandaugaga naman ako sa pagbaba.Mabilis akong lumapit kay Greg.Itinago naman niya ako sa likod niya

  Sa tingin ko ito na ang katapusan namin!Debali may SSS at philhealth naman ako debali pa yung sa burial.Napaisip nalang ako.Sana pag namatay ako ngayon kulay pink ang magiging kabaong ko at sa libing ko yung favorite kung BadRomance ni Lady Gaga ang ipatugtog.Kaiinis ginawan pa ako ng istorya e mamatay rin naman ako .Nyemes buhay nga naman oh!Ang saklap

May nagpastart ng kotse ni Greg samantalang yung iba tinututukan parin kami ng baril.Nagbilang na ako ng 60second pero lumipas na ang oras wala paring kamakalabit ng baril.

Cinderella,Stilettos and the hot CeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon