Namalayan ko na lang na malapit na kami sa bahay ni Pia. Isang beses lang kaming nakapunta doon noong college kami. Nang utusan kami ni Mommy na ihatid pauwi ang eight-year-old kong pamangkin sa pinsan, pero hanggang ngayon ay kabisado pa rin ni Arkin ang bahay ni Pia.
Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan.
Sasabihan ko sana siyang umalis na nang marinig ko ang pamangkin kong isinigaw ang pangalan niya.
“Kuya Arkin? Oh, my God!” At medyo O.A. dahil sinugod talaga siya ng yakap ni Pia.I lied.
Mula nang mawala si Arkin, patuloy pa rin siyang binabanggit sa akin ng batang ito and she’s still asking me until last week nang imbitahin niya ako kung may balita pa ako kay Arkin.
“Pia! You look pretty! Happy twentieth birthday!”
His calculation was right. Twenty na ang pamangkin kong naging ka-close niya noon.
“Thanks, Kuya! Hi, Ate.” Now she remembered to hug me. “Sabi ko na nga ba’t magkakabalikan kayo, eh.”
She’s only calling me ‘Ate’ since eight years lang naman ang tanda ko sa kanya.
“No, Pia. Uhm... we’re just...”
“Friends.” Si Arkin na ang nagdugtong.
“Oh, come on, guys. ’Wag na nga kayong maglaro ng tagu-taguan. Ang tatanda n’yo na, eh.” Natatawa si
Pia na inaya kaming pumasok. Saka siya nagpaalam na may kukunin siya sa kotse niyang nakaparada sa garage na pupuntahan niya pala bago niya kami makita.
Magkasama kami ni Arkin na naupo sa mga upuang naroon para sa mga bisita. I had no choice but to stick with him. Natanaw ko kasing busy sina Ate Paula at Kuya John sa pag-estima sa ibang bisita ng
anak nila. Mostly kasi sa mga naroon ngayon ay mga kaibigan ni Pia sa medical school.
Sa pamilya namin, ang pinsan kong si Ate Paula lang ang nahilig sa pagdodoktor na naipasa niya sa nag-
iisa nilang anak ni Kuya John. Ako naman sa modelling.
Most of our family members ay naka-focus talaga sa business at kaming dalawa lang ang nalihis sa ibang direksyon habang si Kuya Ernest ang black sheep dahil
siya lang ang random person sa pamilya na gagawin ang kung ano lang ang maisipan.
“Gusto mong ikuha kita ng inumin?” alok ni Arkin.
Napansin niya sigurong my lips were getting dry. I had this bad habit of sticking my tongue on my lips kapag
natutuyo iyon regardless if I was wearing lipstick or not.
“No need.”
“You definitely need water,” sabi niya, sabay tayo upang ikuha ako ng tubig.
At habang wala siya, napansin ako ni Ate Paula.
“Hi, Bellaraine! Oh, my goodness! You look stunning!”
At nakipagbeso siya sa akin. “Nakita ka na ba ni Pia? She will be happy to see you!”
“Ah, yeah, nagkita na kami kanina sa labas ng bahay. May kukunin lang daw siya sa kotse niya.”“Mabuti naman at nakarating ka. Gusto ko din kasi i-confirm ’yung nabalitaan ko mula sa mommy mo.
Ikakasal na daw si Ernest? Hindi ko naman makausap si Tita dahil lagi siyang busy.”
Natawa ako bago sumagot. Sinasabi na nga ba’t gulat ang lahat ng kapamilya namin sa balitang ikakasal na si Kuya Ernest. “Oo, Ate. Ako nga din nagulat. Talamak na chickboy si Kuya at ang last na gusto niyang
gawin ay ang magpatali sa babae. And Arlene, my future sister-in-law, is really that special para pumayag
ang kapatid kong magpakasal na.”
“Mukhang finally, naisipan n’yo na din ng kuya mo na love can never harm you as long as you are choosing the right person to marry,” sabi ni Ate Paula, sabay nguso sa direksyon sa likuran ko kaya napalingon ako.
It was Arkin.Pabalik na siya dala ang tubig na kinuha.
“Ikakasal ka na din ba?”
“Naku, Ate! You got it wrong.”
Sinimangutan niya ako kunwari saka sinalubong si Arkin. “Hi. Do you still remember me?”
Iniabot muna sa akin ni Arkin ang baso ng tubig bago siya nakipagkamay sa aking pinsan. “Hi. Of course, Ate Paula. You look beautiful.”
“Ah, salamat. Thank you at nakarating kayong dalawa sa party. Please enjoy, okay? And I just really wanted to say this: Bagay na bagay pa rin kayong
dalawa. Sana mauwi din kayo sa kasalan. I will pray for you, guys,” sabi ni Ate Paula na talagang sinamahan pa ng nanunuksong tingin bago niya kami iniwan.
Ngumiti lang si Arkin.Isang nakakapraning na ngiti na animo’y nagustuhan niya ang sinabi ng pinsan ko. But I would never fall for it. We both knew kung ano talaga ang feelings niya para sa akin. And remember, gusto niya kaming maging friends kapag nasa trabaho so we could work harmoniuosly. Pero hanggang doon lang iyon.
“Bagay pa rin daw tayo. So meaning, bagay na tayo dati?” he asked as if he had no idea na kinaiinggitan kaming lahat dati sa school dahil nga daw bagay kami. Bukod sa gwapo siya at maganda ako, iyung pagiging chill lang ng relationship namin ang talagang napapansin ng lahat ng tao.Hindi kasi kami masyadong
mahigpit sa isa’t isa. I still had my suitors before, pero wala siyang pinagselosan. Ganoon din naman ako sa mga babae at baklang patay na patay sa kanya. We worked as a couple harmoniously before, magawa pa rin kaya namin ngayon as ‘friends’?
“Don’t believe her. Magaling lang talagang mambola ang pinsan ko.”Nagkibit-balikat na lang siya.
Mayamaya ay nagyaya siyang sumayaw kami. I really didn’t have the mood for dancing that time, but he tricked me with his angel-like face.
“Please. Let’s start our friendship again with this dance.”
Kahit labag sa loob ko, kinuha ko ang palad niyang nakalahad at nagpatangay sa kanya nang magsimula na kaming sumayaw sa gitna ng dance floor. It was a
dance complimented by a sweet tune.
Pamilyar pa rin ang init ng mga braso niyang nakahapit sa baywang ko. And his manly scent filled my nose na parang umaakit sa akin na unti-unting ilapit ang mukha ko sa leeg niya pero pinigilan ako ang
aking sarili. Hinayaan niya akong sumandal sa dibdib niya habang sumasayaw kami sa saliw ng mabagal na tugtugin. Abot ng pang-amoy ko ang leeg niya na nakakabaliw sa bango. I wanted to say something, but his intoxicating scent made my throat dry, dahilan para mabarahan ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.Napabuntong-hininga na lang ako.
“You okay?”
“Yeah.” Mabuti na lang at hindi na ako naluha kagaya ng nangyari sa reunion. And as usual, nakakainis pa rin si Arkin.How could he be so kind and as*hole at the same time?
“You don’t seem okay.”
“Bakit ka ba kasi bumalik? What for?” Hindi siya umimik but I was desperate to know his answer. “Magsalita ka.”
“Because I wanted to explore more sa photography. And to do that, I know I had to go back to the place where I am from. So I can discover myself more.”
So everything was about photography. And photography was Ivy because that girl loved photos so much and that only meant he’s doing this for my half-sister. I wished multiple times that she never existed.
Inagaw niya ang lahat. My dad, si Arkin. Dalawa sa tatlong lalaking mahal ko, nasa kanya na. Good thing
Kuya Ernest hated her, too.
I stepped back. “Masakit na’ng paa ko.”
“Take off your shoes. Bubuhatin kita pabalik sa table.”
“No n—” Hindi na nga ako nakapalag nang bigla na niya akong buhatin. At nakuha namin ang atensyon
ng lahat. “Arkin, ibaba mo ’ko!”
“Almost there.” At ibinaba nga lang niya ako sa upuan ko kanina. Then he left me to get some refreshments.
BINABASA MO ANG
Ex-zoned (Ebook@Pink&Purple-RawVersion) [COMPLETED]
Romanzi rosa / ChickLitTeaser Napilit lang si Bellaraine na um-attend sa high school reunion. At hayun, ang pinakaiiwasan niyang ex-boyfriend na si Arkin pa mismo ang naging unang kasayaw niya sa gabing iyon. Hindi lang ang sakit ng nakaraan ang nagbalik sa kanya pag...