Email and Password

22 3 0
                                    

Alex's POV

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Masaya kasi nakausap ko siya.

At the same time,

Kinakabahan ako tungkol sa second account na sinasabi nya

Anong meron?

*FIVE YEARS LATER

5 years na ang nakalipas at successful na ako.

Simula noong pag-uusap namin. Hindi ko na sya tuluyang nakita.

Siya parin talaga since ELEMENTARY.

Atleast iisipin ko nalang na pareha na kaming naka successful. Kahit masakit isipin na imposibleng makita ko pa sya.

*BAHAY

Ang kalat ng kwarto ko! Makalinis nga!

Habang naglilinis ako, nakita ko ang isang maliit na lumang papel na may nakasulat na.

Email: alexcruz354268@yahoo.com

Password:
354268cruzA

Nanlaki ang mata ko! Ito ba yung email at password?

Ng SECOND ACCOUNT ko!?

Agad kong binuksan ang laptop at nilog-in ang account na yun

               Signed in✓

Ito nga! Pumunta agad ako sa messages at binuksan agad ang message ni Deyn

2019 na ngayon pero 2014 pa ang message nya.

_____________________________
From: Deyn Alleva (June 3,2014)

Hi Alex! Ako nga pala yung classmate mong si Deyn Alleva^_^.

Alex, gusto ko lang ipagtapat ang nararamdaman ko para sayo. Oo MAHAL KITA Alex sobra. Simula elementary palang.

Ako yung nagchange ng name natin sa test paper nung elementary palang tayo kaya ikaw yung pasado.

Ako yung babaeng nagchange ng bote natin nung high school dahil ayokong ikaw ang palabasin ni teacher dahil nabasag ang bote mo nun.

Ako yung babaeng nagpapataas ng marka mo ngayong kolehiyo.

Alam mo ba Alex ang daming effort ang ginawa ko sayo. Hindi ko alam bakit ko ginagawa yun pero  basta ewan ko HAHAHA:-D KAHIT DI MO AKO MAPANSIN-PANSIN.

Nung lumipat ka nong high school. Sobrang nalungkot ako kaya sinabe ko kay mama na sundan ka. Umiyak pa ako sa harap ni mama.

Gustong-gusto talaga kita simula elementary palang pero nahihiya ako sa kasi langit ka at lupa ako.

Gusto kitang lapitan habang nilalampasan mo ako.

Gusto kitang kausapin habang kausap mo si Miko.

Gusto kitang mahalin pa kahit ang sakit-sakit na.

Pero never akong nawalan ng pag-asa. Basta para sayo kaya kong tiisin.

If ever di mo na basa ang message ko sayo. Ok lang dahil di rin naman ako magtatagal sa mundong ito.

I LOVE YOU ALEX CRUZ.(。♡‿♡。)
_____________________________
                                   (Seen✓)

Anong ibig sabihin nyang hindi na sya magtatagal sa mundong ito!?

Tumakbo ako papunta sa bahay nina Riva.

"Riva! Please open! Si Alex to"

"Oy Alex! Napunta ka? Ba't ang putla tapos para kang galing umiyak? Sa yaman mong yan? Umiiyak ka pa---"

"Bigay mo sa akin ang address nina Deyn right now! Wala nang pero-pero"

Biglang nawala yung ngiti nya.

"Sigurado ka bang handa ka? Eto yung address"

"Anong ibig mong sa---"

"Gotta go! Matutulog pako disturbo ka eh."

Kinakabahan ako.

Second Account _ deynyeeelllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon