3rd Person Pov'
"Doc kamusta na po ang anak ko? Baket hindi padin siya gumigising?" -Tanong ng isang babaeng nasa idad 40 habang umiiyak.
Inaantay lamang sasabihin ng doctor dahil dalawang taon na ay hindi padin ito gumigising.
"Misis isang malaking himala na lamang po ang ating iintayin kung didilat pa po ba ang inyong anak dahil base sa aming mga pag aaral ay nasa comatose padin po si Christopher" -Sagot nito.
Napahagulgol na lamang ang babae dahil masyado na itong nag aalala sa anak niya.
Hindi padin nila namamalayan na medyo dumidilat na ang mata ng lalaki sa higaan niya. "Tubig." -Ang unang salitang sinabi nito.
Parehas napatingin ang nanay ni Christopher at ang doctor sa kanya. Napatalon sa tuwa ang babae at tumakbo agad sa kanyang anak.
Habang ang doctor ay tinignan agad ang mata nito. "Ano nararamdaman mo ngayon may masakit ba sayo?" -Tanong ng doctor.
Umiling lamang ang binata ngunit ang sinasabi lang niya ay nauuhaw ito paulit ulit. Kaya inabutan na lamang ito ng kanyang nanay ng tubig. Umalis na agad ang doctor sa ICU at inasikaso na ang paglipat sa Private room.
Christopher's Pov
"Si-sino po kayo?" - Ang nasabi ko nalamang sa babaeng nakaupo.Ngumiti siya ngunit halatang may lungkot sa mata niya. Naguguluhan padin ako parang kanina kausap ko lamang ang aming pinuno pero ngayon andi....
Oo nga pala nahulog ako sa lupa pero sino itong babaeng katabi ko? Ano ang ginawa ni Pinuno ano kaya ang ibig niya sabihin sa "Wag kang mag alala sapagkat ikaw ay mayroon nang matutuluyan at nakahanda na ang lahat."
"Ako ang nanay mo hindi mo ba ako naalala?" -Sagot ng babae sa akin.
Siya ang nanay ko dito sa lupa? Inilagay niya ako sa katawang tao na may pamilya? Ang saya naman nito!!
Maya maya ay may pumasok na lalaki dito sa kwarto at sinabing pwede na akong ilipat sa private room ko.
Habang nililipat ako ay nakita ko ulit yung magandang babae at naalala kong may misyon nga pala ako dito sa lupa. Kaya ang ginawa ko ay sinadya ko pigilan ang gulong ng aking wheelchair.
"May gusto po ba muna kayo puntahan?" -Tanong sakin ng nurse na nag tutulak sakin.
Binulungan ko ang nurse na ako na muna bahala sa sarili ko at tatawagin ko nalang siya kapag kailangan ko siya. Tumango naman ito kaagad at nauna ng lumakad papunta sa private room ko.
Sinimulan ko na iikot ang gulong papunta dun sa magandang babae at hinulog ang sarili sa wheelchair ko.
Ngunit tinignan lamang ako nito at hindi pinansin.
"Ang ganda ng itsura ang panget ng ugali." -Bulong ko sa sarili ko.
Tinignan niya ako ulet at inapakan ang kamay ko gamit ang mapula niyang sandals. "Kung bubulong ka be sure na
hindi ko naririnig at wag ka sakin mag paawa dahil I know your style! Maghuhulog hulogan ka sa harap ko tapos gusto mo tulungan kita? Tapos tatanongin mo pangalan ko? No way!" -Sagot nito sakin."Ina stop it! Wag mong apakan yung paa niya" -Saway ng isa pang babae.
Naalala ko na siya yung may hawak kay magandang Dilag nung muntik na siyang mapaaway. So Ina pala ang pangalan mo ah.
Inalis naman agad nito ang paa niyang nakaapak sakin at tinulungan ako ng babae na umupo sa wheelchair ko.
"Hi I'm Courtney sorry pala sa friend ko kasi ayaw niyang kumakausap sa strangers are you ok?" -Tanong nito sakin.
Tumango naman ako "Sorry Co-Courtney diba?" tumango naman agad siya. "kasi ngayon lang ata ako nakagamit nitong wheelchair kaya hindi ko alam na.."- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Pasensya na kasi yung anak ko kakagising lang galing Coma kaya medyo ganyan." -Sabat ng mama ko sa lupa.
Ngumiti naman agad si Courtney sa mama ko. "Nako wala po yun kayo po Andrea Santiago diba?"-Tanong nito.
"Nako ijah oo ako nga paano mo ko nakilala?"-Tanong ulit ni mama ko sa lupa.
"Ako po si Courtney Ortega nakekwento po kasi kayo sakin ni papa business partners daw niya po kasi ang family niyo sa business namin kaya po kilala ko kayo. Btw nice to meet you po mauuna na kame nag mamadali po kasi friend ko." -sambit nito.
Tinulak na ako ni mama pabalik ng kwarto kong bago. Halatang napasaya siya ng babae kanina. Ano kayang meron sa at ano yung business partners?
Pag balik ko sa kwarto ay pinahiga na ako agad ni mama at chineck ng mga doctor ang paa ko kung kaya kong mag lakad.
"Misis ok naman po ang anak niyo at walang problema kasi kadalasan po sa mga nacocoma ay pagkagising ay hindi na nila maihakbang ang kanilang mga paa dahil sa tagal ng pagkakahiga" -Pagpapaliwanag ng lalaking nakaputing suit.
"Pero doc kanina hindi niya alam kung sino ako?" -Sagot ni Mama sa doctor.
"Misis kadalasan kasi dahil sa nangyari sa anak niyo ay may post trauma na nangyayari sa utak kaya nagkakaron ng mild amnesia yung anak niyo. Kayo lang din ang tutulong sa kanya para maalala ulit lahat ng nakalimutan niya." -Sagot ulit nung Doc.
Tumango naman si mama at tumingin sakin at ngumiti. "Doc! Kelan po ako pwede lumabas ok naman po ako sabi niyo?" -Tanong ko.
"Maari ka na lumabas sa isang araw pag nakita naming ok ka na at walang problemang ipapakita bukas." -Ngiting sagot nung doc.
Inaalalayan padin ako nila mama at mga nurses kapag mag lalakad ako dahil sa takot na baka matumba ako.
Sa buong maghapon wala akong ginawa kung hindi humiga at manood lamang ng TV kaya nung pag dating ng gabi ay may inabot sakin si mama.
"Ayan cellphone mo. Nilipat na namin jan lahat ng sim cards mo at may load na din yan para makapag data ka." -Sagot ni mama.
Binuksan ko agad ang cellphone at ang ganda tignan. Pinaglaruan ko at nag download ng iba't ibang application.
Nag taka ako dahil may mga bagay akkng hindi alam dati pero alam ko ngayon baka dahil hindi sakin tong katawan at ang ibang alam ng katawan na ito ay nagagawa ko din na alam ko. Hay nako Topher ang gulo gulo ng isip mo wag mo na isipin yun.
Nag paalam si mama na bibili lamang daw siya ng dinner sa labas kasi hindi daw siya nakapag luto ngayon. Tumango lang ako at nag lakad na siya sa labas.
Oo nga pala mag papabili ako ng Juice yung kulay dilaw? dahil matagal ko na gusto malaman ang lasa nun.
Naglalaro lang ako sa cellphone ko ng biglang may nag bukas ng pinto baka bumalik si mama.
"Mama bili mo din ako ng Juice na dilaw." -Utos ko.
Sinara naman nito agad ang pinto at hindi na nag salita. Maya maya habang nag lalaro padin ako biglang may nag bato sakin ng Juice na nasa lata. Pag tingin ko si Ina. Pero bakit ano ginagawa niya dito??
BINABASA MO ANG
114 Days That I'm With You
FanficIsang babaeng sunod sa luho at isang lalaking hulog ng langit na may mahalagang misyon. Maisasagawa niya kaya ang kanyang misyon sa loob ng nakatakdang oras o mahuhulog lamang ang loob nila sa isa't isa.