Hindi na ako tinantanan nang mag-ina hanggang sa makarating kami ng hotel. Nalaman din tuloy ng iba naming mga kamag-anak ang tungkol sa paghingi ni Phil ng number ko. Karamihan sa kanila ay natuwa para sa akin. Pero ang mga matatanda ay nagduda agad. Huwag daw akong padalus-dalos at foreigner daw yong guy. Mahirap na. Baka mamaya raw ay gawin lang pala akong personal maid o di kaya ay ipambugaw ako sa mga kaibigan at kakilala para pagkuwartahan.
Napailing-iling ako sa kanila. Pambihira naman. Tatay kaya yon ni Brian. Kahit papano, mayroon naman siguro yong pagpapahalaga sa pamilya ng anak niya. Kung may gagawing masama sa akin hindi na yon siguro palalampasin ni Alex dahil pamangkin ko siya.
Kunwari'y napatirik ng mga mata si Mariz. Nang tumalikod na si Manag Tisay, ang nangunguna sa pagkontra kay Phil, binelatan ito ng lokaret kong pinsan.
"Palibhasa nalipasan na ng panahon kaya bitter. O, hayan. Nakita mo na? Kapag hindi ka pa kumilos-kilos ngayong may sumisibol na pag-asa, in a few years, you'll be as bitter as Manang Tisay."
"Loka-loka! Marinig ka ng mga loyalista niya," pabulong kong saway at kinurot ko siya ng marahan sabay nguso sa iba pa naming mga kasamahan na aali-aligid pa sa amin.
Sumimangot lang si Mariz at hinatak na ako sa cafe na malapit sa tinitigilan naming hotel. Si Caloy naman ay lumabas na at nagpunta sa katapat na Internet shop.
Hindi pa kami nakakaorder ng kape, tumunog na agad ang cell phone ko. Nang kunin ko ito sa bag, nakita ko ang unregistered number. Kinabahan ako agad. Dios ko! Ito na! Napatitig lang ako sa telepono for like ages. Tinadyakan na ni Mariz ang binti ko sa ilalim ng mesa. Ano pa raw ba ang hinihintay ko? Semana santa? Sagutin ko na raw.
Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang answer button. Ganun na lamang ang nerbyos ko nang marinig ko ang pamilyar na British accent na bumabati ng "hello."
Tumalikod ako kay Mariz. Lalo lamang akong kinakabahan sa mga pakindat-kindat at ngisi niya. Mas kinikilig pa siya sa akin.
"It's good to hear your voice again," narinig kong sabi ni Phil sa kabilang linya. Tumawa pa ito nang mahina. Na ikina-excite ko naman. May kakaibang dating ang tawa niya sa akin. Para akong kinikiliti. Nag-init nga agad ang mukha ko. At di ako nakasagot. Kaya ay tinanong ako kung nasa linya pa ako.
"Yeah. I'm still here," nahihiya ko namang sagot.
"Uhm, I'm wondering if you're free tonight? I was thinking of ---- if it's all right with you, I'd like to take you to dinner," sabi nito. Parang kinakabahan din ang boses niya. Or was I imagining it?
"Oh. Let me check with my cousin for our plans tonight," sagot ko naman at nilayo sandali ang cell phone sa bunganga ko. Actually, alibi ko lang yon. Ang totoo gusto kong sumigaw sa kilig. Pinagpawisan nga ako agad kahit na full blast ang aircon sa loob ng cafe.
"O ano na?" untag sa akin ni Mariz. Excited.
"Iniimbita niya akong mag-dinner daw kami mamaya. Ano'ng sasabihin ko?"
"Susko! Di sabihin mo go! Kamo excited ka nang makita siya uli," nakangisi namang sagot ni Mariz. Kunwari sinimangutan ko siya. Tumalikod ako uli at sinagot na naman si Phil.
"Uhm, o-okay."
Narinig ko uli ang tawa niya sa kabilang linya. Kinikilig din kaya siya?
"I'll pick you up at seven tonight. Will that be okay with you?"
"N-no problem. My hotel is in -----"
"I know. I was there last night, remember? I saw you. You can wait for me in the lobby. See you then."
BINABASA MO ANG
IT'S NEVER TOO LATE (COMPLETED )
ChickLit(THORPE SERIES #4 - A SPIN-OFF OF THE JILTED BRIDE) DAD PHIL AND AUNT LAURA'S STORY ********** "It's never too late for A happily ever after." Lagi iyang sinasabi ng pinsan kong si Mariz. But I did not believe her until I met Phil Thorpe. - LAURA...