Day 2

35 1 0
                                    

Wag na wag

Wag mong I love you-han kung di mo kayang panindigan,
Wag mong landiin kung di mo kayang panagutan,
Wag mong pakiligin ng panandalian
Wag kang mangakong  mananatili kung sa huli ika'y lilisan.

Wag kang umasa kung ayaw mong masaktan,
Pinakilig ka lang niyan di ka kayang panagutan
Wag mo ring sakyan
Kung alam mong sa dulo ikaw rin ang talunan.

Wag masyadong masaya iho't iha
Yung iba sa una lang magaling pag nagtagal wala na.
Wag umasa sa mabulaklak na salita
Wag paasa sa matamis mong dila.

Wag gawing libangan ang pag-ibig
Sa pag-ibig marami nang nasawi
Pusong naligaw di na alam kung pano umuwi
Pusong wasak nasawak pang muli.

Wag gawing laro ang pag-ibig
Na tila ba batang nasa dalampasigan at nagtatampisaw sa tubig.
Hindi ito habol-habulan tapos ako yung taya
Na hinahabol kita habang hinahabol mo siya.

Hindi rin ito pinoy henyo
Na huhuluaan ko kung ano ba ako sayo.
Wag ka ring pakampante,
Sigurado ka ba na wala yang ibang babae o lalaki?

Wag kang mag-Hi tapos  mauuwi sa isang Goodbye.
Kaya pala! kasi nagsawa na may bago na,
Tapos may nasaktan at nakasakit ka
Tanong mo pa'y " Ano bang wala ako na meron siya?"

Wag sumugal sa pag-ibig na walang kasiguraduhan
Limitahan rin ang "kalandian" para maiwasan ang sakitan
Wag umasa sa taong paasa para sa dulo di ka masaktan.
Wag, wag na wag.

Daily PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon