YOU MAY ENCOUNTER ERRORS AND MISS SPELLINGS,
PLSSS BARE WITH ME AND MY STORY
KAMSA!
****
Habang papunta sa kwarto nang kaniyang ina'y ay bumabalik sa kaniya ang mga pangyayari kani kanina lamang.
Ang kawalang hiyaan nang kaniyang ama at ang hindi kilalang mga kalalakihan na pilit siyang pinapasama sa kaniya dahil utos daw nang nakakataas.
"what the heck!" hindi niya mapigilang usal sapagkat hangang ngayon ay naguguluhan parin siya sa lahat nang mga nang yayari. Nais man niyang intindihin lahat ay parang sasabog na ang kaniyang ulo sa lahat nang kaniyang iniisip, kaya't wag na lamang.
Batid niyang mas lalo lang siyang maguguluhan kapag pinag pilitan niyang intindihin ang mga pangyayari.
Ilang sandal pa'y narrating na niya ang silid.
Naroon ang kaniyang ina. Nakaratay sa malaking puting kama at hangang ngayon ay wala paring malay. May iba't ibang tubo rin ang naka kabit ditto upang masigurong ligtas ito't wala sa kahit anong kapahamakan.
Kasalukuyan kasing dinaranas nang kaniyang ina ang hindi niya mawaring sakit. Ang sabi kasi nang mga doctor ay kinakailangan maampatan ang butas na mayroon ang ina upang maka daloy nang maigi ang hangin at dugo sa kaniyang katawan. Habang tuma tagal daw ay lumalaki ang butas kaya't mas lalong delikado ang buhay nang ina.
Ang sabi din nito'y matagal nang iniinda nang kaniyang ina ang sakit, Ito daw ay sakit na niya mula pa nang siya ay isilang .Kaya't lubos niyang pinag tataka kung bakit hindi ito pinagamot nang ina kung alam niya nung una palang ay may sakit na.
Naaawa siya sa kaniyang ina, alam niyang dahil sa kaniya kaya hindi ito kumonsulta man lang sa kahit anong clinika o doctor. Marahil nang hihinayang ito sa perang gagastusin. Nasa kolehiyo na kasi siya't malapit nang magtapos sa kursong accountancy, marahil lagi nitong iniisip na mas kailangang ang pera para sa kaniyang iskwela kaya miski ang pagbili nang simpleng painkiller para mawala ang sakit na nararamdaman ay hindi niya bilili Kailan man.
Gusto na niyang mag trabaho upang matugunan ang kanilang pangangailangang pinansyal ay hindi maari dahil wala na siyang oras dahil halos iginu gugol na lamang niya lahat nang oras sap ag aaral.
Masyado kasing demanding sa oras ang kurso.
Ngunit hahanap siya nang paraan upang ma operahan ang kaniyang mama. Hindi siya titigil.
Kakainin na niya ang kaniyang pride para sa ina.
Kahit siguro kumapit siya sa patalim ay gagawin niya.
Maya maya pa ay dumating ang doctor nang kaniyang ina.
Kinakabahan siya sa mga maaaring ibalita nito tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina.
Parang ayaw na niyang makarinig nang kahit ano pa tungkol ditto dahil mas bumibigat pa ang kaniyang puso sa kaalamang maaring ikapahamak ito ng kaniyang mama.
"Tatapatin na kita miss. Kapag hindi natin ma ooperahan ang iyong ina sa lalong madaling panahon ay ikamamatay niya ito. Mas lalo pang nagiging komplikado ang kaniyang lagay habang tumatagal. Kaya't kung maari ay kailangan nap o siyang maagapan. Paki bayaran narin yung balance niyo sa ospital , salamat!"
Mas lalo atang sumakit ang kaniyang ulo sa narinig. Hindi niya alam kung ano na ba ang kaniyang uunahin dahil sa tingin niya ay kailangan niyang pagsabay sabayin.
*May pasok siya bukas
*Kailangan niya nang matutuluyan
*Kailangan niyang hanapin at kunin ang kanilang pera mula sa walang hiyang amahin
At ang kailangan niyang bayaran para sa operasyon nang ina maging ang hospital bills.
Hindi na talga niya alam kung ano ang kaniyang uunahin.
Nang hihina siya dahil sa problema, feeling niya ay babagsak na siya ano mang sandali sa kaniyang pinagkakatayuan.
Nais na niyang sumuko ngunit naririnig niya ang tinig ng kaniyang ina
"Wag na Wag kang papatalo sa kahit anong problema anak, lagi mong tatandaan na mas Malaki ang Diyos kaysa sa kahit anong problema na ating kinahaharapan."
At alam niyang tama ang kaniyang ina. Kailangan niyang mag tiwala sa may kapal dahil siya lamang ang may hawak sa buhay ng ina.
Alam niyang hindi siya pababayaan nito sa kahit anong kakaharapin niyang pagsubok.
~~~~~~~~~~~~
*TOOOOOOOOTTOOOOOOOOOOTTTTT
Isang malakas na nakakabinging tunog ang gumising sa di kalaliman niyang pag tulog. Mula ito sa makina na naka kabit sa kaniyang ina.
Matinding pangamba ang kaniyang nararamdaman , Huminto ang kaniyang mundo nang Makita ang kulay berdeng straight line mula sa makinang nag iingay.
"Hindi maari"
Hindi! Hindi pwede!
Kailangan pa niya ang kaniyang ina. Hindi maaring mawala ito sa piling niya.
Kailangan niya ito kahit sap ag tanda niya . Hindi ito pwedeng umalis sa tabi niya lalo pa't nangako itong aakyat silang dalawa sa stage sa kaniyang pag tatapos.
Dumating ang mga doctor ilang sandal pagtunog ng makina.
Kailngan niyang humanap ng paraan upang umayos na ang lagay ng kaniyang ina, Hindi niya hahayaang wala siyang gawin para sa ikagagaling nito.
Kahit kainin na niya ang kaniyang pride gumaling lang ang ina ay gagawin niya.
Kahit ano mang paraan ay gagawin niya
Halos masubsob na siya sa bilis ng kaniyang takbo upang tahakin ang labas ng ospital. Hindi na niya inantay kung ano ang sasabihin ng doctor dahil alam niyang ganun parin naman ang lagay ng ina.
Kaya't kailangan niyang gumawa ng paraan upang mabago ito.
Swere niya't may naka parading tricycle sa harap ng ospital kaya't sumakay kaagad siya papuntang terminal.
Pupuntahan niya ang pamilya ng ina. Nang sagayon ay matulungan niya na gumaling ang ina.
Wala siyang pakialam kung magmukha na siyang desperado o mukhang pera sa paningin nila.
Basta't gumaling ang kaniyang ina.
Kailangan niyang gawin ito para sa kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
NAZARENE
General Fiction"Tama na! ayaw ko na!" hindi ko na talaga kaya Sapat na siguro ang ilang taong pag titiis ko sa kamay niya para pag bayaran ang mga bagay na nagawa kong kasalanan sa kaniya noon. Tama na ang ilang taong parusa Tama na! " Plssss. Hayaan mo na ako...