Chapter 3

32 1 0
                                    

Sandy's POV

Starbucks.

Sabi, 7am, SHARP.

Anyare? Nganga.

No signs of my ' fake' boyfriend chuvaness na yan. Sabi niya 7am! Male late na ako eh. And dami pa kasing kaartehan eh pwede namang kausapin ako sa phone. Diba? Diba?

"Hoy fake girlfriend."

O_________O

Andito na pala siya! Omg. Bakit.. bakit.. Nagkakasala ang mga mata ko! Gawd. Bakit ang gwapo niya ngayon? Hindi to pwede! NOOOOOOOOOOOOOOO!

"Hoy baluga."

"Ano?! Kailangan may baluga? Aray ha. Ano ba sasabihin mo? Dami mong arte, pwede mo namang sabihin sa pho---"

"SHUT UP." Sabi niya. Ang harsh eh. Sayang, ideal guy ko pa naman siya. Matangkad, gwapo, at.. gwapo talaga. Kumbaga, tall, dark and HANDSOME. Kaso, kung ganyan naman ang ugali, aba! Wag na. I'm not into guys like him. May TASTE ako. Hmp.

"Oh ano? Bakit ang tahimik mo? Sabi mo shut up, wala ka naman palang sasabihin. Tapusin mo na. Kailangan ko pang pumasok. Tss." Sabi ko sa kanya. Ano to? Bastusan? Tch. Hindi naman naimik. Sinasayang niya lang ang aking precious time. Tsk tsk.

"Tch. Oo na, maikli lang naman sasabihin ko eh. After this school year, hindi ka na mag aaral sa dati mong school. Sa school KO na ikaw papasok."

"What?!" Paano na yan. Hindi ko na makikita si Miko. Huhuhu. "Aba! Bakit ako papasok sa school mo?" Sabi ko sa kanya.

"Are you dumb or what?! Syempre para mapag selos natin ang ex ko. We're studying at the same school. Ano yun, ako pa palilipatin mo ng school? Tch. You have no right to do that."

"Tss. No right ka dyan! Bakit naman hindi? Ha! Ako pa pahihirapan mo. FYI, mahirap maging transferee." Sabi ko sa kanya. It's true. MAHIRAP. Duh? Sinong hindi mahihirapan? Walang kakilala, friends, at kung ano man. You'll be a total stranger. As in, STRANGER.

"Wala kang gagawin. I'm famous, just so you know. At kapag nag transfer ka doon at nalaman nilang girlfriend kita, you'll be famous, too. Tsaka, hindi mo na kailangang magbayad ng tuition fee. Ako na bahala dun. At base sa mga nakalap kong impormasyon about you, you're unknown. I'll make you famous, and rich. Don't you want that?"

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon