The Account

26 3 0
                                    

Deyn's POV

Siguro naman tama yung ginawa ko.

Kung saka-sakaling malaman niya, ano kaya magiging reaksyon nya?

Syempre block agad.

Oo, tinuloy ko yung tungkol sa second account. Sinabi ko sa kanya ang lahat.

NAKAKAPAGOD MAGTIIS

*SCHOOL

Napapaisip ako.

Paano kaya kung tanungin ko siya about sa second account nya? Nahhh baka dedmahin nya lang......

PERO GUSTO KO UMAMIN! BAHALA NA!

WALA NAMANG MAWAWALA EH.

Pumasok na ako sa room namin at sabay kaming pumasok ni ALEX! Kaya nagtagpo yung mga braso namin.

"Sorry" sabay naming sabi.

Ba't ganun? Di sya makatingin ng diretso?

Di siya sincere?

Ahy ano bayan deyn! Asa pa!

Oh baka naman NAHIHIYA siya sakin?

Hmmmm...

Napatingin ako sa upuan ko.

Inupuan ni Riva!

"Hoy alis ka dyan!"

"Deyn naman eh! Tabi muna kami ni Miko! Miss ko na yung boyfie kooooo"

Ayan late kasi kahapon kaya hindi sila magkatabi, TSK. TSK.

"Tss alis!"

"Ito naman oh!"

Sumilip-silip ako ng bakanteng upuan para dun paupoin si Riva

WAHHHHHHHH!!!! KATABI NI ALEX?

"Oh sige na--"

"A-ahh hindi-hindi dyan kana ok lang! Sobrang ok lang talaga sige na salamat tabi muna kayo ng Miko mo geh!"

Naglakad ako ng mabilis oa sa pagong! HAHAHAH

O to the M to the G! Magkatabi kami ni Alex! Wahhhh mama mababaliw na ako!

*Discuss

*Discuss

*Discuss

*Uwian!

"Mr. Cruz and Ms. Alleva, please stay" sabi ng lecturer namin

Halaaa bakit kayaaa?

"Miss? Bakit po? May problema po ba?"

"Nothing Ms. Alleva, napansin ko na matataas ang grades nyong dalawa, kaya napag-isipan ko na kayong dalawa ang magiging representative ng section nyo for the Search for Mr. and Ms. Zeyes Academy."

"Po?!" sabay naming sabi.

"Yes! No buts! See you!"

Napabuntong hininga nalang ako.

NAIWAN KAMING DALAWA NI ALEX.

IT'S NOW OR NEVER DEYN!

"U-uhmm A-Alex a-ahh pwede ba kong m-magtanong?"

Napatulala siya.

Sana naman sumagot sya.

"S-Sure"

Talaga!? Hindi niya binalewala ang sinabe kooooo.

"A-ahh y-yung second account m-mo ba, ino-open mo p-pa rin?"

"Ah, h-hindi na eh. N-Nalimutan ko yung password. B-Bakit?"

"ALEX, SANA MA OPEN MO YUNG SECOND ACCOUNT MO PARA MALAMAN MO YUNG NARARAMDAMAN NG ISANG TAO PARA SAYO."

At tuluyan na akong umalis sabay ang pag bagsak ng mga luha ko.

                      ****

Malapit na ako sa bahay

Pero napahawak na lang ako sa puso ko at naramdaman ang sarili ko na nakahiga na sa kalsada.

Mahal na mahal kita Alex Cruz.

Second Account _ deynyeeelllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon