Chapter 2

728 23 13
                                    

Drake's POV

"Bro paabot nga ng chips" sabi ni Nathan. at inabot ko sakaniya yung chips.

"Salamat. " at kumain na naman siya. Takaw nman neto.

"Tahimik mo" sabi ni Austin.

"Ay hinde. Yung nasa likod mo pre. Yung multo." sabi niya.

Binato ko muna ng unan " Loko. Naisip ko lang si Toothless." At nagsitawanan yung dalawa "Anong nkakatawa dun ?"

"Toothless again. Bukambibig muna siya ah. Napapaghalata ang pre." sabi niya Austin.

"Pero wala pa rin pinagbago yung babae na yon eh. Sadista pa rin kahit kailan. Naalala mo nun. Nung binato ka niya ng soccer ball. HAHAHAHAHA" sabi niya Nathan.

At natawa rin ako yung naalala ko.

*Flashback*

4th year highschool palang kami. And andoon kami sa field, kakatapos lang magpractice ng soccer. Nagtatawanan kaming tatlo nila Nathan at Austin... At kami nlang natitira sa field. Dahil hinihintay namin sila Louise.

BOOGGSSSHHH !!!!

Natamaan ako ng bola sa ulo. Putek nman oh !!!

"Pre ayos ka lang ?" tanong ni Austin. Ayos rin ito noh. 

"Sa tingin mo ha ?!?! Natamaan na nga lang ng bola eh" fuckshit masakit talaga eh.

"Bwisit ka talaga Nicholas Drake Monteverde!!!!" rinig kong boses ni Louise.

At binatukan na naman ako. Takte sadista nito ah. "Bwisit ka. Bakit mo pinakialaman yung na Diorama ko ! Ang hirap non eh. Final Project ko pa yun sa Social Studies eh !" at nakatanggap na naman akong isang batok. At pinalo palo na ako.

"Aray namn Toothless eh. Binato muna nga ako bola. Binatukan at pinagpapalo muna pa ako." sabi ko sakaniya. At hinarangan ko nlang yung ulo ko gamit ang kamay ko.

Pinigilan at hinawakan nila Austin at Nathan si Louise. Nakisali na rin si Laureen. 

(Author's note: Wala po jan si Sophia dahil naging bestfriend lang nila Lou at Lau nung College na sila)

"Kalma lang Louise. Puso mo" saway ni Laureen sakanya.

"Eh kasi siya eh. Pagtripan lang niya ako pero wag lang mga projects ko !! Paano yan sa Monday na ang deadline eh. Bagsak na ako sa Social Studies ah !" nagtatantrums na namn si Louise.

Bumaling saakin si Laureen " Bakit mo namn kasi pinakialaman yung Diorama niya ?"

Umupo ako ng maayos. At may binigay saakin si Austin yung ice na nkabalot sa panyo. "Eh kasi po ayaw niya akong tulungan sa project ko sa Geometry eh !" 

"Eh diba sabi ko sayo, maghintay ka ! Kasi ginagawa ko pa lang yung sketch eh ! Kitnana Drake." at nakawala siya kila Austin at aakma na naman susugod sa akin.

Humarang agad si Laureen "Hep ! Hep ! Tama na Louise. Ganito nlang, gagawin ni Drake yung diorama mo. Pero gagawin mo rin yung project niya sa Geometry. Clear?" Tumango ako. Pati siya. At umalis na sila ni Laureen.

"Halika na. Uwi na nga tayo. Lagot ka kay Mama mo yan"

*End of flashback*

"Ey, Tulala nnman si Nicholas." sabay tawa ng dalawa kong kasama. 

"Don--"

DINGDONG ! DINGDONG !

"May inaasahan ba tayong bisita ?" takang tanong ko.

"Kung buksan muna kaya. Malay mo si Louise pala yan. Yieee" sabi ni Austin.

"Ulol" at binato ko siya ng unan agad. At tumayo na ako, binuksan ang pinto......

------------------------------

ello. Sarreh ngayon lang nkaupdate ulet. Peace tayooo.

Kakatapos lang ng exam ey.

Pero sino kaya yun ?? Abangan ang next chap. :DD

XOXO Jeeyymm.

 

My Ex-Boyfriend is my HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon