"Bella, show your teeth!" Napapitlag na lang ako sa sigaw ng photographer. Para akong naka-auto-pilot kanina.
I was only thinking of him. Ngayon, I am not really focused on my job.
"Parang hindi ka 'to, Belle. Kung may problema, sabihin mo sa 'kin." He was pissed as he scanned my images on his camera.
"I'm sorry, Jake. I think I need a break. After that I promise to focus."
"Alright. This is your first time to lose your focus kaya pagbibigyan kita. But please be back after two hours with a clear mind. Let's do awesome pictures again later, okay?"
Tumango lang ako at umalis na. Since I couldn't pig out, hindi ako pwedeng kumain. Kaya ang ginawa ko, nagpunta na lang ako sa tuktok ng building ng studio na iyon.
Jake was right.Eto ang unang beses na nawalan ako
ng focus sa loob ng anim na taon ko sa pagtatrabaho bilang model.
Madaming photographer ang gustong makipagtrabaho sa akin dahil madami ang nagsasabing maraming kayang ibigay na expression ang mukha ko.
Madami silang nakukuhang magagandang pictures in just a couple of shots. Ilang print ad at magazine na ang nilabasan ko, ilang TV commercials na din ang nagawa ko at lahat sila ay walang naging problema sa akin.Ngayon pa lang.
And Jake, he knew how I worked kaya hindi ko siya masisi na mainis siya sa kawalan ko ng focus ngayon.
Pagkabalik ko talaga sa photoshoot, I promised to be okay.At kapag makita ko siya ulit, I must not cry anymore. Tama na ang ilang taon niya akong sinaktan.
I needed to totally ignore and forget him just like how he forgot about me.
Mabuti at hindi ako naka-gown ngayon. My clothes permitted my craziness this time. Hobby ko na siguro ang tumayo sa mga nakakalulang lugar. Parang noong
sumama ako sa hiking sa Mt. Ulap sa Benguet.
Inakyat ko ang mababaw na pader na pipigil sa akin na mahulog sa building na iyon. I wore heels this time, but that wouldn't stop me from doing what I wanted.
I just wanted to see how beautiful Manila is. Yeah, the city is polluted but its skyline is still beautiful for me.
At hindi naman ito ang unang beses na dadamhin ko ang hangin sa tuktok ng building na iyon. So I spread my arms. Katulad ng ginawa ni Kate Winslet bilang Rose sa Titanic.
"Bella!"
Napalingon ako sa sumigaw na iyon. Pero bago pa ako nakapalag, nahablot na niya ang kamay ko at nasalo na ng dalawa niyang braso ang buong katawan ko.
Oh, that bastard...
BINABASA MO ANG
Ex-zoned (Ebook@Pink&Purple-RawVersion) [COMPLETED]
ChickLitTeaser Napilit lang si Bellaraine na um-attend sa high school reunion. At hayun, ang pinakaiiwasan niyang ex-boyfriend na si Arkin pa mismo ang naging unang kasayaw niya sa gabing iyon. Hindi lang ang sakit ng nakaraan ang nagbalik sa kanya pag...