Hello po ! Sorry ngayon lang naka-update. Medyo busy lang dahil sa paper works sa school. And itong chapter na ito ay isang mahabang update para sainyo. Sorry kung sabaw at sa typos. Enjoy !
----------
Louise's POV
Hinatid na ako sa bahay namin nila Drake. Ewan ko ba sa lalaki na ito bigla bigla na lang manghihila at magpapaalam na hihiramin ako. Ganern ano ako laruan ? Tss. Tapos makahawak ng kamay kala mo kami. Nambwibwiset ba itong lalaki na ito ? -___-
Bago pa kami makapasok at buksan niya ang pinto. " Drake yung kamay ko."
" Sorry."
" Ayos lang." at nagsmile ako sakanya at binuksan niya ang pintuan. At nadatnan ko si Mads busy sa tv. " Hey Mads." at umupo ako sa tabi niya at tumaas muna si Drake.
" Hey Ate" masiglang sabi niya.
" Good Mood ata ngayon si bunso ah?"
" Nakakatawa itong We are Millers eh." at nakinuod na rin ako. Kahit hindi ko medyo naiintindihan ang movie. Nyeee !
At bigla nalang may umupo rin sa tabi ko. " Hey Toothless." At bigla nlang nanhahalik sa pisngi at umakbay saakin. Yan tuloy nasapak ko sa mukha.
"Eh bakit ka kasi nanhahalik. Tayo ba ha ? Tayo ? Tss." At inirapan ko nlang siya. At bigla nlang ngumingiti ng nakakaloko si Maddie.
" Yieeeee. May dapat ba akong malaman?" Tanong niya with creepy smile. Ghad ! This kid is getting crazy !
" Wala/Meron"
" Ay dumedestiny ! Sabay lang ganon." Pang-aasar ni Mads sa amin. Masasapok ko na talaga itong magpinsan :3
" Tumahimik ka jan Maddie. Masasapok kita."
" Sungit mo Ate. Kuya Drake may dalaw ba yang nobya mo ?"
Anong Nobya ?!?! Tss.
" Ewan ko nga eh. Basta nalang nagsusungit. " sagot naman nitong Mokong na ito.
" Anong nobya. Eh hindi ko siya boyfriend eh. Never !" Depensa ko.
" Defensive mo babe." Sabay yakap saakin. Bakit ang clingy niya ??
DUB DUB DUB DUB *heart beat kunyari* Jusme ! Puso ko kumalma ka!
" Ano ba Drake. Magpapalit pa ako." At pumipiglas ako sa yakap niya eh. Yung mga muscles niya Jusko.
" 5 minutes. Payakap lang." At hinayaan ko lang. At saka narealize ko na nakajersey shorts siya. Magbabasketball ba ito ?
At si Maddie naman parang baliw na kinikilig habang nakatitig sa phone niya.
" Hoy Mads. Anyare sayo ? Gusto mo dala kita sa Mental Hospital ? Para kang tanga jan na kinikilig eh."
At pinakita niya saakin yung picture namin dalawa ni Mokong. Nakayakap siya saakin at habang ako nkasimangot na pumipiglas sa yakap niya. "Yieeeee. Ayan ba ang hindi magsyota ha ?! Post ko ito sa FB."
" Isa wag ! Ayoko ng ma-issue dahil sa Mokong na ito. At pag nalaman niya ni Kuya ko. Jusko ! Masasapak kita."
" Brutal mo naman babe kay Mads." At dahil don sa "babe" Nasapok ko siya sa ulo. " Aray naman babe !" At aakma na akong sasapakin ulit ulo niya. " Oo na titigil na" at hinihimas niya yung parte ng ulo niya na nasapak ko yata ng todo todo. At halata sa facial expression niya nasaktan talaga siya ng bongga bongga.