Uno

22 4 6
                                    


"Papa, Wag mo kaming iwan! Huuhuhuhu"

Isang nagmamakaawang turan nang dalagang si Nazarene ang tanging maririnig sa bawat sulok ng tahannag iyon.

aalis na kasi ang kanyang ama. Pagkatapos nito kamkaming ang ariarian nang kanyang maysakit na ina ay nag alsabalutan ito at ngayon nga'y aalis dala ang lahat ng pera na mula sa pinundar nang kanyang mama.

Nagagalit siya dito, ngunit pinalaki siya nang kanyang ina na laging pinapaalala na wag mag tatanim nang kahit ano mang sama ng loob sa kanyang ama, Kaya't kahit ano atang galit niya'y nananatili parin ang kanyang respeto at pag mamahal sa kanytang ama.

Lumaki kasi siyang nag hahangad na makapiling muli ang ama , lagi niyang hinihiling sa diyos na sana'y bumalik ito't matauhan na sa kanyang nagawang kasalanan sa kanayang mama.

Dininig naman ng panginoon ang kanyang dasal ngunit ito nga't hindi parin ito nag bago't at tumalikod sa kanyang kasalanan.

Matagal na panahon na kasi sila nito iniwan at sumama sa ibang babae. Ngunit bago iyon ay kinuha muna nito ang natitirang ipon ni mama sa banko mula sa kanyang mga investment sa ilang kilalang kompanya. Bata palang kasi ito'y na expose na sa mga pagkakakitaang bagay kaya ang kanaynbg naipong pera habang nag aaral ay ginamit niyang puhunana upang mag invest sa negosyo.

Nagmula ang kanyang ina sa mayamang angkan ngunit simula nang sumama ito sa kanyang ama'y itinakwil ng kanyang buong angkan. Nagalit kasi ang mga ito dahil walang ibinat bat ang kanayang ama sa kahit na sinong lalaking inerereto sa kanayng mama. Bukod kasi sa mula ito sa mayamang angkan na biglang naghirap dahil sa iba't ibang kaso ay isa din itong babaero.

Nang minsa'y tinanong niya ang kanyang mama kung bakit nito minahal ang kaniyang papa ay naturang ngiti at kaunting salita lamang ang kanyang sagot

"love is blind, anak"

Na kahit hangang ngayon ay hindi niya lubos maintindihan. Oo't Malaki na siya ngunit labis parin niyang ipinag tataka kung bakit nagiging bulag ang isang tao sa pagibig katulad ng kaniyang mama.

Gusto man niyang unawain ito'y hindi talaga ma proseso nang utak niya ang dahilan. Siguro sa takdang panahon ay malalaman niya rin ang dahilan ng kaniyang ina.

****

Kahit anong pag mamakaawa niya ay hindi siya pinakingan nang ama. Hindi kasi ito na tinag sa kanyang pagmamakaawa,

Ang perang kinuha nito ay iyon sanang perang susi upang magamot na ang kaniyang inang kasalukuyang nasa ospital. Malubha kasi ang nagging sakit nito, Matagal na pala nitong iniinda ang karamdaman ay todo kayod parin ito upang matustusan lamang ang kanilang pangangailangang mag ina.

Ang sabi pa ng doctor ay hindi maaaring operahan ang kanyang kritikal na ina hanga't wala siyang pera. Kaya't dali dali siyang umuwi at nagisip nang paraan.

Ngunit ikina gimbal ng kaniyang buong Sistema nang Makita ang kaniyang ama na nakaupo sa kanilang sala na may dalang isan bag na Malaki. Umuwi daw ito upang tulungan silang mag ina na siyang ikinatuwa niya.

Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon.Kaya't nagpapasalamat siya sa panginoon na binigyan siya nang sagot sa kaniyang problema.

Ngunit mali pala.

Oo nung una ay tinunlungan siya nito Lalo na nang mag hanap sila nang mga ari-arian ng kaniyang ina, Naghanap din ito nang paraan upang makuha ang natitira nitong ipon sa bangko nitong nakalipas na taon galling sa ilang investment. Ganun din ang pag bebentahan ng mga ari arian .

Labis ang tuwa niya nang maging sapat na ang kanilang pera upang matugunan ang operasyon nang kaniyang mama.

Ngunit niloko lang pala siya nito.

Nalaman pala nito na nagkasakit ang ina kaya ninais nitong makuha ang natitirang pera. Gusto nitong makuha maging ang pera nitong matagal na inipon nang ina para sa kinabukasan niya.

Naglaan din pala ito ng pera para sa kaniyang kinabukasan , Ngunit wala ng pera.

Kinamkam na ng kaniyang walang pusong ama.

Gusto niyang sumabog sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang tumingin sa isang family picture na nakasabit sa kanilang sala.

Ang ngiti nang kaniyang ina, Ayaw niyang mawala ito't hindi na muling masilayan.

Isang masayang ina ang makikita sa larawan, Kalong nito ang dalawang taong gulang na siya.

Makikita ang kakaibang ning ning nang kanilang mata habang nakatingin sa camera, Maging ang kaniyang ama'y ganuon din.

Nag nining ning ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaniyang pamilya. Hindi man ito naka ngiti sa larawan ay makikita naman sa mga mata nito ang labis na kasiyahan .

Kaya't hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa silang lokohin at iwan nang kaniyang ama.

Ang sabi nang ina'y mabait ito ngunit sa ipinakita nito'y mukhang kasinungalingan ata ito.

****

Tumayo na siya upang ligpitin ang kanilang mga gamit. Hindi narin kasi nila pag aari ang bahay na kanilang tinitirhan. Maging ito kasi ay ibinenta niya upang mapagamot na ang kaniyang mahal na ina. Ngunit dahil sa gahaman niyang ama'y nagsisi siya na pati ito ay dinamay niya sapag bebenta.

Nais man niyang mag mukmok lamang sa isang sulok ngunit baka dumating na ang mga taong pinag bentahan nila nang bahay kaya't kailangan na niyang kumilos para ligpitin ang mga natitirang gamit.

Wala narin pala silang mga kagamitan sa loob nang bahay kaya't mas mabilis narin siya makakapag ligpit.

Maging ang TV kasi at iba pang appliances na ipinundar nang kaniyang ina ay hindi nakaligtas sa kaniyang amain.

Gusto man niyang maawa sa kanilang kalagayan ay hindi ito ang tamang oras para sa ganitong bagay. Kailangan niya pa kasing b alikan ang ina sa ospital upang maalagaan.

Matapos maayos ang iilan nalang nilang gamit ay inilibot na muna niya ang kaniyang mata upang tignan ang buong kapaligiran.

Baka ito na ang huling pagkakataon niyang masilayan muli ang lugar kung saan siya lumaki.

Nakaka lungkot isipin na mawawala na sa kanila ang kinalakhang bahay. Nung una ay ayos lamang sa kaniyang mawala ito para lamang maipagamot ang ina ngunit ngayon ay nang hihinayang na siya sapagkat wala silang napala.

Nawalan ng katuturan ang pag benta sa kanilang bahay.

Lumabas na siya nang makuntento sapag matyag sa paligid. Nakita pa niya ang ibang mga kapitbahay nan aka silip sa kanilang gate.

Kalat na marahil ang nangyari sa kanilang pamilya. Mabilis talaga kumalat ang balita lalo na sa mga tao sa kanila. Mga tsismosa kung baga

Konting pangyayari lamang sa knilang lugar ay kumakalat na sa boong barangay. Nakaka asar mang pakingan ngunit ganun talaga ang kanilang lugar.

Mababait naman ang kanilang mga kapitbahay lalo na't makikita mo ang pagtutulungan, Pag bibigayan at pakikipag kapwa tao na lubos na kinatutuwa nang mga bagong salta sa lugar.

Madalas din na nag kakaroon nang salosalo sa lugar kahit walang okasyon , May mga sayawan kantahan at kung ano ano pa na tiyak na mamimiss nito.

Nakakalungkot man ay kailangan na lamang niya tangapin, Kailangan narin niyang maghanap nang iba pang matutuluyan dahil hindi naman siya pwede sa ospital na tinutuluyan nang ina.

Hindi niya alam kung saan kukuha nang pera upang matugunan ang gastos sa ospital ng ina.

Sunud sunod na ang mga problema kaya't hindi na niya alam kung ano pa ang uunahin.

Hindi rin niya alam kung kanino siya mang hihingi nang tulong para matuloy ang operasyon nang kaniyang mama.

"Paano na ba ito?" piping usal niya. Nais man niyang tumigil sa pag aaral ngunit magagalit sa kanya ang ina.

Nung minsan kasi silang magkausap ay pina ngaralan siya nito tungkol sa kung gaano ka importante ang edukasyon kaya't alam niyang magagalit ito pag tumigil siya sa pag aaral.

Hindi na talga niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.

NAZARENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon