Chapter 2 (Mr. White Guy)

70 7 1
                                    

Christopher Pov
Ang boring naman dito tamang tambay tingin tingin lang sa taong nag lalakad habang nakasilip dito sa ulap.

"Uuy si Topher nabobored na" - Asar sakin ng mga kasamahan kong Anghel.

Oo tama kayo ng nabasa isa nga akong anghel dito sa Cloudia meron kameng iba't ibang task na dapat gampanan.

Oo nga pala ako si Christopher at dito sa Cloudia isa akong Guardian Angel oras na mamatay ang mga binabantayan namen kailangan namin maghanap ng panibagong babantayan. Dahil oras na mamatay sila kame din ang mag hahatid sa kanila papunta sa dapat nilang puntahan.

"Apaka baduy mo naman Micheal nag hahanap kasi ako ng bago kong babantayan" - Sagot ko sa isa kong kasamahan na anghel.

Bumungisngis naman ito agad. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko. Naglakad na ito agad papalayo at iniwan akong nakatulala. Dahil hindi ko maisip kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Ngunit hindi pa siya nakakalayo bigla niyang sinabi sakin "Saan mo naman nakuha ang salitang baduy? Ikaw talaga kakanood mo yan sa mga tao sigi na ako ay uuna na, babantayan ko pa ang aking alaga"

Napabalikwas naman ako ng tayo at sinundan agad so Micheal sa kanyang pupuntahan.

Sumilip siya sa isang butas ng ulap at dahil napaisip ako kung sino ang kanyang alaga.

Isang dilag ang aking nakita at kakaibang ganda ang kanyang dala. Tipong nabibighani ako sa lahat ng meron sa kanya.

"Topher ang ganda niya no? Siya ang alaga ko kaso napapagod na ko tipong wala na akong magawa sa kanyang ugali. Napakabaet at maganda ang pag aalaga ko sa kanya ngunit dahil sa isang kamalian ay nag bago ang kanyang ugali" - Sabi ni Micheal na para bang nanghihinayang.

"Oo nga napagkaganda niya ngunit naandyan siya sa lugar na ganyan ano nga ba ang maari mo pang gawin pa mapabaet siya." -sagot ko.

Tumayo na ako at naglakad pabalik sa kabilang butas ng ulap kung saan makikita mo ang iba't ibang klase ng tao kung saan sinukuan na ng kanilang mga anghel.

"Gusto ko na din siya sukuan sapagkat wala na akong magagawa na kahit ano." -Sagot ulet ni Micheal sa akin.

Napangiti ako at napatingin ako sa kanya dahil kung mangyari man iyon ay lubos akong magagalak. Maari ko siyang kunin kay Micheal.

"Gusto mo ako nalang ang mag alaga sa kanya?" -Sagot ko dito.

Tumingin siya sa akin na para bang nag dadalawang isip kung makakayanan ko bang mapabaet ang babaeng iyon.

"Wag kang mag alala Micheal kausapin natin ang pinuno ng mga anghel na ibibigay mo siya sakin at ako ang mag babago sa kanyang ugali." -Sagot ko na may lakas ng loob.

Tumango nalamang si Micheal at sinilip ko ulet ang babae at mukang nasa delikadong kalagayan ito. Hindi ko napigilan ang aking sarili at bumaba ako ng lupa.

Hinawakan ko ang kamao ng lalaki na susuntuk sa magandang dilag at halatang nagulat ito. Tatanongin ko sana ang babae kung ok lang siya pero nakita kong nakapikit siya. Humarap na ko ulit sa lalaki at diniinan ko pa ang pagkakahawak.

"Pre pag sabi ng babaeng ayaw wag natin pilitin respeto diba?" -Sabi ko sa lalaking susuntok sa magandang dilag dahil naalala kong kanina ay hinarang niya ito.

"Thank you." - Sabi naman ng isa pang babaeng hindi ko alam saan nag mula.

Binitawan ko na agad ang kamao ng lalaki at napatingin sa magandang dilag. Nakita ko naman nasa mabuting kamay na siya. Umatras na ako ng kaunti nag salita muli ang babaeng nagpasalamat sakin.

"Hindi mo ba alam sino binabanga mo? This is Ina my friend and I am Sylvia! Sylvia Walton!"

Habang nag didiskusyon sila ay tuluyan na akong umalis at bumalik na ulit sa Claudia.

"Topher hindi maganda ang iyong ginawa dapat ay hindi ka basta basta pumunta sa lupa paano kung malaman ng ating pinuno iyon sigur..." -Hindi na natapos ni Micheal ang kanyang sasabihin dahil bumaba na ang pinuno ng mga anghel.

Napayuko agad kame ni Micheal at ang aking tingin ay alam na nito ang aking ginawa.

"Christopher aking ulit nabalitaan na ikaw ay bumaba sa mga tao hindi lamang ito isang besses kung hindi dalawa. Ikaw ay aking pinaalalahanan noong una mo itong ginawa ngunit ngayon ay hindi na kita mapagbibigyan." -Sambit nito.

Yumuko ako at naalala ang aking nagawa noon. "Patawarin niyo po ako sa aking ginawa balak na din po namin na lumapit sa inyo ni Micheal upang ipalipat sa akin ang kanyang alaga." -Sagot ko.

Tumingin lamang ang aming pinuno kay Micheal na para bang nag tatanong kung totoo at tumango ito. Tumingin ulit sakin ang pinuno at sabi. "Osigi ipapadala kita sa lupa at kailangan maayos mo ang ugali nang babaeng iyan sa loob ng isang daan at labing apat na araw. Wag kang mag alala sapagkat ikaw ay mayroon nang matutuluyan at nakahanda na ang lahat."

Tumango lamang ako dahil hindi ko alam kung ito ba ay premyo o parusa. Pinapikit ako ng aking Pinuno at pagkadilat ko ay nakahiga na ako sa napakalambot na kama at puting kisame.
---

A/n I'm really sorry I don't know if maganda yung pagpapaliwanag ko sa part na to.

114 Days That I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon