Twenty-five

26 3 0
                                    

Sumama ako para ipakitang balewala na talaga sa akin ang lahat. Ivy asked me nicely to come with her para tulungan siyang mamili ng gown na susuotin.

Ako lang daw kasi ang nag-iisa niyang kapatid na babae. She asked for my forgiveness nang mag-usap kami. Sino ba ako para patuloy siyang itulak palayo?

Bago kami nagkaroon ng gap, naging tunay na magkaibigan naman kami.

Maybe I just hated her for keeping the truth from me. Pakiramdam ko pa noon, inagawan niya ako ng ama, idagdag pang inagaw niya rin si Arkin sa akin. Pero hindi niya siguro kasalanan ang lahat. Siguro may kung ano lang talaga sa pagkatao niya na mahal ng dalawang lalaking nang-iwan sa akin.

“Sana maging okay na tayo, Bella. Miss na miss na kita.” Aaminin kong naiyak ako sa sinabi niya.

She was really innocent from everything that happened.

Biktima din siguro siya. Lalo na ng charm ni Arkin.

Hindi naman niya kasalanang patay na patay sa kanya ang ex kong iyon.

At para maging okay na talaga kami, pinilit kong ipakita na masaya ako para sa kanila nang halikan niya
sa harapan ko si Arkin.

“Sabi ko na nga ba. Ikakasal din kayong dalawa.”

“Alam mo bang matagal ko nang pinag-iisipan kung oo ba ang isasagot ko sa kanya. Ayoko sana dahil alam kong masasaktan ka. Pero he told me na nakausap ka na niya. And he even asked your permission para sa kasal namin.”

Gusto kong sakalin si Arkin dahil hindi totoo ang sinabi niya kay Ivy. Sa katunayan, itinanggi pa niyang couple pa rin sila. Sinabi din niyang kaibigan na lang niya si Ivy. Mabuti na lang at hindi ako naniwala sa kanya. Mabuti na lang at pinakialaman ko ang cellphone niya at nalaman kong sila pa rin hanggang ngayon.

I smiled instead of saying something stupid. “Sino ba ako para hingian pa ng permiso? Anyways, matagal nang nangyari ’yung sa amin, wala na iyon. I am so happy for you, guys.”

“Totoo?” paniniguro ni Ivy.

“Yes! I actually wanted to introduce you sa sikat na designer na kilala ko. At kung gusto mo, pwede rin kitang samahan sa food tasting. Libre naman ako, eh.”

“Thank you, sis. Gusto ko lang sana na makasama ka ngayon habang dalaga pa ako. I want to spend time
with you. Kung okay lang.”

“Oo naman. Okay lang sa akin.”

Niyakap agad ako ni Ivy pagkasabi niyon kaya nagkaroon ako ng chance na makita ang hitsura ni Arkin.

He looked stiff.

Hindi niya siguro inaasahan na sasama ako kay Ivy.

Hindi ko na lang siya kakausapin hanggang makaalis kami dito dahil baka talagang masaktan ko siya sa
pagsisinungaling niya sa kapatid ko.

Ako ang biglang nahiya sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa. I didn’t deserve Ivy’s love, but I needed to be there to support her at ayokong masaktan pa siya.

Mabuting wala na lang siyang alam dahil wala ring silbi kung lalabas pa ang katotohanan sa mga nangyari sa
amin ni Arking nang mga nagdaang buwan. Masisira lang ang mga plano nilang dalawa.

Ex-zoned (Ebook@Pink&Purple-RawVersion) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon