Chapter17

571 10 0
                                    

WARNING:mainit ang susunod na kaganapan.Bwahaha (insert evil smile)

Puno ng paghanga kong pinagmasdan ang sarili ko.Kakatapos ko lang magayos ng sarili ko para sa pagpasok sa office.Hindi talaga ako magsasawa sa pagmumukha ko.Oo ako na ang maganda walang duda.Ang kaharap kong salamin na mismo ang proweba.

Napatigil lang ako ng may malakas nq bumuntong hininga sa likod ko.

  "Ate Audrey?"

"Hmmm ...

Pasimple kong nilingon si Fabian sa likod ko.Bigla itong umuwas ng tingin,namumula rin ang pisnge nito. " c-Can i ask you something?"

Mukha ito constipated na ewan at di mapirmi ang tingin."Sige.Ano ba yun."

"W-will you be my g-girlfriend?"biglang sabi nito nang di parin tumitingin.

"Huhh?".Hindi ko alam kong matatawa ba ako o anu.Grabe bilib na talaga ako sa beauty ko pati bata hindi pinatawad ng karisma ko.

  "Yun lang pala.Hay akala ko kung ano na.Okey"

Umaliwalas ang mukha nitong pumaling sakin"really?you sure?pagtitiyak pa nito.

Ay naku itong batang to talaga.Hindi na ako magtataka kung sinung pinagmanahan nito.Maramirami sigurong magiging ex nito pag laki.Gayun paman sinakyan ko nalang ang trip ng bata.

"Oo na nga.Ang Cute talaga ng lahi mo"natatawa ko nalang na ginulo gulo ang buhok nito.

  "So i  can call girlfriend then, right?"Umungklo ako kapantay nito at pinangigilan kong pisil pisil ang cute na pisnge niya.

  "Sure thing boyfriend.Lika na"Tutuwid palang ako ng tayo ng tumingkad at mabilis akong ginawaran ng halik ni Fabian saka mabilis na ibinaling ang tingin sa ibang deriksyon.

Napahawak tuloy ako saking pisnge.Hay ang mga bata nga naman.Sabay na kaming lumabas ng kwarto.

  "Ahm girlfriend will you-could you say yes  to me if ..if il ask you to marry me someday?"

   Kasalukuyan kaming naglakad palapit sa naghihintay na magarang sasakyan ni Greg.

Napatigil ako at napahawak sa sintido.Susme ang bilis ng batang to.Hindi ko na alam kong saan saan na nito napupulot ang mga pinagsasabi nito.Aywan ko lang kung masabi pa nya ang mga iyan kung lumaki siya at uugod ugod na ako.Sugar mama na ang peg ko ganun!

  Humarap ako rito at ngumiti ng matamis.Nakakadiabetic sa tamis."Syempre naman oo.Basta ipangako ko mo na kakain ka lagi ng squash.Matutulog ka ng tanghali.at mag aaral ng mabuti para balang araw magkaron ka ng magandang work"

  Jusko work daw!.At anu  na namang kinalaman ng kalabasa rito.

  "Tapos magkakaron ka nang pambiling singsing.At syempre pwede ka ng magpropose sakin"piniga piga ko nalang ang matangos kong ilong.Dumugo yata sa pinagsasabi ko.

  "Singsing  ..?"nasisiyahang bigkas nito at animo may kung anong meron dun na sa haba ng sinabi ko yung RING na word lang ang narinig nito.

  "Oo singsing sa tagalog ring"Oy wag kayo nagbubuklat rin ako ng dictionaryo  ha baka akala nyo.

   "Really? just a ring .."wala sa sariling bigkas nito.May kinakap ito sa suot nitong pajama.

  "Here give me your hand"

"Ha ?naguguluhang nilahad ko ang kamay ko rito kasabay nun ay may naramdaman akong malamig na sumuot sa hintuturo ko.Pagtingin ko singsing  mukhang tunay.Alam kong mayaman ang batang ito pero san naman nito nakuha ang singsing.

Cinderella,Stilettos and the hot CeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon