Deyn Alleva

60 3 1
                                    

Hello po. Ako si Deyn Alleva isang babaeng laging umaasa sa crush kong si Alex Cruz.

Yes! Simula elementary palang. Yung tipong kahit na anlayo ng school na lilipatan nya, Aba! Lipat bahay din kami noh HAHAHA

Grabe na ang effort na binibigay ko sakanya.

Una, nung elementary kami pinalitan ko yung pangalan niya sa test paper ko dahil narinig ko na hindi siya naka pagstudy. Kaya ang labas? Ako yung bagsak hehe.

Pangalawa, yung project namin sa high school. Yung bote nya ay aksidenteng nabasag kaya habang di pa nya nakita yung basag na bote nya pinalitan ko agad nung akin. Kaya ang labas? Pinalabas ako ng teacher ko habang sila'y nagkakatuwaan sa mga project nila.

Pangatlo, college na kami. Which is the present. Siguro naman sa nagbabasa neto kung meron man eh nakwento o natanong nyo na sa mga parents nyo kung gaano kahirap at iniiyakan ang college diba? Oo nakakaiyak talaga. Pero kahit gaano kahirap tinitiis ko para kay Alex. Paano? Nung panahong absent lang naman sya eh ako gumawa  ng thesis nya, ng assignments nya at ng kung ano-anong gawain basta pag absent sya.

Grabe ako mag effort diba?! Oh ako na ang dakilang MARUPOK. alam ko po yon.

Actually, hindi ko rin alam kung bakit. Alam mo yung nagugulahan ka kung bakit ka mag effort nung elementary ka palang? HAHAHAHA nakakaloka.

At kung nagtatanong kayo bakit hindi parin nya ako napapansin?

Common na siguro to sa ibang storya ng buhay nila...

Dahil mayaman si Alex Cruz. Hindi lang sya simpleng tao na pwede mo lang patirin sa tabi-tabi.

Pero hindi naman sya yung supladong type. Simple lang sya pero ewan ko ba, ang hirap nya kausapin, alam mo yon?

Di na siguro crush ang tawag dito. Should I call it LOVE?

Ga-graduate na ako ng college pero sya parin.

Hmmp! Makaalis na nga lang dito sa kobeta! Ang ganda ng salamin pero ang bantot dito!

Habang naglalakad ako...

Nakita ko ang aking man of my dreams!

NAKITA KO SI ALEX CRUZ!

Siya pa nga rin talaga.

Ba't ang hirap mong kalimutan Alex?

Tantanan mo na ang puso ko.

Ang hirap ng umasa.

MAKAUWI NA NGA! HAHAHA OO UWIAN NA MGA BESHIE HAHAHA

*BAHAY

"Mama! Andito na po ako!"

"Oh anak! Kamusta ang school mo?"

"Ayos lang ma. Nakita ko na naman po sya."

"Tss tumigil ka nga Deyn Alleva, nakooo! Masasaktan ka lang nyan eh"

"Ma naman eh baka naman diba? Yung mga binabasa natin sa wattpad diba ganun din? Langit at lupa sila pero sila ang nagkatuluyan"

"Deyn? Alam mo naman na may iba pang dahilan jan diba? Hindi tayo magtatagal dito. Kung dati ay pinagbibigyan kitang sundan siya, ngayon hindi na. Mahirap mawalan, anak."

Nawala yung ngiti sa labi ko.

"O-opo ma. A-ah ma sa kwarto muna ako sasamahan ko si Ate. May assignment pa akong gagawin"

Hindi ko nalang muna inintindi yung sinabi ni mama at sinearch ko nalang muna si Alex para mang stalk. HAHAHA dakilang stalker din pala ihh.

[ Alex Cruz ]

🔍 Alex Cruz
🔍 Alex Cruz
🔍 Alex Valdez
🔍 Alex Milla
🔍 Alex Hill

Bakit dalawa ang name nya sa recent searches?

Pinindot ko yung isa na hindi ko friend sa facebook.

(BIO)

Second Account ❤️

Pero ang BIO nya sa isang account ay official accout.

Ano ba yan!

Tinignan ko yung last post

May 29, 2011

Sobrang tagal na. Legit account nya kaya to? Bahala na basta e a-add ko.

(Tinawagan ko si Riva na kapitbahay nila at best friend ko, tinanong ko kung legit yung isang account nya)

Sabi ni Riva Oo! Ginawa daw yun ni Miko na pinsan ni Alex at minsan na daw yung ginamit ni Alex!

OMGGG!!!!!

{Add}

Pero may second account rin yung mga pinsan ko at nagsawa rin sila sa Second Accout nila. Baka nagsawa na rin si Alex dito.

Haysstt!

Habang nag s-scroll ako, nakita ko yung post ng PaTaMa Page.

"Paano bang sekretong umamin sa crush natin?"

Comments:

Aba! Punta kayo sa cr HAHAHAHA

Syempre gagayahin ko si Zoe na inamin kay Ken habang NAGWAWALIS hahahaha

Bibigyan ko ng sulat ng hindi sinasabe ang pangalan ko

Tahimik na lang ako hAhAhA

Pero may isang comment na nakakuha ng 11.4k reacts/likes at 756 comments.

Na nakakuha rin ng atensyon ko

Sasabihin ko sa second account niya kung saka-sakaling meron. Dahil marami nang nagsasawa sa second account kaya minsan hindi na nila ito ino-open kaya masasabi mo dun ang nararamdaman mo ng wala syang kaalam-alam.

HMMM..INTERESTING AH?

Second Account _ deynyeeelllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon